“HUH? SERYOSO ka diyan, Leamor? Iilang buwan ka pa lang dito pero ayaw mo nang tumira. Anong problema? Bakit ka lilipat?” sunod-sunod na tanong ni Nanay Nora kay Leamor nang magpaalam siyang aalis na sa boarding house. “May problema ka ba rito? May hindi ka ba nagustuhan? May umaway sa iyo? Sabihin mo sa akin, ineng. Gagawan ko ng paraan iyang problema mo. Sabihin mo lang sa akin ang totoo,” pangungulit nito, hindi pa man niya nasasagot ang mga nauna nitong tanong. Napailing-iling si Leamor. “Wala naman pong problema sa inyo, Nanay at kahit dito sa lugar ninyo. Pero kailangan ko lang talagang lumipat na ng tirahan dahil malayo po itong boarding house sa opisina namin. Nahihirapan na po akong mag-commute lalo na kapag ginagabi ako. Kaya naisip ko po na lumipat na ng tirahan.” Napabuntung

