MEGHAN's POV "Ah mauna na ko," paalam ko sa kanila. "Aalis ka na agad?" tanong ni Celine. "Oo nga dito ka muna Meghan!" Napatingin ako kay Sapphire na tumayo rin. "She is pregnant. Kailangan niyang magpahinga guys," sabi pa niya. "Oo nga pala, sige ingat ka Megs!" "Hoy saan ka pupunta?" tanong ko nang makitang sumusunod siya. "Malamang ihahatid ka," sabi niya pa. "Gaga ka, si Jeremt iiwanan mo?" tanong ko. "Hayaan mo siya! Huwag ka nang maarte," sabi niya at lumakad na palayo. Hindi na ako nagpaalam kay Gov, mamaya ko na siya itetext. Paliko na kami ng may mabangga ako, medyo madilim na rin kasi sa parking lot eh. Pero may mga ilaw naman. Plus may dala pa ang nakabangga ko. Tinulungan ko naman siya, pero natigil ako ng maamoy ko ang pabango niya. Dahan-dahan akong lumingon s

