“Good morning!” masiglang bati ni Aljune habang pababa ito ng hagdanan. Nakaayos na ito at naghahanda na ring umalis papunta sa trabaho. Pansin ko ang tila pag-iwas nito sa akin mula nang gabi na huli kaming nagkausap tungkol kay Tita Loy. Nauunawaan ko naman ko ito, dahil kahit ako man ang nasa posisyon nito ay hindi ko rin gugustuhin na mapahamak ang isa sa mga mahal ko sa buhay, lalo na kung ito ang babaeng minamahal ko. At alam kong labis lamang itong nag aalala kay Aira. “Good morning,” ganti kong bati sa mahinang tinig. Hindi ito tumugon at tanging pag tango lang ang ginawa na hindi man lang ako tinapunan ng tingin. “Papppa!” magkasabay na turan ng aking mga anak habang mababakas ang katuwaan sa itsura ng mga ito nang makita si Aljune. At agad pang nagpakalong dito ang kambal nang

