MEGHAN's POV Maagang umalis si Lucas, naiwan akong maraming pasa. Kagaya ng nakasanayan, lasing siya at binaboy na naman ako. Hindi ko na kaya ang lahat ng pananakit niya, hindi ko na kayang tumira pa sa bahay na to! Tutal nakakuha na ako ng evidence. Sapat na yon. Dahil alam kong mapapanalo ko ito kung patong-patong ang kaso niya. Kagabi pa ako nakapag-impake ng gamit ko. Konting damit lang naman ito. Kinausap ko na rin si Manang para hindi ako mahalata. "Ma'am Meghan, akin na po ang mga gamit niyo. Ipapasok ko na sa plastic garbage. Para maidala ko na sa lahat at kayo na pong bahala," sabi niya. "Maraming salamat manang, maraming salamat!" Niyakap ko si Manang bago ngumiti. Inilagay naman niya ang mga gamit ko sa loob ng plastic at binitbit palabas. Mahahalata ako ni Jani at ng

