Nakarating si Zuriel sa BC company nang mahigit dalawang oras. Dali-dali niyang ipinark ang kaniyang motor saka nagmadaling pumasok ng building at tuloy-tuloy sa elevator papuntang 5th floor kung saan naroon ang kanyang opisina.
Pagkabukas pa lang ng pinto ay agad na siyang sinalubong ng sektetaryang si Dome.
“Oh, akala ko ba dalawang oras? Lumagpas ka yata. . .” bungad nito sa kanya saka sumunod na nang papunta siya sa mesa niya. “May nangyari ba?”
“Wala naman. Kaunting aberya lang habang nasa daan,” sagot niya sabay hubad sa kanyang leather jacket.
“Oh! Bakit may sugat ka? ” Itinuro pa niya ang natamong sugat sa braso ni Zuriel at nakitang may dugong umaagos subalit kaunti lang. “Napano ka ba?”
Tiningnan ni Zuriel ang sugat niya. “Ah! Shaaks . . . dinugo pala ako,” biro niya sa baklang boses.
“Umayos ka nga . . .” saway ni Dome sa kanya. “Mamaya biglang pumasok ’yung lolo mo, mabuking ka pa.”
Malapit na magkaibigan ang dalawa kaya walang sekreto ni Zuriel ang hindi alam ni Dome. Kaya nga komportable si Zuriel na kasama ito sapagkat nakakakilos siya nang malaya at totoo sa sarili.
“Ayts, paki-kuha naman ng medicine kit, oh!”
“Sandali, diyan ka lang.” Mabilis nitong tinungo ang isang malaking drawer at tinunton ang med kit. Pagkatapos bumalik kay Zuriel at nagprisintang siya ang gagamot sa sugat ng huli.
“Salamat.” Tipid nitong nginitian si Dome.
Napangiwi-ngiwi pa si Zuriel sa hapding nararamdaman. Galos nga lang pero dumudugo.
“Ano ba ang nangyari?” usisa ni Dome habang patuloy sa paglalagay ng gamot sa sugat niya.
“Hay, naku! Sa kagustuhan kong matalo ka, hayon, lumusong ako sa dagat ng mga prutas. Basta, aksidente lang.”
Malapit nang matapos ni Dome ang paggagamot sa sugat niya. Lalagyan na lang ng bandage at okay na.
“Zu . . .”
“Yes?” Tumingala siya kay Dome at sinabayan ng pakurap-kurap na nga mata.
“Tch! Pati ba mata mo naapektuhan sa nangyari sa iyo?” biro nito.
“Ano nga?”
“’Yung lolo mo, hinahanap ka kanina. Ibinilin niya sa akin na sasabihan ko siya kapag dumating ka na.”
“Ha? For what?”
“Idk.” ( I don’t know)
“Mm . . . Let me think.” Nanahimik siya saglit. “What is it this time? Lahat naman ng inutos niya, ginawa ko naman before i visited our school earlier.”
“Pumunta ka na lang sa opisina niya. Baka naman importante,” sabi na lang ni Dome sa kanya para hindi na siya magisip pa.
Biglang tumayo si Zuriel. “Okay. Pupuntahan ko siya.” Akmang aalis na siya nang pigilan ni Dome.
“Wait! ’Yang sugat mo, baka tatanungin ka tungkol diyan kapag nakita niya.”
“Oo nga pala.” Kinuha n’ya ang jacket at muling isinuot.
Nasa 2nd floor ang opisina ng lolo niya. Dito ito sadyang pinuwesto para hindi gaanong mahirapan dahil sa matanda na rin. Hindi ito nakakalakad nang maayos kapag walang tungkod na hinahawakan.
Hindi alam ng marami ang tungkol sa tunay na katauhan ni Zu. Nagawa niyang ilihim ang pagiging bakla niya sa loob ng anim na taon. Maging ang appa niya na pumanaw na ay hindi rin ito alam. Kaya ang kanyang lolo, ang nagsilbing gabay sa lahat ngunit hindi naman niya masabi-sabi rito na bakla siya.
Naglalakad siya palabas ng elevator papuntang opisina ng kanyang lolo nang bigla siyang kinausap ng isang empleyado nila.
“Sir Bekket, coffee po.” Iniabot ito sa kanya ng babae na may halong flirty move.
“Thank you.” tipid niyang sagot matapos kunin ang baso na naglalaman ng coffee. “Ahm, will you please make another one for my lolo?”
“Yes,Sir.”
“And pakidala sa opisina niya. Salamat.”
“Right away sir.”
Kilala siya ng kanyang mga empleyado bilang Bekket at hindi bilang Zuriel. Simula kasing dumating siya sa Korea kasama ang kanyang Appa, pinalitan ang Zuriel at ginawang Bekket Choy. Na siyang gamit niya ngayon. Ang kaniyang secretary na si Dome ang tanging tumatawag sa kanya sa una niyang pangalan.
Nang malapit na siya sa pintuan . . .
“Lolo, nandito na ako,” saad niya sabay katok sa pinto ng opisina ng kanyang lolo.
“Come in,” tugon nito habang abala sa kababasa ng mga papeles na nakahilera sa ibabaw ng mesa.
Binuksan ni Zuriel ang pinto at tuloy-tuloy sa pagpasok.
“You’re looking for me?”
“Yes.”
“Why?”
“Sit down.” Itinuro nito ang nakaharap na silya.
Lumapit naman si Bekket at saka umupong paharap sa kaniyang lolo.
“I set a blind date for you,” hayag ng kaniyang lolo.
“What! Again?”
“Mm. . .” Tinanguan siya ng matanda.
“But, harabeoji. I don’t want to go on a blind date. I mean it’s not really important for me. I can find my own destiny,” pagprotesta niya.
'My gosh, Lolo, pini-pressure mo kwo' Bulong niya.
“Bekket, your father told me that i’m going to find you a partner before he died. The one that you can rely when things went wrong.”
“Yes, Lo. But why so sudden? Ang bata ko pa para mag-asawa.”
'And Lo, boy po hanap ko. Hindi girl' Gusto niya sanang sabihin, ngunit hindi puwede.
“Matanda na ako, Bekket. Ayaw kong mag-isa ka lang.” Magaling managalog ang matanda dahil sa tumira ito nang matagal sa Pilipinas.
“Lo, may nanay pa po ako.”
“Matanda na rin ang nanay mo.”
“Pero, Lo. Ayoko pa.”
“Gusto ko nang mag-asawa ka. Well, kung ayaw mo, i can take back all what you have right now.” Pinagbantaan pa siya ng kanyang lolo.
“Lo! Whats this? A threat?”
“Yes and no.”
“Nakakalito naman po kayo.”
“Yes, dahil kaya kong gawin iyan. And no dahil hindi lang banta kundi its also my demand,” paliwanag nito sa apo. “So, Want to bet?”
“What else can i do? Mahal ko po kayo gaya kay Appa kaya gagawin ko.”
“Ok, then. Sasabihan ko ’yung sekretarya ko na sisipot ka sa magiging blind date mo.”
“Yeah . . .” hilaw nitong sagot sa lolo.
'Shaaks, i’m doomed.'
Tinanggap ni Zu/Bekket ang pagkatalo mula sa kanyang lolo. Matanda na rin kasi ito kaya hindi niya dapat bibigyan ng sakit ng ulo. Pero deep inside, namomroblema siya ngayon.
Sumakay siya ulit ng elevator. Ibinulsa ang dalawang kamay sa loob ng pantalong suot. Natigilan siya nang may nakapa siya sa loob nito. Inilabas niya ito saka tiningnan. Saka ngumiti nang may pumasok na idea sa kanyang isipan.
“Sana nga lang gumana,” anas niya.
Pagkapasok niya ng opisina, naroon pa rin si Dome.
“Oh! Ano’ng nangyari?”
“Help me. Kailangan kong makausap ang sekretary ni Lolo.”
“At bakit?”
“Pinilit akong makipag-blind date ni lolo which is ayokong gawin. Pero dahil sa masunurin akong apo, umuo na lang. At ’yung sekretary niya ang may hawak ng number ng ka-blindate ko. Tatawagan niya ’yun para sabihing sisipot ako.”
“Then?”
“What i want you to do now is to find out kung natawagan na ba ng sekretarya ni lolo ang ka-blind date ko . Kung hindi pa, ipagpalit mo ’to sa hawak niyang number.” Ibinigay niya ang kapirasong papel na binigay ni Aning kanina.
Pinagtawanan pa siya ni Dome. Pero pinukulan niya ito nang masamang tingin kaya natahimik. “Shien? Nice name, ha,” Basa ni Dome para matigil ang inis ni Bekket/Zuriel.
“Sige na, dali!” utos niya na itinulak-tulak pa nang marahan papuntang pintuan. Aalis na sana si Dome nang bigla niya itong pinigilan.
“Oh? May sasabihin ka pa ba?”
“Akin na muna iyan saglit. Kukunin ko lang ’yung number niya. I will call her also.” Kinuha niya ang number ni Aning at pagkatapos hinayaan na niyang makaalis si Dome.
“I hope it will work . . .” sabi pa nito.