SA LOOB nang isang linggo ay nanatili si Sabrina sa ospital. Every other day ay kinukuha muna ni Katherine ang mga bata tapos ay ihahatid sa school. Habang nasa ospital si Manang na kay Katherine muna ang mga bata. Si Manang kasi ang nag-aasikaso sa kanya sa ospital. Dumadalaw din si Katherine sa kanya kapag may oras ito at aalis rin kapag kailangan. "Anak, paano ka lalakas kung ayaw mo kumain?" tanong ni Manang sa kanya nang huminto siya sa pagkain ng sopas na ginawa nito. Kinuha nito mula sa lunch bag ang ginawa nitong vegetable salad para sa kanya. "Kailangan mo kumain ng maso-sustansiya na pagkain para mabawi mo ang lakas mo." Umiling siya at bumalikwas ng higa. Ang gusto lang niya ay matulog maghapon. "Sabrina..." "Gusto ko muna matulog, Nang." Halos pabulong na sabi niya. Napabu

