Matapos ang kasal nina Dustin at Celine ay agad silang lumipad sa Palawan para mag honeymoon. Hindi pumayag si Celine na lumipad pa patungo sa ibang bansa para lang sa iilang gabing magkasama sila ni Dustin. Ang kanila namang honeymoon ay sinagot na ni Don Alexander. Tanging apo lamang ang hinihingi niyang kapalit. Tinawanan lang siya nina Celine at Dustin sa kaniyang request dahil wala silang balak na pagbigyan ang matandang bilyonaryo.
Nang makarating sila sa Banwa Private Island ay agad silang sinalubong ng mga staff ng resort. Halos dalawang oras ang itinagal ng kanilang byahe mula sa Manila at umubos naman ng tatlong oras ang kanilang ibinyahe mula Batangas patungong Manila kaya lambot na lambot na sila bago pa man makarating sa kanilang destinasyon. Pinapagamit ni Don Alexander ang kanilang private helicopter pero mariing tinanggihan iyon ni Celine kaya ang ending ay nag commute silang dalawa ni Dustin. Asar na asar naman si Dustin sa sobrang pagkamahiyain ni Celine.
Banwa Private Island is a new resort in the Philippines which costs $100,000 per night. Sa liblib na isla ay mayroong anim na beachfront villa, mula sa isa hanggang apat na silid-tulugan at lahat ay may pribadong infinity pool at Jacuzzi. Mayroon ding labindalawang garden room at isang top-level residential suite. Ang labinlimang ektaryang island resort ay may mga chefs na nagluluto ng mga gulay na nagmula sa onsite na organic farm at mga isda na nahuli mula sa nakapalibot na Sulu Sea. Guests have access to an island concierge and unlimited spa treatments.
Inihatid sina Celine at Dustin sa kanilang respective room ng staff ng resort. Habang nag-aayos ng kanilang mga gamit ay inasar na kaagad ni Dustin si Celine.
"Bakit ayaw mo sa Maldives? Takot ka bang gahasain kita ng husto?" Tumawa si Dustin ng ubod ng lakas ng makita niya ang reaksyon ni Celine.
Napanganga si Celine habang namimilog ang kaniyang mga mata. Hawak pa niya ang kaniyang undergarments nang nanigas siya sa kinauupuan niya.
"Hey Celine! Umayos ka nga. Jinojoke lang kita! Aaminin kong nagagandahan ako sa iyo pero hindi gan'yang katawan ang tipo ko, sorry."
Ngumisi si Dustin bago lumabas ng kanilang room para mag vape at magpahangin daw. Naiwang nakatulala si Celine sa loob ng kwarto. She only comes to her senses nang tinawagan siya ni Freya.
"Girl kumusta? Nakapag ano na ba kayo?" Freya laughs till her sides hurt.
"Ay nako Freya ang dumi-dumi talaga ng isip mo. Kahit yata wisikan ko 'yan ng holy water walang pag-asang luminis." Celine rolled her eyes while organizing her things.
"Girl wag kang OA ha. Honeymoon ang ipinunta niyo riyan at hindi para mag-usap lang magdamag. Haler," ani Freya.
"Walang mangyayari sa amin, period. I don't want to give my body sa lalaking babaero 'no! Saka haler din, hindi ko naman siya mahal at hindi niya ako mahal kaya malabong may mangyari sa amin," katuwiran ni Celine.
"Bahala ka nga riyan! I just want to remind you girl na you're not getting any younger. Baka ma-expire 'yang matres mo. Ikaw rin! Payong bff 'yan. Sige na good night na. Pag-igihan mo ha para may mabuo agad," tawang-tawang sabi ni Freya.
Magsasalita pa sana si Celine nang biglang ibinaba ni Freya ang tawag. Limang minuto na sa labas si Dustin at sa pag-aakala ni Celine ay wala na siyang balak bumalik sa kanilang silid kaya nahiga na siya sa kanilang kama.
"Ano ba itong napasok mo Celine?" bulong niya sa sarili.
Napabalikwas siya nang tumunog ang kaniyang cellphone. Tumatawag ang kaibigan niyang si Celestine.
"Sasagutin ko ba 'to? Baka asarin niya lang din ako gaya ni Freya. Huwag na nga." Pinatay niya ang tawag ni Celestine. Wala pang isang minuto ang nakalilipas ay tumawag na naman ang kaniyang bff.
"Hay nako! Hindi na naman 'to titigil hangga't hindi ko sinasagot ang tawag niya!" sambit ni Celine.
Matagal na tumutunog ang kaniyang cellphone dahil sa paulit-ulit na tawag ni Celestine kaya napilitan na siyang sagutin ang tawag ng kaniyang kaibigan.
"Kaloka ka bakla! Bakit mo ako pinagpatayan kanina ha?" Tumigil saglit sa pagsasalita si Celestine. "Ay hala siya!" Umirit siya bigla sa kabilang linya.
"Hoy! Anong nangyari sa'yo? Nasapian ka na naman ba ng masamang espirito?" pang-aasar ni Celine habang naka-umis.
"Bakla sorry! Naabala ko ba kayo sa pag-chuchuchu niyo?" nag-aalalang tanong ni Celestine.
"Gaga! Parehas talaga ang utak niyo ni Freya. Ang dudumi. Pag-uwi ko, punta tayong simbahan ha at baka kakayanin pa iyan ng basbas ng holy water," kantiyaw ni Celine sa kaniyang kaibigan.
"Hoy bakla! Eh 'di ba nasa honeymoon stage kayo ni Dustin? Teka huwag mong sabihing bading si Dustin? Omg!" gulat na saad ni Celestine.
Halos sumakit naman ang panga ni Celine sa katatawa dahil sa sinabi ng kaniyang kaibigan.
"Baliw talaga kayo! Nasa labas si Dustin. Nagpapahangin."
"So wala pang nangyayari?" pag-uusisa ni Celestine.
"Wala namang dapat mangyari eh," tugon ni Celine.
"Gaga ka bakla! Opportunity na 'yan! Sunggaban mo na! Huwag ka ngang choosy! Ang guwapo-guwapo at ang macho-macho ng asawa mo. Hindi ka man lang ba natatakam sa kaniya?" pabirong tanong ni Celestine.
Napahawak sa kaniyang labi si Celine bago nagsalita.
"Yummy naman siya pero ayoko talaga sa babaero eh. Saka sa hitsurang 'yon ni Dustin, hindi 'yon magseseryoso sa babae. Eh kaya lang naman kami nagpakasal eh para makuha niya 'yong mamanahin niya eh!"
"Enough of your "eh" bakla! Basta! Pagpasok niya sa kwarto niyo humiga ka na ng ayos. Hubarin mo ang dress mo tapos ihanda mo na ang wine. Basta bakla akitin mo nang bongga para sure na maglalaway siya sa'yo. Ang ganda-ganda mo kaya! Ilabas mo 'yang malusog mong dibdib tapos 'yang masikip mong ano eh papasukan mo na!" litaniya ni Celestine.
"CELESTINE!" sigaw ni Celine.
Natahimik naman si Celestine sa kabilang linya ng ma-radar niyang inis na si Celine.
"Bakla mauna na akong matulog. Nagagalit ka na yata eh." Tumawa si Celestine nang nakakaloko pagkatapos ay nagsalitang muli, "galingan mo ha!"
Namumula na si Celine sa sobrang inis sa dalawa niyang bff. Bago pa man siya makabanat muli ay pinagpatayan na siya ni Celestine ng tawag.
Mag aalas onse na ng gabi pero wala pa ring bumabalik na Dustin kaya napagpasyahan ni Celine na magpahangin na rin muna sa labas dahil hindi siya makatulog.
Naglakad-lakad siya sa may tabi ng isla. The sound of the waves carried away her doubts and worries. Banwa Island gave her the vibes of ultimate privacy and tranquility.
Pagtingala ni Celine ay kitang-kita niya ang maraming bituin at ang bilog na bilog na buwan na siyang nagbibigay ng liwanag sa isla maliban sa mga ilaw rito. Uupo na sana si Celine sa may buhangin nang may marinig siyang kumakaluskos sa may kabilang direksyon. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa lugar na iyon at napatakip ang kaniyang kanang kamay sa kaniyang bibig nang makita niya ang kanyang asawang si Dustin na may kahalikang banyagang babae. Napakuyom ang kaniyang mga kamao sa nasaksihan.
Aawatin na sana niya ang dalawa nang biglang magtama ang mata niya at mata ni Dustin. Lalo pang ginanahan si Dustin sa paghalik sa babae at hinawakan pa niya ang puwet nito habang nakatitig sa nagpupuyos na si Celine.
Humakbang palapit si Celine at nginitian si Dustin. Nagtaka naman si Saavedra kaya napaatras siya at itinulak ang kahalikang babae.
"What's the problem Dustin?" tanong ng banyagang babae.
"You should go back to your boyfriend. I have some important matter to attend to. See you around, sweetie!" Dustin waved goodbye while smiling from ear to ear. Pagpihit niya ng kaniyang katawan ay tumambad sa kaniya ang nakangiting si Celine.
"Ibang klase ka rin pala magpahangin 'no, Dustin?" sambit ni Celine habang tumatawa nang nakakaloko.
"Tara na sa room natin. Malamig na rito sa labas," pag-aaya ni Dustin. Hinawakan niya ang kamay ni Celine pero inalis din agad ito ng kaniyang asawa.
"Marumi ang kamay mo. Huwag mo akong hawakan," wika ni Celine pagkatapos ay dire-diretsong naglakad pabalik sa kanilang silid. Nakasunod naman sa kaniyang likuran si Dustin.
"Celine, I'm glad that you did not interfere recently," nahihiyang sambit ni Dustin.
"We should act normally kapag tayong dalawa lang 'di ba? So I just did what we have talked to. Just respect my decision if I don't want you to touch me. Alam ko namang babaero ka at wala namang kaso sa akin kasi hindi naman kita mahal. Asawa mo lang ako pero hindi mo pagmamay-ari ang puso ko at hindi tumitibok ang puso mo para sa akin," malumanay na pahayag ni Celine.
"I'm happy that you're not possessive. Magaling talagang pumili si papa," nakangiting sambit ni Dustin.
Nang makapasok na sila sa kanilang silid ay naghubad bigla si Celine sa harapan ni Dustin. Napatakip naman agad ang mga kamay ni Dustin nang makita niya ang ginagawa ng kaniyang asawa.
"Hey! You should warn me kapag magbibihis ka. Don't do it in front of me! Alam mo namang kahinaan ko ang makakita ng skin ng babae!" reklamo ni Dustin.
"Ano bang problema sa ginawa ko? Eh 'di ba ayaw mo naman sa ganitong katawan kaya akala ko okay lang na maghubad ako sa harapan mo." Pagtalikod ni Celine ay napangiti siya.
"Oh siya sige na! Bilisan mo na riyan. Matutulog na ko sa sofa."
"Mabuti naman at alam mo kung saan ka lulugar, Dustin Saavedra."
"Dapat kasi 'yong two bedrooms ang kinuha ni papa eh! Sige na. Good night!"
"Good night din. Huwag ka sanang gapangin sa panaginip ng mga babaeng pinaglaruan mo," nang-aasar na sabi ni Celine.
Padabog na pumunta sa sofa si Dustin at natulog.
"I should not allow myself to fall for you, Mr. Dustin Saavedra, unless I want to experience hell here on earth." Pagkasambit nito ni Celine ay humiga na siya sa kama at ipinikit ang kaniyang mga mata.