GABI na nang i-uwe sila ng Kuya Aldrin niya sa bahay. Nakatulog na nga iyong mga bata sa sobrang pagod ng mga ito. Wala kasing ginawa ang tatlo kundi makipagkulitin sa mga kapatid. Dumaan muna sila ng Jollibee at pinakain ang mga bata. Tuwang-tuwa na naman si Nalena. Halos kasama niya ang mga kapatid sa pagpapalaki sa mga bata. Sa sandaling panahon ay minahal rin ng mga ito si Kerra at wala na siyang mahihiling pa. Naalimpungatan ang mga bata nang huminto sila. "Bahay na tayo, Mommy?" Inaantok na tanong ni Nathan. Tumango siya. Agad na ginising ni Nathan ang mga kapatid na babae. Humikab si Nalena nang magising ito at nag-stretch naman ng mga kamay si Kerra. Mabilis na pinagbuksan ni Nalena ang pinto ay nagmamadali na pumasok sa loob ng bahay. "Salamat, kuya." Tumango ito at ngumiti.

