Rafael *5 months later* Limang buwan na ang nakakalipas simula nung maaksidente kami ni Sierra. Para akong tangang nakangiti habang pinagmamasdan siya sa malayo. Nakatuon lamang ang atensyon ko sa kaniya habang abala siyang nag aayos ng mga gamit niya. “Sabi na nandito ka eh.” Sandali akong napalingon sa likuran ko nung marinig ko ang boses ni Renzo at nakita ko siyang nakatayo sa likod ko habang pinagmamasdan din si Sierra na abalang nagliligpit ng mga gamit niya dahil last day na niya sa kompanya nila Renzo. “Bakit hindi mo lapitan?” Sarkastiko niyang tanong kaya napailing ako at napahinga ng malalim. “Wish I can but I cannot.” Bulalas ko at isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko. “Hindi naman niya ako kilala.” Sarkastikong bulong ko pa sa sarili ko at isang mapai

