Chapter five

1555 Words
Pagkalipas ng anim na taon, muling binalikan ni Aning ang mga nangyari noong high school pa siya. Umuwi siya sa kanilang lugar para magbakasyon. Naalala pa niya noon ang naging pag-uusap nila ng kaibigang si Rhea. “Ang daya mo naman, Aning. Iiwanan mo ako rito. Akala ko ba magkasama pa rin tayo hanggang sa kolehiyo.” Niyakap ni Aning ang kaibigan. Alam niyang malulungkot ito dahil napagpasyahan niyang sa maynila na magkolehiyo. “Rheang, mas gusto ko kasi roon. Puwede akong magtrabaho habang nag aaral. Alam mo naman, tumatanda na si Nanay at kami na lang ang magkasama sa buhay. Kaya para hindi siya mahirapan, mag-wo-working student ako.” “Hmp!” Nagtatampo pa rin si Rhea sa kanya. “Kainis naman, eh.” Maya-maya sabi nito. “Ma-mi-miss kita, Aning.” “Ako rin. Mamimis din kita. Hiling ko lang na maging masaya ka lagi lalo na't lagi mong nakikita si Zuriel. ’Yung crush mo,” Sinabayan pa ni Aning ng ngiti ang kaniyang sinabi. “Iba pa rin kapag nandito ka. Ikaw nga itinuturing na Girl Friend niya dahil sa kaniyang mga barkada.” “Ano ka ba? Gawa-gawa niya lang iyon. Hindi naman kami bati ng crush mong iyon. Ayaw ko sa kanya,” sabi nito sa kaibigan. “Ah, basta! Kapag naroon ka na, tumawag ka lagi sa akin ha?” “Oo. Gagawin ko ’yan.” Hinawakan niya ang magkabilang kamay ni Rhea at saka ngumiti. Ngayon ay nasa dalawampu’t isang taong gulang na siya at kasalukuyan pa ring nag aaral. Huminto siya ng isang taon para pansamantalang magtrabaho sa maynila nang malaman niyang nagkasakit ang kanyang ina. Bumalik na lang noong medyo nagkaluwag-luwag na ngunit patuloy pa rin siya sa pagtatrabaho. “Aning, halika na't kumain. Ang layo ng ibinyahe mo kaya siguradong gutom ka na,” tawag ng kaniyang ina, dahila upang mahinto ang kaniyang pagbabalik-tanaw. “Kayo po, ’Nay? Sabayan n’yo na po ako.” “Abay, siyempre! Matagal kitang hindi nakasama kaya sasabayan talaga kita. Hala sige, kain na.” “Plato n’yo po . . .” Inabutan niya ng malaking plato ang kanyang mahal na ina. “Bakit naman ’yung malaking plato ang ibinigay mo sa akin?” “Para po maraming mailagay na pagkain. Ang sexy n’yo na rin po. Baka nga kayo na naman ang madala ng hangin niyan dahil sa kapayatan n’yo.” “Naku, huwag kang mag-alala. Maraming puno ang narito sa atin. Kahit saan ka lilingon, mayroon. At hindi na rin nahihirapan ang mga tao kung aalis kasi may traysikel na puwedeng masakyan papuntang sentro.” “Opo nga po. Marami nang nagbago simula noong lisanin ko ang lugar na ito.” Huminto muna sila sa pag uusap para bigyang daan ang kanilang pananghalian. Pero maya-maya ay muling nagsalitanang kanyang ina. “Kailan ka ba babalik sa maynila?” “Pagkatapos po ng isang linggo. Maikli lang po kasi naging bakasyon namin sa school kaya hindi po ako puwedeng magtagal.” “Sana hindi ka na muna umuwi. Pagka-graduate mo na lang sa kolehiyo para isahan na at siguradong magtatagal ka rito.” “Hayaan n’yo na po ako. Gusto ko na po kayong makita.” Saka tumahimik ulit. “Ah! ’Nay, aalis po ako. Dadalawin ko si Rhea. Susulutin ko nang makasama siya ngayong araw. Mamamalagi naman po ako rito sa bahay para sa iba pang natitirang araw ng bakasyon ko. Matagal ko po kayong hindi nakasama.” “Sige, ikaw ang bahala anak. Basta ba, mag-ingat kayo ni Rhea.” “Opo,” tipid nitong sagot sa ina. Pagkatapos kumain at makapagpahinga ni Aning, naligo siya at naghanda para sa lakad nila ng kaibigang si Rhea. Tinawagan niya kanina ang huli para ipaalam kung saan sila magkikita. Nagpaalam muna sa ina bago umalis. Isang oras ang nakalipas at magkasama na sila ngayon ni Rhea. Nasa tapat sila ng kanilang paaralan na pinapasukan noon sa high school. “Maraming nagbago,” sabi ni Aning habang pinamasdan ang buong paligid ng paaralan. “Oo, at pati na ikaw. Marami ring nagbago sa iyo. Hindi ka na nakasuot ng salamin. Litaw na litaw na tuloy ang itinatago-tago mong kagandahan.” “Huu! Bolera ka na Rheang, ha!” “Uy, totoo naman ah! Maganda ka naman. Simple nga lang pero maganda ka pa rin tingnan. Payat ka, pero ang ganda naman ng hugis ng katawan mo.” “Ha? Ganoon? Ayokong sabihin mo iyan. Mas gusto kong sabihin mo na. . .” Niyakap niya ang kaibigan. “ Na maganda tayong dalawa, hm?” “Ay! Bet ko rin iyan.” Saka sila nagtawanan. Pumasok sila sa loob ng eskwelahang naging bahagi ng kanilang kabataan. Mabuti at kilala pa sila ng gwardiya nila noon kaya pinapasok sila. Matanda na ito pero malinaw pa rin ang mga mata. Pinuntahan nila ang dating tambayan at ang lugar kung saan sila naglalaro noon. Samatala naman. . . Isang lalaki ang nakatayo at nakatambay sa ikalawang palapagng gusali. Parte pa rin iyon ng eskwelehang pinuntahan ngayon nina Rhea at Aning. “I missed this place,” sabi niya sa sarili. “ Kumusta na kaya ang lalaking iyon?” tukoy niya sa kaniyang crush noon na si Kobe. Maya-maya ay dinukot niya ang teleponong nag-iingay sa kanyang bulsa kanina pa. Hindi lamang niya ito sinasagot. Saka tumalikod at napasandal sa corridor. “Hello? Yes, i’m still here. Papauwi na rin ako,” saad niya sa kausap niyang nasa kabilang linya ng telepono. “Yeah, i know. I’ll be right there after 2 hours.” Saka pagak na tumawa. “Of course i can. Mabilis lang sa akin ang dalawang oras na byahe gamit ang latest model na motorsiklo ko. Wanna bet?” Itinaas pa niya ang isang kilay. “How about 100,000 won to philippines money? Geolae?” Sandali siyang tumahimik at pagkatapos muling nagsalita. “Ok, deal!” Nilisan niya agad ang ikalawang palapag at tinungo ang hagdan pababa ng gusali. Pero kausap pa rin nito ang taong nasa telepono. “Yes! Pababa na ako. Prepare your money dahil mananalo ako.” Tumatawa pa ito. Mukhang sigurado talaga siyang mananalo sa kausap niya. Pababa na siya nang mahagip ng kanyang mga mata ang dalawang babaeng naglalakad sa ’di kalayuan. Tumigil saglit at tiningnan ang mga ito habang papalayo na. “Who are they?” bulong niya sabay baba ng teleponong hawak. Tinanggal niya ang kanyang salamin para makita niya ito nang malinaw. Saka siya tumalikod nang mapagtanto kung sino ang mga ito. “Anie--” Hindi na niya itinuloy ang kanyang nais sabihin. “Sila nga ba iyon?” Hindi siya sigurado kung sino ang mga iyon kaya nagpatuloy na lamang sa paglalakad patungo sa labasan ng eskwelahan. Patuloy pa rin sa paglilibot ang magkaibigang Aning at Rhea. “Kumusta na kaya ’yung crush mo? Ang huling balita ko roon, huminto sa pag-aaral at lumipad ng Korea. Huh! Siguradong koreanong-koreano na ang dating n’on kapag nakita mo ulit.” “Siguro, malamang sa malamang. . . ganoon na nga. Eh, baka nagparetoke na iyon doon para maging isang ganap na babae na” “Ano!” Nabigla naman si Aning sa sinabi ni Rhea. “Bakit? Hindi ba sa iyo sinabi ng nanay mo?” “Ang alin?” “Nadulas kasi sa akin si Aling Lilian. Hindi niya sinadyang masabi na bakla si Zuriel. Sa labis na pagkadismaya ko, nasabi ko kay Nanay mo na bakla si Crush ko at alam niyang si Zuriel iyon.” “Talaga? Wala namang nabanggit si Nanay sa akin. Kasi naman, sa tuwing tinatawagan ko si nanay, ’yung paksa namin ay tungkol lang sa pag-aaral ko at sa kalagayan niya rito. Hindi namin napapag-uusapan ang ibang tao bukod sa iyo kasi kaibigan kita,” paliwanag niya. “Pero sayang, ah! May hitsura kaya siya, tapos bakla lang pala.” “Naman! Sayang nga talaga. Tapos si Kobe pala ’yung crush niya. Pero s’yempre hindi ko ipinagkalat. Crush ko pa rin ang lalaking iyon kahit ganoon siya.” “Mm. . . Kawawa ka naman pala. Wala ka pala talagang ka pag-asa kay Zuriel. Baka pagbalik n’on dito magiging Zuriela na iyon.” Tumawa pa si Aning nang malakas. Nahawa na rin si Rhea sa kaniya. “Ano pa nga ba?” Second demotion ni Rhea. “ Pero, tsk! Sayang talaga.” “Ano ka ba? Hayaan mo na iyon. Marami pa namang iba. Itigil mo na iyang crush-crush mo sa kanya. Alam mo naman na noon pa, wala ka na talagang pag-asa sa lalaking iyon kaya itigil mo na iyan.” “Hmp! Buti kayo noon, hindi nagkahulugan ng loob.” “Rheang, hinding-hindi mahuhulog ang loob ko sa lalaking gusto ng kaibigan ko. At saka, hindi kami laging magkasama ’no! Pinabayaan ko na lang na isipin nina Kobe noon na Girlfriend niya ako kahit hindi naman.” “Move on na nga lang ako sa kanya.” “Mabuti pa nga. Saka, nagtatrabaho ka na hindi ba? Baka puwedeng pasyal tayo minsan sa pinagtatrabahuan mo.” “Sige ba! Bukas, sumabay ka sa akin. Pero hindi kita masasamahan pabalik kasi may trabaho ako.” “Okay lang. Kaya ko naman mag-isa.” IYon lang at nagpasya na ang dalawang magkaibigan na umalis na at pumunta na naman sa ibang lugar para ipagpatuloy ang kanilang pamamasyal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD