“AALIS ka na?” Napalingon si PJ nang marinig ang tinig ni Helena. Nakatayo pala ito likuran niya habang nagbubutones siya ng kanyang polo. “Oo. Aalis na ako ngayon. Ipinapatawag kasi ako ni lolo. May problema raw sa Phoenix Airlines,” sagot niya bago muling ibinalik ang atensyon sa kanyang ginagawa. Pagkatapos niyang maiayos ang kanyang suot na polo ay umupo at nagsuot naman ng sapatos. “So, pupunta ka sa main branch ng Phoenix Airlines? Tapos kailan ka naman babalik ng Penang?” “Sa Vancouver ako pupunta. Doon muna ako ng ilang araw saka ako babalik ng resort.” “Huh? Iyong branch ng Phoenix Airlines sa Canada ang may problema?” “Oo naman. Iyon lang naman ang hinahawakan ko. Iyong nandito sa Manila ay si Lexter ang nagma-manage,” paglilinaw niya. Nang maisuot niya ang kanyang sap

