"WHAT was really happening to you, Sabrina? Nagbahay-bahayan kayo ni Kerkie sa loob nang halos tatlong linggo and now you're pregnant again with his child. Kung hindi mo pa kami tinawagan ay hindi namin malalaman na sa kanya ka nakatira at ngayon may balak pala siya pakasalan iyong Samantha dahil buntis din." Litanya ni Ricky sa kanya nang ikuwento niya ang buong nangyari. "As far as I remember, we told you na ipakilala lang ang kambal at hindi dagdagan." Singit ni June at hindi makapaniwala na nakatingin sa kanya. Nakagat niya ang ibabang labi. To be honest, hindi talaga niya sinabi sa mga ito ang nangyayari nitong nakaraan sa kanya. Mag-aalala kasi ang mga ito sa kanya. Ayaw naman niya makagulo pa ng matagal. Ito ngang magpasundo siya ay malaking abala na sa mga ito. May pasok pa sa tr

