MEGHAN's POV
Nagising ako ng maaga. Ang totoo ay hindi ako nakatulog buong magdamag. Naalala ko ang nangyari kagabi. Kung paano ako babuyin ni Gov! Kung paano niya pagsawaan ang katawan ko sa mismong kama ko! Kaya naman pinulot ko ang saplot na nakakalat sa sahig ng kwarto ko at agad na isinuot ang mga iyon.
Biglang gumalaw mula sa kama si Gov. Agad naman akong lumabas ng muli siyang natulog. Kailangan kong makatakas dito. Kailangan kong makaalis sa impyernong bahay na to.
Pagkababa ko, nagulat ako ng wala ako madatnan na mga maid. Nasa vacation ang mga ito. Kaya naman mabilis din akong nakalabas. Nakita ko naman si manong guard na busy sa loob ng guarx house. Mabilis akong pumunta doon. Pumasok siya sa loob, nagkaroon ako ng pagkakataong makalabas. Dahan-dahan kong binuksan ang gate. Pagkalabas ko, nakita kong nakatingin siya sa akin at nagtitinakbo. Mabilis akong tumakbo papuntang highway.
"Taxi!" sigaw ko sa paparating na taxi at kumaway-kaway pa.
Huminto naman ito at ika-ika akong pumasok.
"Manong please, paandarin niyo na!" kinakabahang sabi ko.
Sinunod naman ako ni manong driver. Nakahinga ako ng maluwag ng makalayo kami sa Village. ang sakit pa ng mga hita ko. Muli kong naalala ang ginawa niyang kababuyan sa akin kagabi.
"Walang hiya ka! Demonyo!"
Gigil na bulong ko. Akala ko totoo ang lahat ng pinapakita niyang kabaitan! Hindi pala. Kinuha lang niya ang loob ko para makuha ang gusto niya!
Naiiyak akong tumingin sa bintana.
Sobrang dumi ko na! Hindi ko makakalimutan ang lahat ng ito. Kailangan magbayad siya!
"Manong dumiretso po tayo sa police station." sabi ko kay Manong.
Akmang kukuhain ko ang phone ko ng mapagtanto kong wala akong dalang phone. Andon ang phone ko sa table! Tanging pera lang ang dala ko dito.
Ilang oras lang ay nakarating kami sa police station. Ang gulo-gulo pa ng buhok kong pumasok sa loob.
"Sir! Tulong po!" kinakabahan kong sigaw papalapit sa kanila. Tumingin naman sila sa akin at lumapit.
"Ano po ang maitutulong namin?" sabi ng isanv police.
"G-ginahas po ako!" mangiyak-ngiyak kong sabi sa kanila na ikinagulat naman nila.
"Umupo muna kayo Ma'am." sabi ng isang police sa akin.
Nanginginig akong umupo.
"Ano pong nangyari? Sino ang gumawa niyon sa inyo?" mahinahong tanong niya.
"Si-si Governor Lewis! Siya ang gumahasa sa akin kagabi!" nanginginig na sambit ko habang may takot sa dibdib.
Nagkatinginan naman silang apat bago tumingin sa akin.
"Sandali hindi ba at kayo ang anak ni Governor? Ms. Meghan Lewis?" nagulat ako sa nagsalita. Isang police rin na kararating lang.
"A-ako nga po! Totoo ang lahat ng sinabi ko! He raped me! " mangiyak-ngiyak kong sabi.
Nagtinginan na naman sila. Alam ko ang mga tinginan nilang ganon. Hindi sila naniniwala!
"Totoo ang sinasabi ko! Why don't you believe and investigate that?!" tanong ko sa kanila.
"Miss, alam mo bang masama ang magsinungaling? Pwede ka niyang idemanda sa mga pinagsasabi mo." sabi ng isang police na medyo maputi.
"Sir please! I'm telling the truth! He raped me!" pagpipilit ko sa kanila.
"Why are you do this Ms. Meghan? Hindi ba't sobrang mahal na mahal ka ni Governor? Maari niyang ikasira ang lahat ng ibinibintang mo!" sabat ng police kanina na kararating lang.
He is familiar. I saw him but I don't know where is it.
"Hindi ako magsusumbong kung hindiN He raped me! Maniwala kayo!" sabi ko sa kanila.
Mukhang wala pa ring naniniwala sa akin dahil parang wala silang narinig at nagpatuloy lang sa pagsusulat ng kung ano.
"Okay Miss, tatawagan ka na lang namin kung nailakad na ang demanda mo." sabi ng isang police.
Wala akong nagawa kundi ang lumabas at pumayag sa sinabi nila. I know him! Hawak niya sa leeg ang buong mamamayan dito! Hindi ako maaring magsumbong sa ibang lugar na station dahil hindi rin nila iyon papakinggan.
Napaupo na lamang ako sa labas ng police station. Napahilamos ako. Napakadungis ko na. Hindi man lang ako nakapagsuklay man lang.
Ano na ang gagawin ko?
Mulinkong ibinaling ang mga mata ko sa paligid nang may mahagip ang paningin ko. Mula dito, nakita ko ang tatlong lalaki. mga nakaitim sila. Naka-sunglasses at naka-cup na black! Napatayo ako ng makita ko kung saan sila papunta. Sa kinaroroonan ko!
Mabilis akong tumakbo sa maraming tao. Mabuti na lamang at andito ako sa bayan!
"Ayun!" narinig kong sigaw ng isang lalaki at mabilis ring tumakbo para habulin ako.
Tumakbo lang ako ng tumakbo. Nagkakagulo na rito sa bayan. Nakita ko na hinahabol pa rin nila ako mula sa malayo. Hindi ako tumigil sa pagtakbo. Nakarating ako sa highway. Subalit napatigil ako ng may makita akong mga naka-black rin gaya ng suot nila na patawid. Wala na akong choice. Mabilis akong pumara sa taxi na paparating. Mabuti na lamang at tumigil siya kaya nakasakay ako kaagad.
"Manong pakibilisan!" sabi ko habang nakadungaw sa labas.
Nakita ko naman na tumatakbo pa rin ang mga ito habang hinahanap ako.
Hindi titigil si Gov hangga't hindi ako nakukuha! Isang tao lang ang mahihingian ko ng tulong
"Girl! Oh my Gee! Anong nangyari sa iyo?" natatarantang sabi ni Sapphire habang pinapapasok ako sa bahay nila.
"Hey! Are you okay? Bakit ganiyan ang buhok mo? Para kang gina--"
"H-he raped me..." nauutal na sabi ko.
Hindi ko na kinaya at napaiyak na lamang ako sa harap niya
Natigil naman siya.
"G-girl..." niyakap naman niya ako para patahanin.
"B-binaboy niya ako! Pinagsawaan niya ako! Ang dumi-dumi ko na!" naiiyak na sabi ko.
"A-anong nangyari?" hindi makapaniwalang tanog niya.
Huminga ako ng malalim bago ako nagkwento. Ikinwento ko ang lahat ng ginawa niya sa akin. Lahat ng pangbababoy niya.
"G-girl... S-sorry, gusto kitang tulungan pero alam mong malakas si Tito. Hindi ko kaya siya." malungkot na sabi niya.
"Naiintindihan ko, madumi siya maglaro! Kontrolodo niya ang mga tao!" sabi ko pa habang pinunasan ang luha.
Kailangan kong lumayo. Dahil alam kong hindi niya ako tatantanan hanggang hindi niya ako nakukuha.
"K-kailangan kong makaalis Sapp. Kailangan kong makatakas sa kaniya." natatakit kong sambit.
Tila nag-isip naman siya.
"Girl, hindi kita matutulungan sa pagpapakulong kay Tito. Pero matutulungan kita magtago hanggang't nag-iisip ka ng paraan." sabi niya pa na ikinagulo ng isip ko.
"Sa beach house. May beach house ang pamilya ni Papa sa Batangas. Hindi iyon alam ni tito, for sure ligtas ka don." sabi niya.
"Mag-isip tayo kung paano natin siya mapapakulong. Paano tayo makakakuha ng matibay na ebidensiya." dagdag niya
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Sa wakas ay hindi ko na iisipin ang titirahan ko pansamantala.
"Salamat girl!" niyakap ko lang siya bilang pasasalamat.
"Ipapadala kita kay Manong doon. Alam niya iyon kaya mag-ingat ka! Tawagan mo ko kaagad kapag nakarating kayo. Ingat!" sabi niya at niyakap ako.
Pumasok ako sa kotse nila para magpahatis kay Manong.
"Manong kayo na ang bahala sa pinsan ko ah? Huwag niyo siyang pababayaan kahit na anong mangyari." sabi niya pa at ngumiti.
Ngumiti lang si Manong sa kaniya bago pumasok sa loob. Nagsimula na siyang mag-drive. Nakamasid lang ako sa labas ng bintana. Natatakot ako.
I know him, hindi siya basta-basta lang. Makapangyarihan siya kaya sigurado akong mahihirapan akong ipakulong at paniwalain sila.
Nang makalayo-layo kami, nabunutan naman ng tinik ang aking dibdib. Pansamantala akong kumalma. Pero imbes na lumiko kami nagulatako ng dumiretso si Manong.
"Manong? Hindi ba sa Batangas tayo? Bakit ka dumiretso?" takang tanong ko.
"Ma'am napansin ko po kasi na kanina pa nakasunod ang itim na sasakyan na yan sa atin mula sa Village pa. " sabi niya na ikinalingon ko naman. Laking gulat ko na lang ng makita ang isang kotse. Iyon ang kotse ng tauhan ni Gov! Nakita ko ang tatak niyon sa harapan ng kotse niya. May sticker doon na parang ahas na dragon. Hindi ko alam kung anong logo iyan pero karamihan sa mga tauhan ni Gov ganiyan ang logo sa sasakyan!
"M-manong pakibilisan! K-kilala ko sila! Sila ang humahabol sa akin!" sabi ko habang natatarantang tumingin sa likod.
"Ako po ang bahal Ma'am. Ililigaw ko po sila," sabi niya at huminto. Naka-red ang stop light. Maraming sasakyan ang andito.
Hindi ko alam kung paano niya nalusutan ang kotseng sumusunod sa amin kanina. Nagulat na lang ako na wala na ang kotseng iyon sa likod namin.
"Hay! Salamat!" nakahinga ako ng maluwag pero may takot pa rin ako na baka masundan kami ng tauhan ni Gov.
Ilang oras ang lumipas. Nakarating kami sa beach house nina Sapphire. Nagpaalam na rin si Manong after niyang kumain ng tanghalian dito. Bumili kami ng bagong phone ko kanina nang mapadaan kami sa mall ng Batangas.
"Ma'am Meghan, ito po ang kwarto niyo." masayang sabi ng isang mayordoma dito. May tatlo silang yaya dito na nag-aalaga sa bahay na ito.
Pumasok naman ako. Maaliwalas ang kwarto. After kong makapag-ayos ng sarili, binuksan ko ang bago kong phone. Kailangan kong blitaan si Sapphire.
"Girl! Kamusta?" sabi niya sa kabilang linya.
"Muntik na kaming mahabol girl, mabuti na lang at nakita ni Manong kaya natakasan namin." sabi ko sa kaniya.
"Don't worry, dadalaw rin ako minsan diyan. Kailngan ko kasing ayusin ang requirements ko sa company eh." paliwanag niya.
"It's okay girl. Maraming salamat." sabi ko at ngumiti.
Kailangan ko rin magpahinga. Kailangan ma-refresh ang utak ko para makapag-isip ako ng paraan kung paano siya ikukulong!