EIGHT

2020 Words
"SALAMAT sa paghatid sa akin, Kerkie." Pagkatapos nang date diumano nila ni Kerkie ay hinatid siya ng binata sa kanila. She enjoy that night to be honest. Kumain at sumayaw lang sila. Nako-corny-han siya pero naku-cute-han at the sane time. Pakiramdam niya ay sobra ang effort na ginawa nito. It is just their first date. Ano pa sa mga susunod. So, nage-expect ka na meron? Pinagbuksan pa siya ni Kerkie ng pinto na talaga namang ikinangiti niya. He was sweet. Tumingkayad siya para halikan ito sa pisngi. "Is that a friendly kissed? Dapat sa lips." Pang-aasar nito. Nanlaki ang mga mata niya. He has a lopsided smile on his lips. "We kissed, you don't remember?" Hinampas niya ito. "Pasok na ko." Paalam niya. Tumalikod na siya nang pigilan siya ng lalaki. Dumukwang ito sa tainga niya. Gumapang ang kilabot sa buong sistema niya nang tumama ang hininga nito sa sensitibong parte ng tainga niya. Bahagya siyang humiwalay at tumingin sa mga mata nito. Ang ilaw mula sa poste ng bahay nila ang silbing liwanag sa kanila. Madilim na sa paligid pero hindi nakatakas sa kanya ang pagkislap ng mga mata nito. Nakatitig ito sa kanya. Tulad noon, ang lalim nang tingin nito na hindi niya mawari kung ano ang nasa isip nito. Naglakbay ang tingin nito sa buong mukha niya. "Did you enjoy this night?" Ngumiti siya. "I think I really liking you a lot." malumanay na sabi nito. She was stunned. "I'm not one of your girls," lakas-loob na sagot niya. "You're not really one of those girls. You're different and I'm liking you more and more." Tila hinahalukay nang tingin nito ang buong pagkatao niya. "I like your eyes. Your eyes reminded me of someone really special in my life... but yours have a different effect. Kapag nakatingin ako sa mga mata mo ay parang nahuhulog ako sa ibang mundo. Bumibilis ang t***k ng puso ko. Parang may kuryente na dumadaloy sa mga ugat ko kapag katitigan ka. Parang ngayon..." Hinawi nito ang buhok niya. "I may sound corny but I really want to be with you." Napapikit siya nang haplusin nito ang pisngi niya.  "Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam pero alam ko sa sarili ko na habang tumatagal mas gusto ko ito. Can I kiss you?" mapag-asam na tanong nito. Walang lumabas na salita sa bibig niya pero tumango siya sa binata. The next thing she knew, they were kissing under the night of full of stars. Hindi siya nagalit sa ginawa nito. Ni hindi nga take advantage ang tingin niya na ginawa nito. Walang kahit anong mali sa pakiramdam niya. *** KAKALABAS lang nang mall ni Sabrina nang umaga ng friday na iyon. Malapit na diumano ito dahil susunduin siya. Kanina kasi bago siya pumunta sa mall ay nagtext na siya sa binata kaya nagbiyahe na ito. Sa tingin naman niya ay hindi na-traffic si Kerkie dahil friday naman niyon. May usapan sila ni Kerkie na pupunta sa Venice Grand Canal sa Taguig para gumala. They were having this kind of not official relationship for two weeks. Hindi nagtagal ay nagkita sila sa parking lot. Hindi agad niya nakita ang sasakyan ni Kerkie nang marinig niya ang baritonong boses nito. Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses at doon lang niya nakita ito. Kumakaway pa ito sa kanya na nilapitan naman niya. Bigla ay gusto niya tumakbo palabas nang makita niya itong hinagod ang kabuuan niya. Nag-iwas siya ng tingin sa binata pagkalapit niya sa puwesto nito. He was wearing a short and fitted T-shirt. Ang pansapin naman niya sa paa ay ang Torch burch doll black shoes. Nakasukbit din sa katawan ang signature Kade spade crossbag niya. Naka-high ponytail ang mahaba niyang buhok at bahagyang kinulot iyon ng malalaking curls. Pagkarating doon ay kumain muna sila. Hindi pa rin maalis ang pagkamangha sa mga mata nito. "You looked like a walking doll." Nang bumaba ang tingin sa short niya. "Pero ang ikli masyado ng short mo." "That's normal, Kerkie." He sighed. "Anong gusto mo?" "Pancake," "Drinks?" "Coffee." nakangiting sagot niya. Umalis na ito at um-order ito nang pagkain nila. Pagbalik ay dala na iyong pagkain nila. May dala itong isang styro-plate na may lamang pancake. Kumain na muli ito at siya naman ay nilagyan ng creamer ang kape niya. Habang kumakain siya ay napansin niyang tumayo muli ito at hinila ang silya sa tabi niya. Umupo ito katabi niya. Napansin niyang nakasimangot na ito. "Bakit?" takang tanong niya. "Next time, huwag ka na magsusuot ng ganyan lalo na kapag hindi mo ko kasama." Tila inis na sabi nito. Nagsalubong ang mga kilay niya. "Bakit?" "Ako lang ang may karapatan tumingin sa'yo." Napamaang na lang si Sabrina sa narinig. "Are you serious?" He took a deep breath again. "Stay here, may bibilhin lang ako." Tumango na lang siya at sinundan-tingin na lang itong tinignan palabas. Nagkibit-balikat na lang siya at kumain ng pancake. She was on the half-way of eating her pancake when Kerkie arrived. May bitbit na itong paperbag. Umupo ito agad sa tabi niya at kinuha ang laman. Napamaang siya nang pinatong nito sa legs niya ang jacket. "Kerkie?" "No buts, Sabrina." He firmly said. Napangiwi na lang siya. Hindi na siya nakipag-ayaw rito. "Okay,"   *** PAGKATAPOS kumain nila Kerkie at Sabrina ay umalis din sila agad sa fast food chain. Pinigilan niya ang sarili matawa nang makita kung paano tignan nito ang mga estudyante na nakatingin sa kanya ng huli. May nagbaba nang tingin at ang iba ay sa ibang direksyon tumingin. Hinawakan niya sa braso si Kerkie para makalabas na sila. Nang makalabas ay pinakawalan na niya ang tinitimping tawa. "Tinakot mo 'yong mga bata. God, Kerkie they looked high school students." Umismid ito. "Bata? Kung wala nga siguro ko baka pinormahan ka na ng mga 'yon." Naglakad na sila palapit magkasabay. "Grabe, seloso ka pala." Huminto ito at hinarap siya. "Hindi ako nagseselos." "Sinungaling. Ang grumpy mo kaya simula kanina pa at kaya ka nagkakaganyan kasi nagseselos ka sa mga batang 'yon." Asar pa niya. "Shut up or else I'll kiss you." Banta naman nito. Pinamaywangan niya ito. "Akala mo naman matatakot mo ko ng kiss-kiss na 'yan. Ang sabihin mo, seloso ka talaga." Napansin niya na namumula na ang tainga ng binata. May kasama ng banta ang tingin na binibigay nito sa kanya. "I'm not, Sab..." "Umamin ka na kasi. Promise, hindi kita pagtatawanan." She teased. "Stop that," Suway nito. "Seloso talaga," Patuloy na kantiyaw niya. Nang makita niya ang seryosong mukha ni Kerkie na lumingon sa kanya ay mabilis na naglakad siya pauna. Mahirap na at baka tototohanin nito ang sinabi sa kanya na hahalikan nito sa harap ng maraming tao. Nakakahiya! Nang makarating na sina Kerkie at Sabrina sa may Grand Canal ay agad siyang nagpakuha ng picture sa lalaki. Ang ganda ng lugar pati na rin ang mga nagtatayugan na mga building. She really loved that place. Maliit pero malinis. Ang main attraction talaga ay iyong tulay na marami din ang nagpapa-picture. Kahit saan siya tumingin ay parang nasa ibang bansa siya. May mga foreign restaurant din na puwede kainan. Sumilip siya sa tubig ng tulay at nakita niya ang maraming coins. Ginawa na rin pa lang wishing well ng mga bisita iyon. Kumuha siya ng barya at nag-wish din bago ibinato sa tubig ang barya niya. "What was that?" Nakangiti na nilingon niya ito. Nakatayo si Kerkie sa tabi niya at nakatitig sa kanya. "Ginawa na kasi nilang wishing well itong tulay. So sinubukan ko rin na mag-wish," "Do you believe on such a thing?" Tumango siya. "Oo naman. Wala naman mawawala kung susubukan mag-wish eh." Kumuha siya ng barya sa pitaka at inabot iyon kay Kerkie. "Subukan mo din," "I'm fine. Wishing are just wishes." Sumimangot siya. "Grabe siya. Wishes are the things you wanted to happen or you like to have or maybe for others. Wala naman masama kung humiling ka at ipagdasal na sana ay magkatotoo ang mga iyon." Humarap na siya. "Ganito na lang. Ako na ang hihiling para sa'yo." Pumikit na siya at inusal sa isip ang hiling niya para kay Kerkie. "Carpe Diem," Nagmulat siya ng mga mata at nilingon si Kerkie. "Huh?" "Let's enjoy the moment without concerning the future. I do not believe in wishes but for you, I will," Her heart pounded. *** WALA namang pasok sina Sabrina kaya tumulong sila ng mga kaibigan sa pagre-repack ng mga groceries na ipapadala sa lugar na sinalanta ng bagyo. Nasalanta ng malakas na bagyo sa may Bicol area at nangangailangan talaga ng tulong ang mga tao doon. Lahat ng volunteer na katulad niya ay busy para sa mga ipapadala na relief na kailangan ng mga biktima ng bagyo. Next week ay matatapos na iyong pagbo-volunteer niya pero gusto naman niya ang ginagawa. Sa loob nang halos ilang linggo ay palagi na lang sila magkasama ni Kerkie. Hindi man aminin ni Sabrina ay naa-appreciate at natutuwa siya sa atensyon na binibigay nito sa kanya. "Siya pa talaga ang personal na pumunta rito para i-abot ang mga tulong na maibibigay nila sa mga typhoon victim." ani ng isa sa kapwa volunteer niyang si Kai. "Sino ba ang pinag-uusapan n'yong dalawa?" singit ni June sa tabi niya. "Iyong may-ari ng Hernandez Chain of Hotels mismo." sagot ni Kai. "Iyong nanay ng schoolmate natin si Nash Kerkie Hernandez ng BusAd." Binunggo siya sa balikat ni June. "Ang bait pala ng mommy ng syota mo." Nanlaki ang mga mata niya. "Hoy!" Tumawa nang mahina ito. "Hindi ko gusto ang lalaking 'yon pero mukhang mabait ang mommy niya." "It's her stepmom. Namatay na ang biological mom niya." "Hmm... mukhang maraming alam. Syota mo na?" "June ha!" Nang tumunog ang cellphone niya. It's Kerkie. Tumayo muna siya para makalayo. They were just talking some things. Nang maalala niya ang narinig na usapan bago tumawag si Kerkie. "Your mom donated some relieve goods and personal necessities." "Yeah, Mama has told me yesterday. Hindi ko lang alam na sasama ka para sumama din ako sa repacking." "No need na, patapos na rin kami. Pero sayang, mabilis umalis ang mommy mo." No doubt, Kerkie was raised by two wonderful women. "Are you still in the gym?" "Uh-oh." "I'll pick you up after, okay?" Hindi pa man siya sumasagot ay nawala na ito sa kabilang linya. Hindi na siya makakatangi kaya hinayaan na lang niya. Pagkatapos niya tumulong doon ay dumeretso sila ni Kerkie sa isang ice cream shop. Iyon diumano ang reward na bibigay nito sa kanya sa pagiging mabait niya. Para itong sira pero pumayag na lang siya. Hindi nagtagal ay dumating na ang order na ice cream niya. "Palagi ka ba talagang nagbo-volunteer?" tanong ni Kerkie. Nag-angat siya nang tingin mula sa kinakain. "Oo naman. Kahit pang-labas na mga volunteer activities." Sumubo siya ng ice cream. "Ikaw ba naman magkaroon nang mga kaibigan na role model. Ewan ko na lang kung hindi ka mahawa. Isa pa, masaya kaya tumulong sa iba kasi nakakagaan ng loob." Humalukipkip ito sa harap niya. "You're really amazing," Nakagat niya ang kutsara at kapagkuwan ay tumikhim. "How about you? Ano ang mga extra-curricular activities mo." wala sa loob na tanong niya. May gumuhit na nakakalokong ngiti sa labi nito. "Hindi mo gugustuhin malaman," ani Kerkie sa kanya. Napatango na lang siya. May ideya na siya kung ano iyon at wala nga siyang balak malaman. Bakit ba kasi nagawa pa niya itanong. Minsan talaga ay hindi niya maiwasan ang hindi maging madaldal. Nang dumukwang ang kamay nito at may pinunasan sa ibabaw ng labi niya. Nanlaki ang mga mata niya nang isubo nito ang dariling pinunas sa kanya. "Sarap," Dinilaan pa nito ang daliri sa harap niya kaya dumukwang siya at hinampas ito sa balikat. "Hoy, ang laswa mo talaga. Tumigil ka nga," nanlalaki ang mga mata na pigil niya dahil baka may ibang makapansin. He chuckled. "Why? Masarap ka naman talaga." Namula ang mukha niya nang maalala kung ano ang ginawa nito sa kanya nang may mangyari sa kanila. Inapakan niya ito sa ilalim ng lamesa. "Buwesit ka talaga, Hernandez. Ang libog mo." Inis na bulong niya. He laughed. Sabrina just sighed.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD