[ANASTASIA DIMAKATARUNGAN] Hindi na ako gumamit ng simcard magmula nang tawagan ako ni Caleb at sabihin sa aking nabasa niya ang librong isinulat ko. Jusko. Tanggap ko pa kung normal na fanfiction lang iyon na may kilig moments, eh. Pero hindi! May isang bed scene doon! B-E-D-S-C-E-N-E! As in, SPG! Sana lang talaga hindi na kami magkita pa ulit. Hindi ko na kakayanin. Baka himatayin ako sa kahihiyan, jusko. Napahikab ako dahil sa sobrang boring. Wala na kaming klase at hinahabol-habol na lang namin ang mga professor para makagraduate na talaga kami. Meron kasi sa aming binagsak ng mga prof. Buti na lang hindi ako kasama. Sa hindi malamang kadahilanan, tinamad ako ngayong araw. Umuwi ako sa bahay at wala na naman akong naabutang tao. Medyo nag-aalala na ako sa kuya ko pero keri lang, a

