NIKITA’S POV Malaki ang ngiti ko nang pumasok ako sa loob ng apartment pero problemadon mukha ni Jelly ang sumalubong sa akin. NAgmamadali siyang lumapit sa akin nang makita niya ako. “Saan ka galing? Sabi nina Luis may van daw na sumundo sa iyo. Akala ko nakidnap ka na,” nag-aalalang tanong niya sa akin. “May pinuntahan lang,” simpleng sagot ko sa kaniya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya na tinanggap ko na ang offer ni Ma’am Sarina. “Sandali lang, ha. Maliligo lang ako.” Hindi ko na siya hinitay na sumagot at nagmamadali na akong pumasok sa kwarto ko para maligo. May sariling banyo naman kami pareho, kahit na maliit lang iyon. Iyon ang kinaganda ng apartment namin. Naligo ako at nagbihis ng damit ko. Balak kong magtungo sa bangko para ipalipat sa account ko. Hindi bir

