SABRINA laughs when Mara makes a cooing sound on her arms. Apat na buwan na rin si baby Mara kaya bukod sa malikot na ay nakakatuwa na rin. Sa loob nang isang buwan nilang paninirahan ng mga bata sa bahay nila Ricky ay nakakaramdam na siya ng todong hiya. Ayaw lang niya bumalik sa bahay nila dahil magsasanhi lang iyon nang malaking gulo pa. Ni hindi nga alam nang mga kapatid niya at ng ama hanggang sa mga oras na iyon sa nangyari sa kanila ni Kerkie. Mukhang wala ring alam ang mommy niya at ang ama nito. Kapag bumibisita siya sa mommy niya at walang sinasabi ito. Wala na rin siyang balita kay Kerkie at Samantha. Kapag pumupunta ito doon ay hindi niya rin ito kinakausap kung hindi tungkol sa mga bata. Ayaw din naman niya malaman ang kahit ano sa mga ito. Ayaw niya masaktan. Ricky laughed

