MEGHAN's POV "WHEREFORE, accused Lucas Lewis is hereby found guilty beyond reasonable doubt of the offense of rape in relation to RA 7610 and hereby sentences him to a penalty of reclusion perpetua without eligibility of parole." Napatayo ako sa sobrang tuwa. Sa wakas! Halos tumulo ang luha ko. Hindi ako makapaniwala na natupad na ang hiling ko. Pero agad namang binawi ang tuwang iyon ng may tumutok ng baril sa akin. At doon ako napalingon na halos lahat ng nandito at nakatitok ang baril sa mga tao. Napalingon ako kay Lucas na tumayo habang nakangisi. Pumunta siya sa harap ko at pumantay sa akin. Masama ko siyang tinitigan. "Magaling baby girl," nakangising sambit niya sakin. "Anong kagaguhan na naman to Lucas?!" galit na singhal ko sa kaniya. "Walang hiya ka talaga!" akmang susugu

