MEGHAN's POV Ilang araw ang lumipas, at ngayon nga ay hinhanap na kami ni Lucas. Nakita ko ang mga tauhan niya na naghahanap sa ibang lugar. Kaya naman todo ang pag-iingat namin para hindi kami makita. Sa tuwing lalabas kami, halos hindi makita ang mukha namin. Malayo na kami sa amin, pero pati dito sa manila ay umabot sila! Hindi pa rin ba siya nagsasawa? At hanggang ngayon ay hinahanap niya pa rin ako? Pauwi na ako ng bahay, nakita ko kasi ang isang tauhan ni Lucas na nasa mall. Pauwi na rin for sure si Jace, baka nga naunahan niya pa akong makauwi eh. Agad akong lumabas ng makita kong lumabas na ng mall ang mga tauhan niya. Nakita ba nila ako? Mabilis akong pumara ng taxi. Habang nasa taxi, tinawagan ko si Sapphire. Baka siya na naman ginigipit ni Lucas para makuha ako. "Hello?"

