Diego
Kanina pa ako pasulyap sulyap sa cellphone ko dahil kagabi pa ako naghihintay ng update mula kay Sierra pero ni hindi niya man lang ako tinawagan at hindi ko alam kung nasaan siya. Tinawagan ako ni Tita Marina kahapon at ang alam niya eh kasama ko si Sierra pero ang totoo ay hindi ko alam kung nasaan siya pero isa lang ang sigurado ko, kasama niya ‘yung rafael na yo’n.
Napailing ako at pabagsak kong sinara ang screen ng laptop ko. Pupunta sana ako sa rooftop para magpahangin pero napangisi ako nung makasalubong ko si Sierra sa hallway. Tama ako, kasama niya nga si Rafael. Hindi sila sabay pero magkasunod lang sila.
Wala akong pag aalinlangang hinila si Sierra papunta sa elevator. “Diego! Ano bang problema mo?!” Mariing singhal niya sa akin tapos ay binawi niya ang mga kamay niya.
“Ang sabi mo sa akin kakausapin mo lang siya kahapon pero hindi mo na ako binalikan!” Mariin kong sambit sa kaniya habang nasa tapat kami ng elevator.
“Alam mo bang nag alala ako?! Sinabi mo kay Tita na ako ang kasama mo. Paano kung may nangyari sa’yong masama?! Edi kargo ko pa kasi alam niya AKO ANG KASAMA MO.” Mariin ko pang hinaing sa kaniya habang tahimik lang siyang pinagmamasdan ako.
“Ano bang problema mo? Kung may reklamo ka, puwede mo namang sabihin ng maayos. Huwag mo siyang sigawan.” Sabay kaming napalingon ni Sierra nung marinig namin ang boses ni Rafael sa likuran namin.
“Excuse me, Sir?” Sarkastikong at kunot noong sabi ko sa kaniya.
“Ang sabi ko, huwag mo siyang sigawan, kung may problema ka, sabihin mo ng maayos.” Sarkastikong ulit pa ni Rafael kaya napailing ako.
“Si Sierra ho ang kausap ko at hindi kayo. Mind your own business.” Mariin at sarkastikong sabi ko sa kaniya at kita ko sa mga mata niya ang inis dahil sa sinabi ko.
“Rafael.. ayos lang ako. Makaka alis ka na.” Pigil naman ni Sierra sa amin at halata sa mga mata niya ang kaba.
“Narinig mo naman siya hindi ba?” Sarkastikong sabi ko kay Rafael pero nanatili siyang nakatayo sa pagitan namin ni Sierra.
“Sino ka ba sa tingin mo?” Sarkastikong tanong niya sa akin kaya napailing ako.
“Sir, my conversation to Sierra is not about work, it is personal so stop minding others business and mind yours instead.”
“Ikaw, Sino ka ba bukod sa pagiging anak ng presidente?” Sarkastiko at irita kong tanong sa kaniya na nakapagpangisi sa kaniya.
“Alam kong alam mo ang sagot sa tanong kaya kung sa’yo, hindi na ako magtatanong. Para hindi na din ako masaktan.” Mayabang niyang sabi tapos ay tinalikuran niya ako at hinila niya papalayo si Sierra sa akin. Ano bang meron sa lalaking yo’n at nagpapa u***g maigi si Sierra sa kaniya kahit na binalaan siya ni Tita na huwag nang lumapit do’n sa Rafaeal na yo’n.
“Si Sierra at Sir Rafael ba yo’n?” Nagulat ako nung marinig ko ang boses ni Leah, isa sa mga co-worker namin na nakatayo sa likuran ko.
“Nakita mo na ba ‘yung kumakalat na balita na si Sierra daw ‘yung mystery girl na dini-date ng anak ng presidente?” Nakangusong sabi pa niya sa akin sabay wagayway ng cellphone niya sa harapan ko.
Napailing ako sa mga kumakalat na litrato at headline tungkol sa relasyon nina Sierra at Rafael. Litrato yo’n kahapon nung nasa restaurant kami at lumabas silang magkahawak ang kamay nila.
“May alam ka ba do’n?!” Nakangusong tanong ni Leah sa akin kaya agad akong umling at tinalikuran ko siya.
Naglalakad ako sa hallway nung biglang akong nakatanggap ng tawag mula kay Tita Marina. “Diego, huwag kang magsinungaling sa akin. Sabihin mo, kasama mo ba talaga si Sierra?!” Halos mailayo ko ang cellphone sa tenga ko dahil sa sobrang lakas ng boses ni Tita Marina mula sa kabilang linya.
“T-Tita…” Napapikit ako at napahinga ng malalim. Damn you, Sierra. Kung hindi lang talaga kita kaibigan ay nilaglag na kita!
“T-Tita, relax. Bakit ho ba kayo nagpupuyos sa galit?” Mahinahong tanong sa kaniya. Maya maya pa nakatanggap ako ng message mula din sa kaniya, link yo’n nung article tungkol kina Sierra at Rafael.
Kinakabahan kong tinapat muli ang cellphone sa tenga ko. “Tita, hindi ko ho alam kung ano yang mga kumakalat na litrato pero.. magkasama po talaga kami ni Sierra. Mamaya po, after work ako ho ang maghahatid sa kaniya pauwi.” Medyo kinakabahan at tarantang paniniguro ko pa sa kaniya tapos ay agad ko nang binaba ang tawag.
Pabalik na ako sa opisina nung muli kong makasalubong si Sierra at sa pagkakataong ito ay hindi na niya kasama si Rafael.
“Sierra, mag usap tayo.” Mariin kong pigil at harang sa kaniya tapos bigla niya akong hinila sa isang tabi.
“Diego, pasensya ka na sa inasal ni Rafael kanina. Sorry din kung hindi kita nakontak kahapon at pinag alala kita-“
“Nakita mo ba ‘to?!” Mariin kong sabi sa kaniya tapos ay winagayway ko ang cellphone ko sa harapan niya kung saan naka-flash sa screen ko ‘yung article tungkol sa kanila.
“The so called Ms. Author named Sierra Valencia is the new love interest and the mystery girl behind the club photo of Rafael Hernandez.” Basa ko sa title nung headline at kita ko sa mukha ni Sierra ang guilt.
“Usap-usapan yan ngayon ng mga katrabaho natin, Sierra. Miski si Tita Marina, alam niya na ang tungkol diyan. Tinawagan niya ako, Sie. Ngayon, maitatanggi niyo pa ba yan?!” Mariin at sarkastikong kuwestyon ko sa kaniya habang siya ay parang natulala at napako sa kinatatayuan niya habang pinagmamasdan ang article na naka-flash sa screen ng phone ko.
“Mag uuwian na Sierra, mas maigi kung ako ang maghahatid sa’yo pauwi. Galit na galit si Tita Marina. With all of these articles, sa tingin mo ba eh maitatago mo pa kung anuman ang namamagitan sa’yo at kay Rafael?”
“Binalaan ka na niya noon, Sie. Pero hindi ka nakinig. Sa tingin mo, hanggang Kailangan ka kayang protektahan ng Rafael na yo’n sa magulong mundong ginagalawan niya?” Mariin at seryosong tanong ko sa kaniya pero tahimik lang siyang nakayuko.
“Hindi ko na alam..” Emosyonal at humihikbing bulalas ni Sierra sa akin.
“Sana inisip mo muna bago ka nakipagmabutihan sa lalaking yo’n.” Mariin at dismayadong giit ko pa sa kaniya.
“Tara na.” Mariin kong sabi sa kaniya tapos nakita ko si Rafael sa di kalayuan na nakatingin sa amin pero hindi ko siya pinansin at hinila ko si Sierra papunta sa parking lot.
Napahinto kami sa paglalakad nung tawagin niya ang pangalan ni Sierra. “Sierra.” Mariing tawag niya rito kaya napabitaw ako sa pagkakahawak sa kamay ni Sierra.
“R-Rafael, pasensya na pero kailangan ko na kasing umuwi eh.” Nag aalangan at natatarantang sabi niya dito tapos ay lumapit siya at niyakap niya ito.
“Naiintindihan ko, huwag ka nang mag aalala. Ako nang bahala sa mga kumakalat na article. Okay.” Nakangiting wika niya kay Sierra at pagpapagaan niya sa loob nito. What the hell are they doin? Flirting in front of me?!?
Nag iwas ako ng tingin at dumiretso sa loob ng kotse ko at doon ko na lang hinintay si Sierra. Gusto pala nila ng secret relationship pero napaka PDA naman nilang dalawa?! They tempt no effort to hide their affections to each other! Kita ko sa rear view mirror ang yakapan nung dalawa. Tss. Paanong hindi mah-headline!
Maya maya pa ay sumunod na ding sumakay si Sierra sa passenger seat. “Tapos na ba kayo maglambingan?!” Sarkastikong tanong ko sa kaniya kaya tinasaan niya ako ng kilay. Kita ko pa rin si Rafael na nakatayo sa gilid ng kotse ko at hinihintay niya yata na makaalis kami. Bakas sa mata niya at matatalim niyang titig sa amin ni Sierra. Tss. Is he jealous of me?!
Bumalik lang ako sa ulirat nung marinig kong magsalita si Sierra. “Diego, alam ko naman na mahirap tong pinasok ko, alam ko din na nag aalala ka para sa akin. Pero kanina ka pa ha..”
“Nagseselos ka noh!” Nakanguso at natatawang tanong niya sa akin kaya inirapan ko siya.
“Selos? Bakit? Type ba kita?! Hindi ko nga alam bakit ka nagustuhan nung Rafael na yo’n eh.” Singhal ko sa kaniya na na nakapagpangiti sa kaniya. Tss! Nakakainis! Kasi.. kahit gaano ko pa hindi ka gusto ako lalaking yo’n ay wala akong magawa. Mahal niya eh!
“Sierra, I’m dead serious. Wala akong magagawa kung talagang siya ang gusto mo pero sana lang panindigan ka niya hanggang dulo dahil kung hindi makakatikim talaga siya sa akin!”
“Wala akong pake kung anak pa siya ng presidente!” Mariin at sarkastikong banta ko pa sa kaniya.
“Salamat, Diego kasi naiintindihan mo ako.” Nakangiting sabi niya pero hindi na ako kumibo at nakatuon na lang ang atensyon ko sa daan.
Makalipas ang halos 20 minutes na biyahe ay narating na din namin ang bahay nina Sierra. “Oh, bat ayaw mo pang bumaba?” Nakangusong tanong ko kay Sierra nung makahinto ako sa tapat ng bahay nila at hindi pa din siya bumaba.
“Mauna ka, please.” Nakangiting pakiusap pa niya sa akin sabay kindat.
“Tss. Takot ka pala eh.” Sarkastikong sabi at nauna nga akong bumaba ng sasakyan. Napahinga ako ng malalim kasi hindi ko din alam paano haharapin si Tita Marina, nakakatakot pa naman siya kapag galit.
“Tara na!” Nakangusong sabi ko kay Sierra nung nasa tapat na ako ng gate nila habang siya nasa kotse pa din. Dahan dahan kaming pumasok sa loob at nung nasa main door na kami ay nakita ko si Tita Marina na nasa sala, nag aabang.
“T-Tita..” Mahinang salubong ni Sierra sa kaniya tapos ay lalapitan niya sana ito pero nagulat ako nung isang malakas na sampal ang sinalubong niya kay Sierra kaya napaalalay ako sa likuran ni Sierra.
“Tita.” Sambit ko.
“Hanggang kailan mo ako balak pagmukhaing tanga, Sierra?!” Mariin at gigil na tanong ni Tita habang sapo sapo ni Sierra ang pisngi niya.
“Kailangan ka pa natutong maglihim sa akin?!” Mariin at dismayado pa niyang kuwestyon.
“T-Tita..” Mahinang sabi ni Sierra.
“Huwag ka nang mag sinungaling!” Mariin pang giit ni Tita Marina at bakas sa boses niya ang pagkagigil at pagpipigil ng kaniyang emosyon.
“Paano kung totoo lahat nang kumakalat, Tita.” Humihikbi at emosyonal na tanong ni Sierra na lalong kinagalit ni Tita Marina.
“Tinuloy mo pa din, Sierra?! Binalaan na kita hindi ba?!” Mariin at dismayadong kuwestyon ni Tita Marina.
“Dahil wala ka namang binibigay na valid reason kung bakit ayaw mo si Rafael para sa akin-“ Muling sinampal ni Tita Marina si Sierra dahil sa sinabi niya.
“T-Tita..” Pipigilan ko sana siya pero ako naman ang nakita niya.
“Isa ka pa! Kinukunsinti mo tong kaibigan mo!” Mariin niyang baling sa akin kaya natahimik ako sa isang tabi.
“Gusto mo ng valid reason? Isa siyang Hernandez at ikaw? Magkalayong magkalayo kayo ng estado sa lipunan, Sierra. Kapag pinagpatuloy mo ang relasyon mo sa kaniya, ikaw lang din ang magiging kawawa sa dulo!” Mariin giit ni Tita Marina sa humihikbing si Sierra.
“Iyon lang ba talaga ang tunay na dahilan, Tita??” Mariing kuwestyon ni Sierra na kinatahimik ni Tita Marina.
“Huli na ho ang lahat, mahal ko si Rafael..”