Chapter 64

1514 Words

NIKITA’S POV Tatayo n asana ako sa kinauupuan ko nang biglang may naupo sa harap na bangko sa tapat ko kaya napatingin ako sa kaniya. Si Ashley iyon, nagtatakang tumingin ako sa kaniya. Ngumiti siya sa akin. Pulang-pula na naman ang nguso niya at kita ang pusod niya sa suot niyang damit habang sobrang iksi ng palda niya. “Kanina ko pa tinitingnan kung ikaw ba talaga iyan. Hindi kasi ako sanay na makita kang naka-dress. Anong meron?” Bahagyang dumukwang para ilapit sa akin ang mukha niya. “May sugar daddy ka na rin ba?” “Alam mo. Sinabi ko naman sa iyo, hindi ako papatol sa mga matandang amoy lupa na,” sagot ko sa kaniya. “Bakit kasi sa amoy lupa ka papatol, hindi sa amoy pera?” sagot naman niya at pinakatitigan ako. “Ang taray ng outfit mo today. Sabihin mo nga sa akin. Masyado akong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD