TWENTY-ONE

1721 Words
"ARE you done packing?" Nilingon ni Sabrina ang kuya Alden niya na nakatayo sa pinto ng silid ng mga anak niya. Ngumiti siya at sinilid sa luggage niya ang ilang gamit na naiwan ng mga bata. Susunduin sila ni Kerkie mamaya. Nakapunta na siya isang beses sa bahay nito nang una niya makilala si Kerra. Iniisip rin niya ang batang iyon, matatanggap kaya nito ang mga anak niya? Ayaw niya isipin nito na aagawin ng mga bata ang Daddy nito. Ngumiti siya. "Nand'yan na ba siya sa baba?" Umiling ito at lumapit sa kanya. Umupo ito sa kama. "Tinakot ka ba niya na kukunin ang mga bata kung hindi ka titira kasama siya?" Napabuntong-hininga siya. Gulo niya ito, hindi niya isasali ang kapatid. "Hindi. Desisyon ko ito para sa mga bata. Ayoko lumaki sila na hindi nila kasama si Kerk." Half of that is true, gusto niya makasama ng mga ito si Kerkie. Sigurado siya na magiging mabuti itong ama. Like to Kerra, she adored that kid so much kahit hindi galing sa kanya. Anak ito ni Kerkie, tanggap niya ito ng buong puso. "Kung payag na si Aldrin at Dad, hindi pa rin ako kumbinsedo dito, bunso." Ani ng kuya niya at ginulo ang buhok niya. Nakapagpaalam na rin siya sa Daddy niya at pumayag naman ito agad. Nilingon niya ito at sinuntok sa tuhod. "Kuya naman, hindi na ko bata hah." Tumawa ito. "Alam ko, pero mami-miss ko ang mga bata." "Mami-miss ka rin namin, Deden." Ginawa niya kung paano tawagin ng kambal ang kapatid. Mula bata pa ang mga ito ay consistent na ang tawag ng mga kambal rito at sa kapatid niya. It sounds funny pero tila endearment na iyon sa mga kapatid niya. "Si Kerkie na ba ang susundo ng dalawa?" ani ng kapatid. Nagpaalam si Kerkie sa kanya na susunduin ang mga bata sa school ng mga ito. Kinder na ang kambal at si Manang lagi ang nasundo sa mga ito kapag nasa trabaho silang lahat. Isasama din niya si Manang dahil hahanapin din ito ng mga anak niya. "Malapit na agad ang loob ng dalawa sa kanya. Masaya ko dahil hindi ko nahirapan na paglapitin sila." Sabi niya sa kapatid. Unti-unting nababago ang buhay ni Sabrina bawat araw na dumaraan. Kerkie is controlling her around but she can't complain. Lahat ng gusto nito ay susundin niya labag man o hindi sa loob niya. Ito lang ang nakikita niyang paraan para kahit paano ay makabawi at humupa ng kaunti ang galit nito. She wants her old Kerkie back. Iyong mahal na mahal siya. Tinapik siya ng kapatid sa balikat at umalis na. Hindi nagtagal ay narinig na niya ang boses ni Nathan. Ito talaga ang pinakamaingay at bibo sa dalawang bata. Napatayo siya nang makita na tumatakbo ito patungo sa kanya. "Nathaniel, be careful." Paalala niya. Sumugod ito ng yakap sa kanya at pinakita ang braso niya. Tinuro pa nito ang mga star marks sa kamay nito. "Look Mom, I got 2 stars." She smiled widely. "Galing naman ng baby boy ko." "Sabi ni Daddy, mana daw ako sa kanya." Pagmamalaki nito. Tumawa siya. "Oo naman. Lahat halos, anak." Inosente itong tumingin sa kanya. "Mahal mo po ba siya?" Tinignan niya ito at hinaplos ang pisngi. "Tulad ng pagmamahal ko sa inyo. Bakit mo naitanong?" "Tinanong kasi ni Len-Len si Daddy kanina kung bakit ngayon lang namin siya nakilala. Ang sabi ni Daddy, nagalit ka daw sa kanya kaya nawala siya pero ngayon bati na daw kayo. Hindi mo ba siya love kaya nagalit ka sa kanya?" inosenteng tanong nito, petname ni Nalena ang Len-Len. Napalunok siya. Hindi dapat sinabi iyon ni Kerkie sa mga bata. "H-Hindi por que nagalit si mommy kay daddy ay hindi ko na love ang daddy n'yo. Mahal ko siya anak at hindi mababago iyon kahit ano ang mangyari." Ginulo niya ang buhok nito. "Tara na, gusto mo ba makita ang kuwarto mo sa bahay ng daddy?" Tumango ito at hinatak siya palabas. Sasalubungin nila ang mag-ama niya. Hindi pa man siya nakakalabas ay nakita niya si Kerkie na nakatingin sa kanila. Nakapamulsa itong nakatingin sa kanila. He was intently looking at them—rather to her. Napalunok siya nang makita ang intensidad sa titig nito. Parang... parang hinahalukay nito ang kaloob-looban niya. Tumikhim siya. "Nasa'n si Nalena?" Tinuro nito sa baba at nag-iwas ito ng tingin. "Kunin ko na ang mga gamit n'yo." Saka siya nilagpasan at kinuha ang mga gamit nila. Bumaba na siya hawak-hawak si Nathan. Naabutan niya ang baby girl niya na nakikipag-kuwentuhan sa Daddy niya. Binaba na ni Kerkie ang ibang gamit nila. Tumulong na rin ang mga kapatid niya at sinakay sa kotse nito ang mga gamit. Nakasakay na rin ang mga bata at bago sila umalis ay nagsalita ang kuya Alden niya. Nilingon ito ni Kerkie. "Sa oras na mabalitaan ko na ginawa mo sa kapatid ko ang ginawa mo noong nakaraan. Kukunin ko sila sa'yo." She sighed. Hindi talaga titigil ang kapatid niya. "Kuya..." Tinapik ng daddy niya ang kapatid.  "Drive safely mga anak." Ani ng Daddy niya at nagpaalam na. Tumango si Kerkie. Bago umalis ay tinignan niya ang mga ito at ngumiti. Nasa front seat siya katabi si Kerkie samantalang nasa likod ang mga bata kasama si Manang. "Daddy, bakit po tahimik kayo?" pukaw ni Nalena sa biyahe. Nilingon niya ito at siya ang sumagot para kay Kerkie. "Nagda-drive si Daddy, anak. May kailangan ka ba?" Umiling ito at sumandal na lang kay Manang. Si Nathan naman ay tulog na rin sa bisig nito. Binalik niya ang tingin sa harap. "Nagugutom ka ba?" pukaw ni Kerkie sa kanya, kalaunan. Nilingon niya ito. "I'm good." *** PAGKARATING nila sa bahay ni Kerkie ay sinalubong sila ng mga kasama nito sa bahay. Kinuha nito ang mga maleta nila at pinasok sa loob. Sakto naman na nagising si Nathan samantalang tulog na tulog ang babae niya. Nilapitan niya si Manang para kunin si Nalena pero inunahan na siya ni Kerkie. Ito na ang nagbuhat sa anak nila papasok. Nasa sala sila nang marinig niya ang boses ni Kerra. Mabilis na sinalubong nito si Kerkie na karga ang anak. Tila natigilan ito nang makita na buhat ng daddy nito si Nalena. "Daddy..." there's hint of sadness on her voice. "She's Nalena, anak. Your sister." Masuyo na sabi ni Kerkie sa bata. Ngumiti din ito kalaunan. Lumapit si Nathan kay Kerra at mabilis na kinausap ito. "Ako si Kerra, five years old na ko." Ngumiti rin ang anak. "Ako si Nathan, magpa-five na rin kami ni Len-Len next, next month." Sakto ay naalimpungatan si Nalena at binaba ito ni Kerkie. "Hi Len-len, ako si Kerra." Nagtataka na tumingin ang anak sa kanya. Pumantay siya sa mga ito. "Anak siya ng daddy mo, Len. Big sister mo siya." Nanlaki ang mga mata nito at malaki ang mga ngiting tumingin kay Kerra. Tila na-excite pa ito at niyakap ang huli. Nagkatinginan na lang sila ni Kerkie at ngumiti ito sa kanya. Mabilis siya nag-iwas ng tingin dahil naramdaman niyang nag-init ang mga pisngi. Sinuway niya ang sarili. Hindi nagtagal ay naglaro na ang mga ito. Nakatitig lang siya sa mga bata habang naghaharutan. Kasama rin nito si Manang na naglalaro. Mukhang okay naman na ang mga ito sa isa't-isa. Hindi niya namalayan na nasa tabi pala niya si Kerkie at nakikimasid din. "They like Kerra." Sabi na lang niya. "Kerra was my adopted." Ani Kerkie habang nakatitig sa mga bata. Napamaang siya at hindi makapaniwala na tinignan ito. Ang akala niya... "I got her five years ago, umalis iyong kasambahay namin at iniwan si Kerra. She was premature that time so we take care of her." Nilingon siya ni Kerkie. "In-adopt ko siya at pinangalan sa akin." "I thought..." "You thought what?" Tumingin ito sa kanya ng mataman. "Na nakahanap ako ng iba at si Kerra ang bunga no'n?" Umiling siya at nag-iwas ng tingin. Ang akala niya ay anak talaga ni Kerkie ang bata kaya balak na niyang mag-give way. Kung masaya naman na kasi ito bakit pa siya manggugulo? "A-Akala ko kasi anak mo siya at masaya ka na kaya hindi ko na sinabi ang tungkol sa kambal. A-ayoko guluhin ang buhay mo pa, Kerkie. You are better without me." Pag-amin niya. Hindi na siya magtatago ng kahit ano sa lalaki. Nandito naman na silang dalawa kaya lulubos-lubusin na niya. "Bakit ka ba laging nangunguna?" pigil na pigil na tanong nito. Ramdam niya ang galit na namumuo sa lalaki ngayon. "A-Ayoko na kasi guluhin ka. Nang... nang makita ko si Kerra... alam ko kasing okay ka na. Ayoko makigulo ulit." Pabulong na sabi niya. "Bullshit, Sabrina. Hindi ko maintindihan kung bakit lagi ka na lang nangunguna." Pigil na pigil na bulyaw nito sa kanya. Malapit kasi sila sa mga bata at maririnig silang nag-aaway. "Akala ko kasi tama ang desisyon ko." Mahinang sabi niya. "To hid them forever?" he hissed. "Kerkie..." Bumuntong-hininga na lang ito at tinalikuran siya. Nakagat niya ang ibabang labi habang pinagmamasdan ito palayo. "Nag-aaway po ba kayo dahil sa'kin?" Nilingon ni Sabrina si Kerra na tila paiyak na. Mabilis na nilapitan niya ito at pumantay. May tumulo ng luha sa pisngi nito. Umiling-iling siya. "Hindi." "Pero hindi naman kasi ko anak ni Daddy Kerkie, eh." Nagsimula na itong umiyak. Niyakap niya ito at inalo. Ayaw niya isipin nito na hindi niya ito gusto. Hindi totoo iyon. She was a brave kid. Bata pa ito pero alam na nito ang totoo tungkol sa pagkatao. Nasasaktan siya para sa bata. "Your Daddy Kerkie loves you so much, Kerra. Hindi ka man galing sa'kin o sa kanya, pantay ang  pagmamahal namin sa'yo." Hinalikan niya ito sa noo at hinaplos ang makapal nitong buhok. Kerra is a good kid. Gusto niya maging mommy nito. "You want to call me mommy, anak?" May luha ang mga mata na tumingin ito sa kanya. "Okay lang po ba?" Tumango siya at pinunasan ang mga luha nito. "Oo naman. 'Di ba nga brother and sister mo sila Nathan at Nalena." "Anak n'yo na po ako?" Tumango siya at ngumiti. "Kung gusto mo ko maging mommy." Tumango-tango ito at mahigpit na niyakap siya. Nang lumingon siya sa mga anak ay nakatingin si Nathan sa kanila. Sinenyasan niya itong lumapit pero umiling lang ito.   Napaka-seloso talaga ng anak niyang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD