Chapter 19 – My Parent’s Story

2188 Words

“SO, ANONG plano mo ngayon?” Umangat ang kilay ni Rosaline sa tanong na iyon ng kanyang ina. “Plano? Anong plano ang tinutukoy mo, mommy?” Alam naman ni Rosaline kung ano ang tinutukoy ng mommy niya ngunit gusto lang niyang diretsahin siya nito. Gusto niyang sabihin nito nang walang paligoy-ligoy. “Iyang pinagbubuntis mo? Anong plano mo diyan? Wala ka ba talagang balak na ipaalam sa nakabuntis sa iyo?” Umikot ang mga mata ni Rosaline. Ang kulit din talaga ng mommy niya. Sinagot na niya ng tanong nito noon pa pero tinatanong na naman siya nito ngayon na para bang nakalimutan nito ang isinagot niya noon. “Mommy, sinabi ko na sa iyo, hindi ba? Kahit malaman pa ng ex ko ang tungkol sa pagbubuntis ko, hindi rin naman niya ako pananagutan kaya sosolohin ko na lang ang responsibilidad. Wala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD