MEGHAN's POV Ilang araw mula nang mangyari iyon, hindi ako mapakali sa tuwing makikita ko si Euward na kausap si Gov. Para akong napaparanoid sa tuwing nasa paligid siya. Idagdag mo pa ang mga tingin niya. Wala si Gov ngayon, maaga siyang umalis ng bahay. Kaya andito ako sa pool habang nagpapahangin. Kailangan kong malaman ang bagay na tinutukoy niya kagabi. Narinig ko siya na may kausap ilang gabi na. Hindi ko maiwasang hindi isipin ang bagay na iyon. Ang alam ko lang ay parang may pinaplano siyang iba. Agad akong tumayo, magbabakasaling bukas ang office niya. Kailangan makakuha na ako ng ebidensya laban sa kaniya. Papasok na ako sa loob ng may humila sa akin papuntang bodega. Mabilis niyang isinara ang pinto, mabuti na lamang at bukas ang bintana kaya may liwanag na tumama sa sahig.

