Chapter 3 -Thinking

2315 Words
NIKITA’S POV Hindi na ako nagtungo sa kwarto ko at lalapitan ko sana si Sir Xerxes na tumalikod na ngayon pero pinigilan ako ng manager ko. “Wait lang, anong ibig ninyong—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang takpan ng manager ko ang bibig ko dahil may mga customers na napapatingin sa gawi naming dahil sa lakas ng boses ko. “Don’t make a scene,” saway niya sa akin. Paanong hindi ako gagawa ng eksena? On the spot akong natanggal sa trabaho. “Tatanungin ko lang naman kung—” Hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko nang hilahin niya ako. Hinila niya ako papunta sa mismong opisina niya kahit na gusto kong habulin ang mismong boss naming para tanungin siya kung bakit pinapatanggal niya ako sa trabaho. “Narinig mo na ang sinabi ni Sir Xerxes. You are fired, this will be your last day.” Kung kanina curious akong makita si Sir Xerxes, ngayon binabawi ko na. Kung alam ko lang na tatanggalin lang pala niya ako sa trabaho, hindi ko n asana siya nakita. “Pero bakit? Alam kong na-late ako ngayon pero may dahilan kung bakit nangyari iyon. Alam kung hindi kayo maniniwala pero—” “Wala na akong magagawa, siya na ang nagdesisyon,” putol niya sa sasabihin ko. “He can hire and fire you anytime he wants.” “Pero ang unfair naman,” reklamo ko. “Alam n’yong pwede ko kayong ireklamo sa DOLE,” pananakot ko pa. “You came late today. And you have a bad record of tardiness, sa tingin mo ba kapag nag-reklamo ka, walang mailalaban sa iyo? Magsasayang ka lang ng panahon,” saad ng ng manager namin. Tardiness? Hindi naman ako palaging late. Alam ko naman na una pa lang ay ayaw na niya sa akin dahil mahilig daw akong mangatwiran lalo na kapag pinapagalitan ako. Lumalaban kasi ako kapag alam kong tama ako, pero sa pagkakataong ito pakiramdam ko wala akong laban. Wala akong magagawa. Ano nga ba ang laban ko sa isang mayamang tao kung sakaling magreklamo ako? Baka mamaya, ipatumba pa ako. “Kung ganoon, uuwi na po ako. Wala nang dahilan para tapusin ko ang araw na ito gayong tanggal naman na pala ako sa trabaho,” masama ang loob na saad ko. Ayaw ko nang makipagtalo pa. Masasayang lang nag oras ko at baka mapaaway pa ako. “Okay,” nakangiting sagot nito sa akin. Mukhang ang saya-saya pa niya. “Makukuha mo pa rin naman ang sahod mo sa mga araw na pinasok mo maging ang back pay mo kaya huwag kang mag-alala.” Dapat lang. Pinaghirapan ko pa rin ang trabaho ko dito. Ilang beses ba akong nag-overtime para saluhin ang karelyebo ko sana na biglang hindi pumapasok pero hindi naman napapagalitan pero pagdating sa akin mainit ang dugo niya. Kaya nang sabihin ni Sir Xerxes kanina na fired na ako, sigurado akong ang baklang ito ang unang nagsasaya. Bumalik na ako sa locker ko. Alam ko naman na kahit makiusap ako, hindi na ako pagbibigyan pa ng manager namin. Baka nga masaya pa iyon na natanggal ako. Kaya hindi ko na ibaba pa ang sarili ko para makiusap sa kaniya na huwag akong tanggalin. Sayang ang pulang-pulang nguso ko, wala naman na pala akong trabaho. Nagpalit ako ng damit at kinuha na ang bag ko. Gusto kong maiyak ngayon pero pinipigilan ko. Kita kong napapatingin sa akin ang ibang katrabaho ko pero walang nagsasalita sa kanila. Laglag ang balikat ko. Kung hindi sana ako sapilitang isinama kanina noong mga tauhan ni Ma’am Sarina, baka may trabaho pa ako. Sa iyong Xerxes na iyon. Bwesit siya. Nabangga ko lang naman siya, hindi ko naman sinasadya pero tinanggal na niya ako sa trabaho. Huwag siyang magpapakita sa akin, dahil kapag nakita ko siyang muli, hindi lang bangga ang aabutin niya sa akin. Lahat talaga ng may mukha ng katulad ng Ex ko, masarap itapon sa ilog. Hindi siya si Joaquin pero mas malaki ang galit ko sa kaniya ngayon. Nine years ko naman na kasing hindi nakikita si Joaquin, malay ko ba kung nag-glow up o nag-glow down na siya ngayon. Ang alam ko lang, matangkad na payat siya dati pero iyong si Xerxes naman matangkad din pero halatang maganda ang katawan. Naasar na sinipa ko ang batong nasa harapan ko. Kung kailan kailangan ko ng pera saka naman ako natanggal sa trabaho sa hindi malamang dahilan. Mukhang napag-tripan lang ako ng Big Boss kaya ligwak agad ako sa trabaho ko. Tumingin ako sa paligid. Mausok, iba’t ibang sasakyan ang nakikita ko sa daan. Paano na ako ngayon? Wala na akong trabaho, may mga utang pa akong babayaran. Akala ko ang swerte ko nan ang makapasok ako sa Tasty Nook dahil maganda ang pa-sweldo nila, tapos ang dami pang benefits kaso hindi ko alam kung bakit parang mainit ang dugo sa akin ng Manager ko. Feeling ko siniaraan niya ako sa Xerxes na iyon lalo na at na-late akong pumasok. Umuwi na lang ako sa bahay at nang makapagbayad ako sa tricycle ng pamasahe ko ay parang gusto kong maiyak. Iyong mga 25 cents na lang ang natira. Paano na ako nito? Baka bukas nasa harap na ako ng mga mall at may dalang lata para mamalimos. Ang hirap kasing maghanap ng trabaho ngayon, kaya noong nakapasok na ako sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko, sabi ko talaga gagawin ko lahat para magtagal ako pero tatlong buwan lang pala itatagal ko. Daig ko pa ang contractual. Nanghihinang naupo ako sa sala. Eksakto naming lumabas si Jelly na may dalang tumbler na siguro ay sasalinan niya nang tubig. Nagtatakang tumingin siya sa akin. Siguro dahil maaga pa pero nandito na ako. Gayong kadalasan ay late na akong umuwi. “Bakit ang aga mo?” Nagmamadaling lumapit siya sa akin. “Anong nangyari?” Naupo siya sa tabi ko. Ngumuso ako nang tumingin ako sa kaniya bago ako nagsimulang mag-kwento. Tumatango-tango naman siya sa akin habang sinasabi ko ang mga nangyari. “Ay grabe naman iyang boss mo. Sayang ang gwapo pa naman pero ganoon?” Napakamot ako sa noo ko dahil sa sinabi ni Jelly. Sa daming sinabi ko pero parang iyong gwapo lang yata ang tumatak sa isip niya. “Pero seryoso? Kamukha siya ng ex mo?” Mas lalong nalukot ang mukha ko. “Jelly, nawalan ako ng trabaho dahil sa lintik na lalaking iyon. Maka- ‘Fire her’ siya akala mo kung sino.” Ginaya ko pa pagsasalita ni Xerxes kanina. “Baka siya talaga ang ex mo. Tapos tinanggal ka niya sa work kas inga may past kayo.” “Eh, ‘di fvck you siya kung ganoon,” malutong na sagot ko. Pero alam kong hindi sila iisa kasi Joaquin ang name ng ex ko, habang Xerxes naman ang pangalan ng dating boss ko. Magkamukha lang talaga sila. Marahan naman niyang tinapik ang bunganga ko dahil sa pagmumura ko. “Bunganga mo. Ang dumi-dumi na kakamura mo.” Umirap ako sa kaniya. “Nahiya naman ako sa bunganga mo. Mas marumi iyan kasi sumusubo ka ng t’ti na walang hugas,” walang prenong sagot ko. Nanlalaki ang mga mata niyang tumingin sa akin. “Nikki naman! May makarinig sa’yo.” Natawa na lang ako sa reaksyon niya. Namumula din siya na halatang nahihiya. Ewan ko bas a kaibigan kong ito, kahit mas marami siyang experience sa akin dahil hindi ko pa naman iyon nararanasan pero mas nahihiya siyang pag-usapan ang ganoong bagay. Parang hindi ko siya naabutan kagabi na nakatuwad sa boyfriend niya at gumagawa ng milagro. Actually, ilang beses ko na silang nahuli, kaya iyong mata ko, makasalanan na talaga dahil sa kaniya. Kaya huwag siyang mahiya kung may makakarinig sa akin, mahiya siya sa akin na palagi silang nahuhuling dalawa. “Pero anong plano mo ngayon?” Sumandal ako sa kinauupuan ko. “Hahanap ulit ng bagong trabaho. Hindi ako pwedeng matingga dahil marami akong binabayaran.” “Bakit hindi mo na lang tanggapin ang offer sa iyo noong matandang nagpadukot sa iyo. Sabi mo malaking halaga ang gustong ibayad sa iyo. Baka ito na iyong hinihintay mo.” “Nako, alam mo mukha akong pera, pero ayaw ko naman sa illegal na gawain,” kontra ko. Baka nga pumaldo agada ko tapos next day nakakulong na ako. Ayaw ko ng ganoon. “Sinabi ba niyang illegal ang gagawin mo?” Umiling ako. “Pero dinukot ako, iyon pa lang illegal na.” “Hindi ka naman sinaktan. Ibig sabihin wala siyang masamang intension sa iyo, saka kung ako ang kidnapper, hindi ikaw dudukutin ko. Walang makukuhang ransom sa iyo.” Tiningnan ko siya ng masama. Kaibigan ko ba talaga siya? “Wow, Salamat ha,” sarkastikong saad ko. “Sorry naman kung ganda lang meron ako.” Natawa naman siya sa sinabi ko. “Mabuti na lang talaga maganda ka, kaya hindi halatang madalas wala kang pera.” Pinapamukha pa talaga niya. Pero imbes na mainis ay nagpa-cute pa ako sa kaniya. “Kaya kung gusto mong magkapera, patulan mo na iyong offer sa iyo. Baka iyon na ang sagot sa mga problema mo,” payo niya. Tumingin ako sa kaniya. Hindi ko alam kung susundin ko ba ang payo niya. “Sa tingin mo ba masamang tao iyon? Mukhang criminal?” Umiling ako. Ang losyal nga niyang tingnan, kaso hindi ko mapigilang magduda. “See? Hindi naman pala. Pero iyong dumukot sa iyo, wala ka bang ideya kung sino? Saka sabi niya babayaran ka, hindi ba? Dapat bago ka tumanggi inalam mo muna kung ano ang ipapagawa niya.” “Hindi ko siya kilala. Saka sa tingin mo, kapag ang isang tao ay babayaran ka para may ipagawa sa iyon, ibig sabihin noon masama ang ipapagawa sa’yo, kasi kung hindi bakit ako pa uutusan hindi ba?” Wala talaga akong kilalang Sarina Jimenez. Kaya palaisipan pa rin sa akin kung bakit ako ang pinadukot niya. Tapos alam pa niyang gipit ako, kaya siguro akala niya hindi ako makakatanggi sa inaalok niya. “Kunsabagay may point ka. Bakit kasi hindi ka na lang mag-trabaho ng gaya sa akin. Work from home ka pa.” “Alam mo naman na mahina ako magsalita ng English,” katwiran ko. “Basta ang kailangan ko, makahanap agad ako ng bagong trabaho dahil alam mo naman may mga utang pa akong kailangang baya—” “Tao po! Nikki!” Sabay kaming nagkatinginan ni Jelly nang hindi ko na matapos ang sasabihin ko dahil sa isang malakas na sigaw sa labas ang nagpahinto sa amin. Mariin akong napapikit. “Si Ali,” bulong sa akin ni Jelly. “Sabihin mo, wala ako. Nasa work,” natatarantang utos ko sa kaniya at mabilis akong nagtago sa may may likod ng sofa. Tumayo naman si Jelly at nagtungo sa pinto. “Hi, Ali,” rinig kong bati niya. “Pasensya ka na, pero wala si Nikki, eh.” “Lagi na lang siyang wala pero nagtanong daw ako sa kanto, nandito raw. Nagtatago yata, eh. Iyong utang niya, dami nang araw na wala siyang bayad,” naririnig ko ng sagot ni Ali na para bang nagagalit na ito. “Sa sweldo niya, bababayaran na niya lahat ng utang niya sa iyo.” Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Jelly. Wala na nga akong trabaho tapos nangako pang magbabayad ako sa sweldo ko. Baliw ba siya? “Sige, kapag hindi siya nagbayad, lagot na siya sa akin,” may pagbabanta pang saad ni Ali. Nang muling pumasok si Jelly sa loob ng apartment namin ay lumabas na ako sa tinataguan ko. “Alam mo, kung sinagot mo si Ali, baka hindi ka na siningil noon,” pang-aasar sa akin ni Jelly. Umarte naman ako na nasusuka. “Hindi ako papatol sa kaniya, ‘no!” Nagsasabi kasi iyon sa akin na manliligaw dati kaso sinupalpal ko agad na hindi ko siya type. Tapos ang ending mangungutang pala ako sa kaniya. Kinapalan ko lang naman ang mukha ko noong time na iyon dahil gipit ako. “Hindi ka pa rin ba nakaka-move on sa ex mo? Lalo na kamukha pala siya ng boss mo, naku, baka meant to be naman kayo ng boss mo,” kikikilig na saad nito. “Tantanan mo ako, Jelly. Badtrip ako ngayon, wala akong pera, wala akong trabaho, kaya sa tingin mo may time pa ako sa lintik na lovelife na iyan?” inis na saad ko at muling naupo sa sofa. Masakit na ang ulo ko kakaisip kung paano magkakapera, tapos dadagdagan ko pa ba ang sakit ng ulo ko? “Okay, sorry na po,” pagsuko nito at nagtungo na sa may lamesa para kumuha ng tubig na nasa pitcher. Napahiga naman ako sa sofa. Hindi ko mapigilang maasar sa sitwasyon ko ngayon. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko nang tumunog iyon. Numero lang ang ang nag-text. 09*******419 : Think about my offer. Offer? Si Ma’am Sarina ba ito? Bakit pati number ko alam niya? Sino ba talaga siya? Ano nga ba ang offer niya sa akin? Ngayong wala na akong trabaho at kailangan ko nang pera, dapat na nga ba akong kumapit sa patalim kung sakali? O baka naman nag-overthink lang ako, baka naman hindi illegal ipapagawa niya sa akin. Gaya nga ng sabi ni Jelly, dapat inalam ko muna ang ipapagawa sa akin. Bumungtong-hininga ako. Iniisip ko kung ano ang gagawin ko. Alam ko kasing easy money na ito. Maso-solve nito mga problema ko. Hindi na ako magtatago kay Ali kapag sinisingil niya ako. Maging ang ibang utang namin ay mababayaran ko na rin. Bakit kasi magmula nang sumakabilang bilat si Tatay, kinalimutan na niya maging ang mga utang niya noon para ipagamot si Nanay. Kaya ako ang sumalo lahat. Muling tumunog ang phone ko. Tinatamad na binasa ko ang mensahe. 09*******419 : Call me. ASAP.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD