“ANO ang laman ng alak mo, Jak? Bakit ang init ng katawan ko? Parang bigla akong nilagnat, ah,” nakasimangot na tanong ni Joel. Nakaisang shot pa lang siya pero iba na ang nararamdaman niya. Ang init na ng katawan niya gayong naka-full blast ang lahat ng aircon unit sa buong ballroom. “I’ll tell you later. Isang shot pa. Pampagana pa lang iyong ininom mo,” nakangising saad ni Jak. Inabot naman iyon ni Joel saka tinungga. Pagkalapag niya sa shot glass ay lalong uminit ang pakiramdam. May iba talaga sangkap ang alak na dala ni Jak. “Now you tell me, what kind of liquor is that?” Itinuro ni Joel ang bote ng alak na hawak ni Jak. Katatapos lang nitong bigyan ng alak si PJ. Napansin niyang may natira pang laman ito. Akmang magsasalita si MJ ngunit mabilis itong sinenyasan ni Jak. Agad nama

