[ANASTASIA DIMAKATARUNGAN] "Score? Sino ang lamang?" tanong ni Saica, medyo hinihingal pa siya. Pero gano'n pa rin siya. Ang ganda niya pa rin. Hindi ako nagsalita. Nakatitig lang ako sa maliit at maamo niyang mukha. Mukha siyang anghel na may sungay. Anghel ang mukha niya, pero iyong mga mata niya, kapag tumititig siya ay parang papatay ng tao. Baguhan lang din siya rito sa school namin pero ang dami niya nang nasalihan sa sports sa kabila ng medyo may kaliitan niyang height. Sabi rin nila, malakas daw magsungit ang babaeng 'to. Pero hindi ko pa naman nararanasan 'yon. Ang bait niya sa 'min. Ahehe! "Lamang tayo ng 2 points," ani Pres. May 5 minutes break kami. Mas umingay din ang mga nanonood, kasi naman po, basang-basa na sa pawis ang mga miyembro sa kabilang panig. Plus, nando'n pa

