TEN

2029 Words
*** One month later... PAPASOK na si Sabrina sa unibersidad nang umaga na iyon. Nang mahagip niya ang pamilyar na bulto ng taong matagal nang gumugulo ng kanyang isipan. One month with Kerkie by her side change something in her. Hindi niya mapagtanto kung ano pero malaki ang impact ng pagdating nito sa buhay niya. Huminto siya at pinagmasdan ito. Hindi siya napansin nito dahil nakatagilid ito sa gawi niya habang humihithit ng sigarilyo. Pinagmasdan niya ito habang nakatingin sa mga madudungis at namamalinos na mga bata. He was just there, standing and looking at those unfortunate children. Nang itinapon nito at inapakan ang sigarilyo na hinihithit nito. Nagulat siya nang inilahad nito ang kamay sa apat na bata. Nang umalis ang mga ito ay tila may sariling buhay ang kanyang mga paa sapagkat sumunod siya sa mga ito. Kerkie is kind. Maloko ito minsan pero mabuti ang puso nito. Aaminin niya na pakiramdam niya ay sobrang espesyal niya dahil sa mga ginagawa nito. Within that month, wala na nga itong babae tulad ng sinabi nito. Ni wala nga siyang makita o marinig na i-chismis sa lalaki. Kumbaga, nagbago talaga-- kung para sa kanya, ang suwerte niya. Siya niya lang. Saglit na iniwan nito ang mga bata sa labas ng fastfood chain at ilang minuto pa ay may mga dala na itong take-out sa mga bata. She looked at his direction in awe. Tila nagulat pa ang mga bata nang makita kung ilang piraso ng paperbag ng pagkain ang dala ni Kerkie. Sabay-sabay na nagpasalamat ang mga bata kaya ngumiti ito nang matamis. That moment, she felt her heart swell. Kahit naging masama ang tingin niya nang una rito ay hindi niya alam na may magandang loob din ito. Isa iyon sa mga bagay na gusto niya sa lalaki. He like kids, nakita rin niya kung gaano ito kagiliw sa mga batang pinuntahan nila sa Bulacan. Someday, Kerkie will be a good father, sigurado siya doon. Nagawa pa nga nitong guluhin ang buhok ng isa sa mga bata. Kumaway pa ang isang bata bago tuluyang umalis bitbit ang mga binigay nito. Kung dati ay naniniwala siyang First impression lasts; ngayon ay nabago na ang tingin niyang iyon. He was a loving person. Sino nga ba ang hindi ito magugustuhan? Did I admit that? She walked toward him. Pumihit ito paharap sa kanya at saglit na rumihestro ang gulat sa mukha nito. Mukhang hindi nito inaasahan na nandoon siya. "Hi!" She plastered her sweetest smile. "Ano'ng ginagawa mo dito?" he arched his brow. "Nakita ko yung ginawa mo. Uy, ang bait pala nitong boy-friend ko!" She teased. Nag-iwas ito nang tingin at napahawak sa batok. Napansin niya ang pamumula ng magkabilang pisngi nito. Hindi tuloy niya napigilan ang mapahagikgik. She find him so freakin' awesome and cute. "Pinagtatawanan mo ko?" He snorted. Umiling siya. "Hindi kaya!" Pinisil niya ang kaliwang pisngi nito. Ang cute-cute talaga ni Kerkie. Hinawakan nito ang kamay niya kaya agad siyang napagitla. May tila dumaloy na kuryente sa kamay niya nang hawakan nito. Nagkatinginan sila at kapagkuwan ay nginisian siya ng binata. "Naramdaman mo ba 'yon?" asar nito. "A-Ang alin?" Kinabig siya ng binata. "Spark?" Nanlalaki ang mga mata na umiling siya. Nang maramdaman niya ang labi nito na lumapad sa kanya ay napapikit siya. Mainit at puno ng pagsuyo ang labi nitong humahagod sa kanya. Like the first time, they made love. "I love you, Sabrina Lastimosa." He whispered between the kisses. Hindi pa rin siya makapag-react. Ang bilis lang ng t***k ng puso niya. Ni sa hinagap ay hindi niya akalain na ganoon katindi ang emosyon na posible niyang maramdaman sa panghahalik nito. Kerkie is a good kisser and a good lover. Parang lumubo ang puso niya at may maliit na boses ang bumulong sa kanya. She blinked twice when the realization hit her. Your heart is in really deep s**t! You're in love with him! *** TULIRO si Sabrina mula nang mapagtanto niya kung ano ang nararamdaman niya para kay Kerkie. Masyadong mabilis ang lahat pero totoong emosyon iyon. Whether she admit it or not, inlove siya. It was funny, ngayon lang niya nabigyan nang kahulugan ang nararamdaman. Hindi lang basta infatuation o crush ang nararamdaman. Mahal niya ang binata! Mahal talaga! "Hoy! Ano'ng nangyari sa'yo? Para kang wala sa sarili mo." Sita ng kaklase at kaibigan na rin niyang si Ceejay. First year pa lang ay magka-blockmate na sila. Kabilang sa third s*x si Ceejay, bukod sa mga kaibigan ay isa si Ceejay sa malapit niyang kaibigan na tanging binabae. Pero hindi ito cross-dresser, kung hindi niya lang ito lubusang kilala mapagkakamalan niya itong tunay na lalaki. May itsura naman ito iyon nga lang kasama ito sa ka-pederasyon. Katabi niya ito at nakisabay siya sa pagkain ng lunch. Nahiwalay kasi siya sa mga kaibigan ng subject niyang Rizal kaya madalas ay si Ceejay ang kasama niya. Well, kanina pa siyang umaga hinalikan ni Kerkie pero ramdam pa rin niya ang labi nito sa kanya. Ang init ng halik nito ay hindi niya kayang ipaliwanag. Sumisilakbo ang damdamin niya nang magtagpo ang mga labi nila. Tila naka-marka iyon sa mga labi at utak niya. "I'm inlove with Kerkie," wala sa sariling sabi niya. "Si Nash Kerkie Hernandez ba ng BusAd Management 'yan?" Nanlaki ang mga mata niyang hinarap ito nang marinig ang malakas na boses nito. Hindi lingid sa kanya na type nito ang tipo ni Kerkie. "Bakla, hindi ka man lang nagkukuwento na may something kayo? Wala pang love team pero kinikilig na ko sa inyong dalawa." Mahinang sabi nito sa kanya. Tila kinikilig pa ito nang sinabi iyon. Lumingon siya sa paligid. Nakatingin na sa kanila ang halos lahat ng mga tao sa loob nang canteen. Sinabi ba talaga niya ng malakas iyon? Patay siya! "Huwag ka maingay." Natatarantang sita niya. Paano kung marinig ni Kerkie iyon? Lalaki ang ulo ng lalaking iyon. Napalunok siya dahil iba ang naisip niya. Diyusko Sab, ano bang iniisip mo? "Ano nga uli ang sabi mo? Inlove ka kay Kerkie?" malakas na ulit nito sa sinabi gamit ang baritonong boses. Kung hindi lang niya ito kilala ay aakalain talaga niyang lalaki ito. Paano kapag nalaman iyon ni Kerkie? Ano ang gagawin niya? Sana lang talaga ay walang nakarinig sa sinabi niyang in-love siya sa lalaking iyon. Hindi pa siya handa malaman nito ang tungkol sa katutuklas pa lang niyang damdamin para dito. Tila natahimik ang paligid. Nakataas ang kilay na nilingon niya si Ceejay na sa likod niya nakatingin. Mukhang nakakita ito nang multo sa itsura nito pero nang mapagtanto kung bakit ganoon ito ay kinabahan siya. Napalunok ulit siya. Tumayo ito. "Alis na muna ko. May kailangan lang ako asikasuhin." Nanlalaki ang mga mata na sinundan niya ito nang tingin. Iniwan siya ng walanghiya! "Inlove ka sa akin?" Tila huminto ang t***k ng puso niya nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon. Naramdaman niyang umupo ito sa tabi niya. Pinigilan na yata niya ang paghinga dahil sa lapit nito. Shit! He is here! s**t ka talaga Ceejay, Humanda ka sa aking baklita ka! Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin. Naputol na nga yata ang dila niya. Nanindig ang balahibo niya nang umusog ito palapit sa kanya. Nagkadikit kasi ang balat nila. Hindi niya mahanap ang tinig niya. Awtomatikong umusog siya palayo rito. Sa kauusog niya ay muntik na siyang mahulog kung hindi lang siya nahawakan ni Kerkie sa braso. "Opps Sab, ma-fall ka lalo sige ka," asar nito. Tila iba ang gusto pakahulugan. Binawi niya ang braso mula sa pagkakahawak nito. Sumeryoso na ito. "Who's that man? Nililigawan ka ba niya?" Napailing na lang siya. How can she react if he knows everything is right? "Good." May pilyong ngiti sa labi nito. Hinawakan nito ang kamay niya at pinaglaruan. Mas tumindi ang gambala na naramdaman niya sa loob ng sistema. Ni hindi niya mabawi ang kamay niya. She bit her lower lips. "Stop doing that," Maang na tinignan niya ito. "Huh?" "Let's date." ani Kerkie. "Huh?" Ngumisi ito. "You're very cute, Sab." I'm really into him. Piping sabi niya sa sarili habang nakatitig sa guwapong mukha nito. Checkmate na siya, nahulog din siya kay Kerkie Hernandez.  **** "YOU LOOKED stupid, Kerk." iling ng kaibigan niyang si Wade sa kanya habang namimili siya ng bulaklak na ibibigay kay Sabrina mamaya sa date nila. Pina-car wash muna niya ang kotse niya. Pauwe na sana sila nang madaan sila sa isang flower shop. "Hindi ka ganito sa babaeng ide-date mo lang." "She's something, Wade. Not my typical type." Tumaas ang gilid ng labi nito. "I think so, ngayon lang kita nakita na nagkaganito." Wade was his high school friend- turn to bestfriend. Pero mas sanggang dikit niya si Daniel na five years old pa lang ay kilala na niya. Pare-parehas silang playboy at isa iyon sa bagay na pinagkakasunduan nila. May kompetesyon pa nga sila sa paramihan ng magiging girlfriend sa loob ng isang buwan. Ngayon ay willing na siya magpatalo sa dalawang ito. Sabrina is enough, she is worth everything. "Para kang babae kung mamili, kaya. Fifteen minutes na tayo dito pero hindi ka pa rin dumadampot ng bulaklak para mabayaran na. Dalian mo ng makauwe na tayo. Susunduin ko pa si Jessie." ani Wade. "Ang aga pa kaya." Pinakita niya ang relos-pambisig sa kaibigan. Minsan hindi na siya naniniwala na kaibigan lang ang turing ni Wade kay Jessie. It was just three pm, Jessie will be out at five. "Hello, mga sir. Ano ang maitutulong ko sa inyo?" ani ng isang babae. Napalingon sila ni Wade sa direksyon nito. Lumapit pa ito sa kanila. "Marami kaming choices ng flowers dito. Puwede assorted if nahihirapan kayo mamili ng isang flower lang." Inakbayan siya ni Wade. "Thank you, we really need your help, Ms--" "Brenda, ako ang may-ari ng flower shop na 'to." Her smile is like a ray of sunshine. Pero mas maganda pa rin ang Sabrina niya. "May date kasi ko mamaya Ms. Brenda. I want to give my girl a flower she will love. Hindi ko kasi alam kung magugustuhan niya ang bibilin ko. I want to make this night special for her." She nod and smiled at them. "Okay, I'll personally arrange the flowers for your special someone." Ito na mismo ang kumuha ng mga tangkay ng bulaklak para sa kanila. Red roses lang ang alam niya sa tatlong uri ng bulaklak na kinuha nito. Nang makuha na nito ang mga bulaklak ay bumalik na sila sa counter. Inayos na nito ang bulaklak para sa kanya. Nang may mahagip ang mga mata niya na maliit na bookshelf sa tabi ng counter. Mga pocketbook. His mama love reading pocketbooks. Dinampot niya ang libro nang makita ang pen name na "Sierra Marie" doon. Isa iyon sa writer na sinusubaybayan nito. "Pakisama na rin ito," sabi ni Kerkie pagkalapag ng libro sa ibabaw ng counter. "Para sa special someone mo?" tanong ni Brenda. "Nope. For my mom. She loves reading her work." nakangiting sabi niya. Hindi nagtagal ay natapos na rin ito sa pag-aayos. Binayaran na niya ito. Inabot nito ang bouquet sa kanya pati ang pocketbook na may kung anong sinulat sa unang pahina bago ibigay sa kanya. "Here, thank you for shopping!" masiglang sabi nito. Nagpasalamat na siya. Napangiti siya nang makita ang ayos ng bulaklak. Sabrina would love it for sure. Bago sila tumalikod ay tinawag muli sila ng may-ari. "Take this as a token, your special someone would like it. It symbolize 4 good things." anito, may hawak itong maliit na snow globe. Tinignan niya ang nasa loob niyon, cloverleaf. Kinuha niya iyon at nagpasalamat muli. Narinig pa niyang nag-goodluck ito sa kanya bago sila tuluyang lumabas. "She's hot and pretty," ani Wade pagkalabas nila. "Tigilan mo na 'yan, maybe she was married or something. May singsing na iyon nakita ko. And she's looked older than us." "That's the thrill." Napailing na lang siya at nauna ng sumakay sa kotse nito. Sumakay na rin ito. "No what, you are changing. For good or worst, I don't know." kibit-balikat nito. Napabuntong-hininga siya. He's serious about Sabrina. Iyon ang sigurado niya. Gusto niya maging girlfriend ito for real.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD