NIKITA’S POV Napagdesisyunan namin ni Jelly na mag-dinner na lang sa labas. Ito ang unang beses na kakain kami sa labas na ako ang taya. Brokenhearted kasi siya kaya para mapasaya ko siya ay ililibre ko na lang siya. Nagpapasalamat pa rin ako na natauhan na siya. Mukhang natakot na bumuhay ng lalaking wala naming pangarap sa buhay kaya biglang nauntog ang kaibigan ko. “Japanese Restaurant?” saad ko at tumingin kay Jelly. “Yup, parang gusto ko kasi ng sushi, saka alam kong afford mo ngayon dito, minsan lang ito kaya huwag ka nang magreklamo,” saad niya at hinila ako papasok. Medyo late na, kaya hindi na ganoon kadami ang tao. Busy kasi kaming magkwentuhan kanina at hindi naming namalayan ang oras. Pumwesto kami sa may sulok malayo sa may pintuan. Agad naming kinuha ni Jelly ang menu h

