NIKITA’S POV “Nababaliw ka na ba?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Xerxes. Tiningnan ko siya sa mga mata niya pero sa mga labi ko nakatutok ang tingin niya kaya nakagat ko ang ibang labi ko. “Yes, I am I think I am crazy. I hate you, I should hate you…” tila nahihirapang saad ni Xerxes. “But I hate myself more for still wanting you.” Bigla niya akong marahas na hinalikan sa labi ko. Sinubukan kong mariing itikom ang mga labi ko habang tinutulak siya palayo sa akin pero hinawakan niya ang magkabilang pulso ko. Kinagat ko ang labi niya kaya napahinto siya sa paghalik sa akin. “Shhh… don’t cry,” pag-aalo niya sa akin nang hindi ko na mapigilang umiyak. Hindi ko alam kung bakit ginagawa niya ito Pinahid niya ang luha ko at hinalik-halikan ang mga mata ko. Suminghot-singhot pa ako. “

