ANASTASIA DIMAKATARUNGAN "You don't know what you're doing, makinig ka sa akin, okay?!" hiyaw ni Caleb sa anak niya. Napabuga nalang ako ng hangin at hinayaang si Caleb ang dumisiplina sa bata. Argh, kung bata pa bang matatawag ang anak namin. "Hindi tama na madaling araw ka na kung umuwi dito sa bahay, hindi rin tama na kung sinu-sino ang mga babaeng inuuwi mo. Gusto mo bang magkasakit?!" "Dad, marunong akong gumamit ng c****m," bored na sagot ng binatilyong kasalukuyang nanonood ng telebisyon. Halatadong wala siyang pakialam sa pinagsasabi ng tatay niya. Kay Caleb nga hindi nakikinig, eh. Sa akin pa kaya na nanay niya? "God, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa 'yo," pagsuko ni Caleb. Bahagyang tumawa si Anthony. Well, yeah. Anthony ang ipinangalan ni Caleb sa anak namin.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


