NAGISING si Leamor na masakit ang kanyang ulo maging ang buo niyang katawan. Napangiwi siya sa kanyang pagmulat. Nang silipin niya ang sarili sa ilalim ng comforter ay napakagat-labi siya. Wala pa rin siyang suot na damit katulad kung paano siya nakatulog kagabi. Ngunit laking pasasalamat niya nang mapansin na wala na ang katabi niya sa kama. Gusto niyang manalangin na sana ay iniwan na siya nito at nauna nang umuwi dahil hindi niya alam kung paano ito pakikiharapan ngayon. Nahihiya siyang ewan. Kung tutuusin may kasalanan ito sa kanya dahil sa nangyari sa kanila kagabi. Pero hindi niya puwedeng ibunton ang lahat sa boss niya dahil pumayag din naman siya na may mangyari sa kanila. Pinakiusapan lang siya nito at dinaan sa halik at yakap, ayun bumigay na siya. Iyong pinakaiingatan niyang

