[ANASTASIA DIMAKATARUNGAN]
Relax ka lang, Ana.
Napa-pikit ako nang tumama sa 'king mukha ang malakas na hangin. Hapon na ngayon kaya naman malapit nang lumubog ang araw.
Marahan akong bumuntong-hininga habang naka-tingin sa kalangitan. Ang ganda titigan ng langit. Payapa. At nakaka-buwisit dahil hindi tugma sa nararamdaman ko ngayon ang kalangitan. What a f*****g mood, tss.
At nandito rin ako ngayon sa playground na malapit sa school namin. Wala nang ibang pumu-punta rito dahil may mga chismis na marami raw ligaw na kaluluwa ang naninirahan. Pero ako? Dito ang tambayan ko. Mas nakaka-pag-isip ako ng maayos.
Muli kong ibinalik ang aking atensiyon sa cellphone na kanina ko pa pinag-kaka-abalahan.
"Bakit ayaw mong sagutin?" mahinang tanong ko habang naka-titig sa screen ng cellphone ko. Labing-walong missed calls. Pero ni isa ro'n ay wala siyang sinagot.
Isa pa.
Muli kong idinaial ang numero n'ya. Ngunit katulad kanina, nabigo ako. Siguro nga nag-ta-tampo s'ya. I mean, galit talaga s'ya sa 'kin. At sa totoo lang, mas masakit pa ang mawalan ng kaibigan kaysa sa break up ng mga mag-jowa.
Pero nire-respeto ko s'ya. Kaya... hahayaan ko na lang.
"Okay... hindi na... hindi na ako mang-gu-g**o," bulong ko.
Naiiling 'kong ibinaba ang cellphone ko.
Heto ang isa sa mga dahilan kung bakit ayokong ma-attach sa isang tao. Hindi ko kina-kaya kapag nawawala sila at iniiwan ako.
Marahan kong itinulak ang sarili ko para pagalawin ang swing na aking inu-upuan.
Ako si Anastasia Dimakatarungan. 21 years old na ako at kumu-kuha ako ng kursong BS Psychology. Wala akong kaibigan at kung meron man, alam kong mawawala na rin s'ya ngayon. May pakialam nga ba ako? Hindi ko alam. Maybe.
At sa totoo lang, may dahilan ako kung bakit ako kumu-kuha ng Psychology. Ilang beses na kasi akong tinamaan ng depresyon. Na-subukan ko nang mag-suicide ng ilang beses. At sa tulong ng nga kamag-anak ko at mangilan-ngilan na mga tao sa paligid ko, naka-recover ako. Bukod pa roon ang pag-te-take ko ng mga gamot at bukod din doon ang pag-pasok ko sa mga hospital. Hindi ko alam kung kailan ako naging ganito. Basta ang alam ko lang, nabu-buhay ako dahil may pamilya ako at ayaw ko silang saktan. Ano nga ba kasing silbi ng buhay? Wala naman. We all going to die, anyway. Kaya naman hindi ko maintindihan kung bakit ang daming tao ang pumi-pigil sa gusto ko. Lahat naman tayo, doon ang diretso.
Hindi ko naiwasang haplisin ang mga peklat sa 'king pulso. Matagal na itong nag-hilom pero nandito pa rin ang mga ebidensiya.
Muli akong napa-buga ng hangin at pilit kong pina-kalma ang aking sarili.
Naging mabagal ang pag-gewang ng swing. At nang tumigil ito, doon na ako tuluyang tumayo.
Medyo dumi-dilim na. Kailangan ko nang umuwi.
****************
Anong oras na nga ba?
Ah, oo. Ala-una na ng madaling araw. Ala-una na pero heto ako ngayon, hindi pa rin na-kaka-tulog. Basang-basa na ang unan ko ng luha. Hindi ko alam kung bakit down na down ako. Hindi ko alam kung bakit ang lungkot-lungkot ko. Dahil ba iniwan na naman ako ng kaibigan ko? Dahil ba wala akong kwenta? Dahil ba...
"Tangina," mariing sambit ko. Namamaos na ang boses ko kaka-iyak.
Marahan akong umupo sa kama. Medyo may kadiliman ang paligid at tanging ang ingay lang ng yero ang nadi-dinig ko. Masyado kasing malakas ang ulan.
Habang naka-tunganga ako sa pader ay may napasin akong ipis na guma-gapang doon. Guma-galaw ang dalawang sungay nito at base sa hitsura niya, isa siyang American Cockroach.
Haay...
Buti pa sila, walang ginawa kundi mag-mountain climbing, mag-sky diving at kumain. Buti pa sila, walang ginagawa kundi mag-pa-rami. Buti pa sila, hindi na-kaka-ranas ng depresyon!
Argh. Naba-baliw na talaga ako. Pati ipis pinagti-tripan ko na.
Pinunasan ko ang mga luhang tumulo sa pisngi ko. Wala sa sariling kinuha ko ang gunting na naka-patong sa ibabaw ng cabinet na nasa tabi.
Napa-pagod na ako. Ayoko na. Ayoko nang maramdaman ang sakit na 'to. Sa araw-araw na dumaan sa buhay ko, lagi akong ganito.
Napa-pagod na ako.
Tahimik akong napa-hikbi. Ibinuka ko ang gunting at itinutok ang talim nito sa pulso ko. Marami na itong peklat, at sa pag-kaka-taon na 'to, sisiguraduhin kong ito na ang huli.
Dahan-dahan ko itong idinikit at sa balat ko-ngunit bigla akong napa-tigil.
Plok!
May maliit at nakaka-diring bagay ang dumapo sa ibabaw ng labi ko!
Nag-taas-an ang mga balahibo ko nang maramdaman ko ang nakaka-kiliting mga paa nito na sumu-subsob sa 'king balat.
P-Pota!
Napa-hiyaw ko at mabilis na tinampal ang ipis palayo sa labi ko. Tumilapon siya sa malayo at tumama sa pader.
Tumayo ako at agad na tumakbo papasok sa banyo. Amoy na amoy ko ang halimuyak ng bwisit! Kadiri!
Kuskos dito, kuskos doon. Kulang na lang ay uminom ako ng Zondrox para mawala ang amoy niya sa bunganga ko! Buwisit, panira ng moment!
Sa dinami-rami kasi ng puwede niyang dapuan, bunganga ko pa talaga!
Nang ma-pudpod ang ngipin ko'y laglag-balikat akong lumabas ng banyo. Nando'n iyong ipis sa may unan ko.
Tinitigan ko siya.
Guma-galaw lang ang antennae niya at hindi ko lubos-maisip kung bakit bigla akong na-cute-an sa kaniya.
Lumakad ako palapit sa kama at umupo ako sa gilid no'n.
"Hinambalos na kita, 'di ba? Bakit bumalik ka pa rin?" parang tangang tanong ko sa kaniya. Marahang gumalaw ang ipis. Luma-lakad yata palapit sa akin. "Subukan mo lang akong dapuan, durog ka talaga."
Tumigil siya bigla sa pag-galaw. Wait lang nga. Naba-baliw na ba ako kung sasabihin kong gusto kong maging bessywaps ang ipis na 'to?
Kakamot-kamot akong humiga sa gilid ng kama ko.
Nakita ko ang gunting na nasa tabi ko. Kinuha ko ito at itinapon palayo.
Tumihaya ako ng higa at pumikit. Pagod lang siguro ako.
"Matutulog na ako, ipis," bulong ko sa hangin.
Unti-unti akong nakaramdam ng antok. Para akong nila-lamon ng dilim. Bigla ko ring naramdaman ang marahang pag-lubog ng kama na hinihigaan ko. Ramdam ko ring may mga matang nagmamasid sa akin.
Nangunot ang noo ko ngunit nananatili pa rin akong nakapikit.
Naka-uwi na ba si kuya?
"Are you tired, Ana?" someone whispers. Malamyos ang tinig, hindi nakaka-takot. Sa totoo nga lang ay mas gumaan ang pakiramdam ko dahil sa boses na iyon.
Bumigat ang aking paghinga.
"Oo..." mahinang sagot ko.
Unti-unti akong nilalamon ng antok, hanggang sa... bigla rin akong na-alimpungatan.
May dumampi kasi na malambot na bagay sa ibabaw ng mga labi ko. Magaan at maingat lang ang pagdampi no'n. Mainit at malambot.
Agad akong dumilat. Kasabay ng pag-dilat ko ay ang pag-hiwalay no'ng malambot na bagay sa 'king labi.
At ang unang bumungad sa 'king paningin ay ang isang pares ng asul na mga mata.
Uy, may mata.
Ay, shet! Kaninong mga mata iyan?!
Napa-tili ako at napa-talon ako bigla pababa sa kama. Mabilis akong tumakbo pa-tungo sa sulok ng kuwarto ko. Kina-kaba-han kong tinakpan ang aking mukha.
Shet! Nananaginip ba ako? Minumulto ba ako?!
"What the hell is your problem?" sambit ng isang boses. Halata sa tinig niya ang pagtat-aka.
At siya pa talaga ang nag-taka?!
Marahan kong tinanggal ang pagkaka-takip ng mga palad ko sa 'king mukha.
Kaso ay biglang nasira ang moment ko nang tumambad sa 'king harapan ang isang naka-tayong lalaki na may nakatayong tite dahil hubo't-h***d siya!
Oo, walang filter ang bibig ko kapag kabado.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat habang ang lalaki naman ay parang wala lang. Chill na chill lang siya habang nakapirmi sa akin ang asul niyang mga mata.
Ang ganda niya sanang lalaki.
Pero...
Sininghot ko ang hangin. Bakit parang amoy ipis ang lalaking 'to?
Weh. Wala. Turn off. Gwapo nga, baho naman.
"Sino ka?" takhang tanong ko.
Bigla niyang tiningnan ang sarili niya. Tumalon-talon pa siya na parang feeling niya ay lilipad siya. Umalog pa 'yong ano niyang naka-tayo. Pero imbis na mag-sisi-sigaw ako, bigla pa akong natawa. Parang nag-bago ang mood ko.
Sira-ulo ba 'to?
Well, hindi naman siya mukhang kriminal pero bina-bantayan ko ang kilos niya. Nag-aaral ako ng Judo at sa totoo lang, wala pa akong ibang taong nagagamitan ng kakayahan kong iyon---NGAYON PA LANG!
"Damn it," pagmumura no'ng lalaki, tapos in-amoy niya iyong sarili niya. "I smell like s**t," bulong niya muli. Natawa na naman ako. Amoy s**t daw siya. Buti alam niya.
Hindi ako maka-pag-salita habang naka-titig ako sa kaniya. Nanatili lang akong naka-tayo. Ngayon lang nag-sink in sa akin ang lahat: Hindi ako nananaginip!
Biglang nag-loading ang utak ko.
Naka-hubo siya. Nandito siya sa kuwarto ko at hindi ko siya kilala.
'Ngina, Ana? Bakit hindi ka pa sumigaw? Bakit nakatayo ka lang diyan? Kayang-kaya mo nga siyang patumbahin kung tutuusin! Tingnan mo, Ana, oh? Pati etits niya, active na active!
Bigla ring may pumasok sa isipan kong napaka-laking tanong... paanong nag-karo'n ng lalaki sa kuwarto ko? Naka-idlip lang naman ako, ah?!
Anak ng...
"And you..." Bigla niyang ibinalin ang paningin niya sa 'kin kaya naman natigil ang pag-iisip ko.
Bebe, kahit amoy s**t ka ay ang gwapo mo...
Oo, tatahi-tahimik ako, pero hindi ko itatangging maharot din ako.
"You... you tried to kill me..." nakaka-takot na sambit niya. Tinitigan niya ako ng matalim.
Napalunok ako. Para siyang mamamatay tao. Kitang-kita ko kung papaano tumalim ang mga mata niya sa dilim.
Teka, teka, teka!
Barkada ba 'to ng kuya ko?! Pero wala ngayon si kuya, ah? Saka kilala ko ang mga barkada no'n-puro mga payatot na gangster na mahilig kumanta ng mga kanta ng ExB.
Pina-tunog niya 'yong mga daliri niya na para bang handa na siyang sumugod sa akin.
Napa-taas ako bigla ng dalawang kamay ko.
Hangga't wala siyang ginagawang hindi maganda, hindi ko siya sasaktan. Kaya sige, hindi ako lalabas ng kuwartong ito hangga't hindi ko nalalaman kung anong pakay niya!
"Hoy! Anong I tried to kill you?! Hindi ako killer, gaga!" sigaw ko, "Saka bakit nandito ka sa kuwarto ko? May kailangan ka ba?" Pinasadahan ko siya ng masamang tingin. "Tang'na, ba't nakabold ka?!"
Naka-ngisi na siya ngayon. Naka-ngisi siya na para bang may papatayin siyang tao ngayon.
At ako iyon.
At teka lang, shet, bakit wala siyang damit? Hindi naman siya mukhang dukha, eh. Saka grabe namang pagka-dukha 'yan? Pati brief ay nowhere to be found?
Kunot ang noong pinagka-titigan ko siya. Pini-pilit kong halungkatin sa isip ko kung nakita ko na ba siya noon.
Pero wala. Hindi ko talaga siya kilala!
"Gago ka! Lumayas ka sa pamamahay ko kung ayaw mong mabalian!" muling hiyaw ko ngunit hindi naman siya na-sindak manlang!
Nagsalubong ang makakapal niyang mga kilay. "And now, you're yelling and cursing at me? How dare you, human? Who do you think you are?"
Ay, waow. Hu du yu tink yu ar daw.
Mas lumawak na ang kaniyang ngisi. Napa-atras ako bigla. Oo, marunong ako ng Judo. Ang kaso, nakaka-takot talaga siya.
Buwiset! Kailan ba talaga masasagot ang tanong ko na: saan ba talaga galing ang lalaking 'to?! Hindi naman basag ang bintana namin kaya hindi ko alam kung saan siya dumaan. Kung sa pinto naman namin sa ibaba, eh, naka-lock iyon.
Nag-simula siyang maglakad palapit sa akin. Hindi ako judgemental na tao, pero ang baho niya talaga.
Ini-handa ko na ang sarili ko para patumbahin siya.
Bigla siyang napa-tigil. Kasabay no'n ang pag-kunot ng kaniyang noo. "Why am I acting like a human?" Hindi ko alam kung sino ang kina-kausap niya. Sarili niya ba, o ako. Kinapa niya bigla ang kaniyang likuran, "And... where are my wings?" tanong niya sa akin, at base sa ekspresyon ng mukha niya, seryoso siya sa tanong niya.
Luh, gago? Ano siya, napkin? Whisper with wings? Wahaha.
Natigilan na naman siya at napagawi ang tingin niya sa human-sized mirror na nasa gilid niya.
Nagulat ako nang bigla niyang dinakma 'yong bagay na nasa pagitan ng mga hita niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. 'Ngina... may baliw... may baliw!
Shet, magma-Mariang palad ba siya sa harapan ko?!
"Kuyaaaa!" malakas na tili ko kahit na wala naman akong kasama ngayon.
Ayoko siyang gulpihin. Mas maganda kung pulis na lang ang tatawagan ko mismo. Ila-lock ko na lang ang pinto ng kuwarto ko mula sa labas para hindi siya maka-labas. Masyado ring mataas ang distansiya ng bintana ng silid ko sa unang palapag, kaya kung tatalon siya, mababalian siya.
Akmang tatakbo na sana ako palabas nang bigla siyang nagsalita muli.
"What is this hard thing?" tanong niya habang hawak-hawak iyong kaniyang ano.
Napa-nganga ako.
Kunot-noo niyang tiningnan ang etits niyang naka-tayo tapos ay bigla siyang tumingin na naman sa akin.
"Can you please tell me? What is this thing?" aniya saka itinutok sa akin ang ulo no'n. Pakiramdam ko ay nalusaw na ang kaluluwa ko.
Putsa.
"Puwedeng magtanong?" nakangiwi at medyo pabulong na sambit ko.
Sumeryoso naman ang pogi niyang mukha. Ang kaninang nakaka-takot niyang mukha ay biglang naging inosente.
"Magkano ang latest price ng shabu ngayon? Napaka-angas ng epekto, eh.
Biglang tumahimik ang paligid pero maya't maya ay nagsalita siya bigla.
"What's shabu?" tanong niya. Natawa ako. Teka, mukhang mayaman ang kutis nito, eh. Kaso nga lang ay ang baho niya talaga. Hindi yata shabu ang tawag nila sa drugs, eh---Argh, whatever!
Nanatili siyang naka-hawak sa manoy niya. Napa-simangot ako at ibanalin ang aking paningin sa kaniyang mukha.
Ang tanga pakinggan, oo. Pero... sa tingin ko, hindi ko muna siya dapat ipahuli sa pulis.
Pinagka-titigan ko ang mukha niya. Naka-paskil sa mukha niya ang pagka-lito.
Hindi pulis ang tatawagan ko... kundi mental hospital.
Alanganing ngumiti ako. "Ah-eh... cocaine? Hehe, naka-ilang gramo ka? Share mo naman?" tanong ko habang iniiwas ang paningin ko sa kaniyang sandatahan. Kaso ang magaling kong mga mata ay napadako naman sa tiyan niya.
Shet...
Isa, dalawa, tatlo, apat, lima. Lima dagdagan ng tatlo.
Eight pack, mga gago. Ang ganda ng pagkaka-hulma ng abs niya. Gusto ko rin 'yung kulay ng balat niya. Beri-beri masculine. Kapag ganito talaga, eh, sinasapian ako ng kaluluwa ng isang namayapang GRO.
Napansin ko rin 'yong mapupula niyang mga labi. 'Yong matangos niyang ilong na puwedeng ipang-saksak ng bangus. Shet, Iyon pang jawline niya. Parang drawing lang.
Anak ng pating. Ngayon ko lang na-realize na ang landi ko pala talaga.
"What's cocaine?" kunot-noong tanong niya.
Napa-tigil ako sa pag-examine sa kaniya nang mag-tanong siya.
Pati ba naman cocaine, hindi niya alam?!
"Tao ka ba, o ano?!" gigil na sigaw ko. Teka, nag-bago na ulit ang isip ko. Papatayin ko sa gulpi ang lalaking 'to!
Kumunot na naman ang kaniyang noo, "I'm not a human, idiot. I'm a cockroach," seryosong sambit niya.
Woow. May cockroach na palang nangi-idiot ngayon. Pero teka...
Bigla akong humagalpak ng tawa, with matching hampas-hampas pa sa pinto na nasa likuran ko.
"Mwahaha!"
"Why are you laughing, human?! You're a f*****g racist!" galit na sigaw niya. Gusot-gusot ang guwapo niyang mukha. Mukhang asar na asar talaga siya sa naging reaksiyon ko.
Amputa! Racist daw ako!
Napahawak ako sa tiyan ko. Lalo kasing lumakas ang tawa ko.
Hanep, bentang-benta, ah! Gumanda bigla ang mood ko!
"Buwahaha! Isa pa nga, Niyahaha!"
"You're looking like a s**t," inis na sambit niya bigla habang gusot-gusot pa rin ang kaniyang mukha.
Napa-tigil ako sa pagtawa at nakasimangot na sinalubong ko ang mga titig niya. Kung siya, amoy s**t. Ako naman, mukhang s**t? Aba'y tarantado 'to, ah!
Pero...
Muli akong humagalpak ng tawa. "Mwahaha! Jusko, men! Alam kong amoy ipis ka, pero 'wag mo naman sanang panindigan! Hahaha!"
Jusme! Takas sa mental itong lalaking 'to! Kung sa mental ay napagkakamalan ng mga baliw na sila si Marian Rivera, pero ang isang 'to, napag-kamalang ipis ang sarili niya!
Hahaha!
Isa pa!
Hahaha!
Bigla siyang humakbang palapit sa akin. Kaso natigilan ako nang bigla siyang bumagsak sa sahig.
Tulooooong!
May ipis na hinimatay!
Bwahaha!
Isa yata ang lalaking 'to sa mga Baby b*a Warriors na nakaaway ko sa f*******:. May sayad, eh. Wahaha. Charot lang. Kulang lang yata sa aruga ang lalaking 'to. Hahaha.
Tinitigan ko siya habang naka-dapa siya sa sahig. Yumuko ako at sinilip ang kaniyang mukha.
Naka-tulog nga siya.
Hehe. Patay na. Anong gagawin ko sa kaniya?
***********
PS. 'Yung American Cockroach po ay literal na lahi po talaga ng mga ipis. Hahaha. May German din po, search niyo sa Google, kyot nila.