CHAPTER 47 AKIRA *FLASHBACK 3 YEARS AGO* Tinungga ko ang isang basong puno ng alak. Napapikit ako. f**k! Ang sakit sa lalamunan. Para akong sinusunog ng buhay. Kinuha ko ang bote ng alak at sinalinan ko pang muli ang baso ko. Hindi ako nagpapaawat sa tapang ng alak na iniinom ko. Kasabay nang pagtulo ng alak papunta sa baso ko ay ang pagtulo rin ng luha ko mula sa aking mga mata. Nakatulala akong nakatingin sa lamesa ko habang sunod-sunod ang pag-agos ng aking mga luha mula sa aking mga mata. Napapikit ako. Ang sakit-sakit naman kasi. Hindi ko alam kung anong ginawa kong masama at nangyayari ‘tong mga bagay na ‘to sa ‘kin. I don’t even know if I deserve this pain and problems in my life. Tinitigan ko ang telepono kong nakapatong sa lamesa. Kating-kati akong tawagan si Rieuka. Ka

