NIKITA’S POV Nakahiga na ako sa kama nang lumapit sa akin si Xerxes. At gaya ng kagabi, kahit ang laki niyang tao, mas nagpapabebe pa siya sa akin dahil humiga siya sa dibdib ko. “Bakit ba ang hilig mong mahiga sa dibdib ko?” tanong ko sa kaniya habang hinahaplos ko ang buhok niya. “It’s warm and comfortable,” sagot niya at mas humigpit ang yakap niya sa akin. Napangiti na lang ako hanggang sa makatulog na siya. Mukhang pagod siya kaya hinayaan ko na lang siya sa posisyon namin. Hinalikan ko ang buhok niya bago ako pumikit para matulog. Nang magising ako kinabukasan ay wala na siya sa tabi ko kaya nagmamadali akong bumangon. Nagtungo muna ako sa banyo bago ako bumaba. Naabutan ko siyang naghahain na ng almusal. “Good morning,” nakangiting bati ko sa kaniya at naupo na ako. “Good mor

