Melody's POV
Lumipas ang ilang araw at natapos kami sa aming unang taping, sobrang naging busy kami. At ngayon naman ay mag m-mall show kami sa sm mall, lulan na nga kami ni shantal ng van, kasama din namin si manager Xyla ngayon.
Nang makarating kami ay sa exit kami dumaan para hindi kami dumugin ng maraming tao, ilang sandali pa nga ay andito na kami sa likod ng backstage, rinig na rinig na namin ang sigaw ng mga tao ngayon.
Isinisigaw ang mga pangalan namin, andito rin ang mga solid fans ko na may dalang mga banner, sobrang dami nila at siksikan na talaga dito sa loob ng mall.
"Ready na ba kayo?"
Tanong ng deriktor sa aming apat napatango naman kami.
Nasa tabi ko rin ngayon si luigi na ngiting ngiti sa akin.
"Pwede ko bang hawakan ang kamay mo Eunice?"
Malumanay niyang tanong, kaya ngumiti din ako sa kanya ng matamis, kahit pa ramdam ko ang matalim na titig ni Aiden ay binalewala ko na din dahil gusto ko din naman ang mas lalo siyang mainis, tsk. Simula nang araw na nag usap kami ni Aiden ay hindi na niya ako halos pansinin parang iwas na iwas siya sa akin, pero hindi naman ako na babahala dahil alam kung nag iisip lang siya sa offer ko sa kanya, nagdadalawang isip.
At alam ko na any moment ay papayag din siya at pupunta mismo sa akin.
Magkahawak kamay kaming dalawa ni Zen at ganun din si Blair at Aiden, syempre ngiting ngiti ang bruha na blair. Hanggang ngayon parin ay nababaliw parin siya kay Aiden.
Unang umakyat sila Aiden at Blair kaya agad na nagsigawan ang mga tao at sinisigaw ang kanilang mga pangalan.
Nang kami naman ang sumunod ay nagwawala na din ang mga tao.
"OH MY GOSH!! MELODY WE LOVE YOUUU!!!WAAAHHH!!!"
Malawak naman akong ngumiti sa kanila, nakikita ko sa mga mukha nila kung gaano sila kasaya na masilayan ako, yung iba naluluha nadin.
"OMG!!!! SOBRANG BAGAY NIYO NI LUIGI!!"
Sigaw din ng mga fans ni Luigi na mukhang gustong gusto ang love team naming dalawa.
"WAAAH WE LOVE YOU AIDEN SOBRANG POGI MO... s**t!!!"
"s**t ANG GANDA MO BLAIR!!! BAGAY NA BAGAY KAYO NI AIDEN!!! WAAAAH!!"
Napaismid na lamang ako sa isip ko, yeah bagay nga silang dalawa, noon paman.
Kumaway kaway naman kami sa mga fans namin habang nagsasalita yung host.
At kakanta din pala kaming apat, at nang matapos magsalita yung host ay agad naman na nag play ang kanta na kakantahin naming apat, ofcourse na praktis nadin namin ito kaya walang problema.
"I've been living with a shadow overhead
I've been sleeping with a cloud above my bed
I've been lonely for so long
Trapped in the past, I just can't seem to move on.."
Kaming dalawa ni Blair ang unang kumanta, at dahil professional kami ay parang wala talaga kaming alitan na dalawa, dahil kaya naman naming makipag plastikan lalo pa sa harap ng maramig tao.
Nagsigawan na naman ang mga tao at tinatawag ang pangalan naming dalawa ni Blair, kanya kanya ang mga dying hard fans namin kakasigaw, palakasan.
"I've been hiding all my hopes and dreams away
Just in case I ever need 'em again someday
I've been setting aside time
To clear a little space in the corners of my mind ."
Ngayon naman ay sina Zen at Aiden na ang kumanta, habang kumakanta si Zen ay nakatitig lamang siya sa akin habang magkahawak kamay parin kaming dalawa, ganun din naman ang ginagawa ko matamis lamang akong napangiti sa kanya.
Malakas na sigawan na naman ng mga tao ngayon.
"All I wanna do is find a way back into love
I can't make it through without a way back into love
Oh.."
At sabay sabay na nga kaming apat na kumanta sa chorus ng kanta. At dahil nasa right side ako at nasa left side naman si Aiden habang magkahawak kamay sila ni Blair, ay humarap pa ako lalo kay Zen dahilan nang paghapit niya sa bewang ko, medyo nagulat pa ako sa ginawa niya pero napangiti nadin ako ng mapatitig na si Aiden sa amin.
"OH MY GOSSHHH!! KYAAAHH!! SOBRANG BAGAY NIYONG DALAWA NI LUIGI..MELODY!!!"
Mas lalo pa ngang nagwala ang mga tao dahil sa ginawa namin ni Luigi, patuloy parin kami sa pagkanta. Nakita ko na ang lukot sa makakapal na kilay ni Aiden, pero pinipilit niya paring maging normal, si Blair naman ay mas dumikit pa nga kay Aiden para mas maging sweet din sila kaya panay sigaw na naman ang mga tao ngayon.
Hanggang sa natapos namin ang kanta, ay nagulat na lamang ako sa paghalik ni Zen sa aking pisngi, sandaling namilog ang mga mata ko pero agad din naman akong tumawa at bahagya itong hinampas sa dibdib nito.
Dumagundong na naman ang boses ng mga tao ngayon na halos magwala na ang mga ito sa sobrang kilig.
Nagtama ang aming paningin ni Aiden, at kitang kita ko ang matalim niyang titig sa akin, pero agad din naman akong nag iwas at bumaling sa mga tao, kumaway pa kaming lahat pagkatapos ay bumalik na kami sa back stage.
"Eunice.."
Tawag sa akin ni Zen kaya napaharap naman ako sa kanya, hindi naman siya makatingin sa akin ng maayos at namumula din ang pisngi niya, napangiti naman ako.
"I'm sorry kung ginawa---"
"Ano ka ba Zen, that's ok..maganda nga yung ginawa mo eh, kasi mas tatangkilikin ng mga tao ang movie natin.."
"Really? hindi ka ba galit?"
"No, I'm not mad.."
Napakamot naman siya sa kanyang ulo, ang cute niya tuloy.
"Hoy! grabe kayo ha! sobrang nakakakilig yung ginawa mo Luigi..grabe ang pagwawala ng mga tao.."
Sabat naman ng bff ko na may bitbit na damit. Nahihiya naman si Zen at namumula padin ang mukha.
"Maiwan muna kita Zen, magbibihis pa ako dahil kakanta pa ako ulit.."
Tumango naman ito habang nakangiti ng matamis, parang hindi padin humupa ang kilig niya.
Agad naman kaming umalis ni Shannie at dali dali naman akong nagbihis habang ang mga make up artist ay inaayusan ako ulit, hindi ko nadin mahagilap ng paningin ko si Aiden.
Saan naman kaya siya nagpunta? o andun lang pala sa sulok.
Habang nakatitig sa akin, matalim at bakas doon ang galit, pero nginitian ko lang siya ng mapang akit kaya agad siyang nag iwas ng tingin sa akin, halata din naman na apektado siya sa mapang akit kong tingin, konti nalang din naman at bibigay karin sa akin Aiden Cooper.
Nang matapos nga ako ay pinaakyat na ulit ako sa stage at agad na namang nagsigawan ang mga tao ngayon, nakasuot na ako ng kulay puti na dress na hanggang tuhod ko ang taas, fitted sa aking katawan at mas na emphasize ang aking balakang.
"Hi everyone.."
Bati ko sa mga ito kaya nag hiyawan na naman ang mga tao, malapad ang ngiti na ipinakita ko sa kanilang lahat.
"Bago ko po ito kantahin ang kantang ito, ay gusto ko lamang magpasalamat sa mainit yung pag welcome sa akin dito..at itong kanta na ito ay para sa inyung lahat..mga mahal kong fans..sana magustuhan niyo ang kantang ito.."
At nagsimula na nang mag play ang song na kakantahin ko, isa ito sa viral na cover song ko sa youtube, at most requested ito ng mga fans ko kaya ito ang napili kong kantahin.
"My heart says we've got something real
Can I trust the way I feel?
'Cause my heart's been fooled before.."
Pumikit ako at dinama ang kanta. Rinig ko din ang malakas na hiyawan ng mga tao.
"Am I just seeing what I want to see?
Or is it true? Could you really be.."
Nagmulat ako ng mga mata at naglakad sa kabilang pwesto at kumaway kaway.
"Someone to have and hold with all my heart and soul?
I need to know before I fall in love
Someone who'll stay around, through all my ups and downs
Please tell me now before I fall in love, ooh-ooh.."
Kapag kinakanta ko to ay di ko maiwasan maisip ang mga nangyari noon sa amin ni Aiden, kung paano ko binigay ng buo ang puso ko sa kanya, pati ang sarili ko ibinigay ko sa kanya ng buong buo siya ang una ko sa lahat. Kumikirot ang puso ko sa tuwing naalala ko kung paano niya ako sinaktan.
"It's been so hard for me to give my heart away
But I would give my everything, just to hear you say
Someone to have and hold with all my heart and soul
I need to know before I fall in love
Someone who'll stay around, through all my ups and downs
Please tell me now before I fall in love, ooh.."
Nabaling ang tingin ko sa gilid at agad na nagtama ang aming mata ni Aiden nanonood na pala siya, ibang emosyon ang nakita ko sa mga mata niya, puno ng pagsisisi, puno ng sakit.
Pero wala siyang karapatan na makaramdam ng sakit dahil ako ang nagdusa sa ginawa niya, hindi siya. He don't deserve my forgiveness.. Instead he deserve my resentful..
Kung noon ay nahirapan akong bitawan siya, at takot akong magmahal dahil sa kanya, kahit naman hanggang ngayon ay ganun padin ang nararamdaman ko..At kailanman ay hindi na mababago pa iyon.
I will hate him forever...