Clarabelle's point of view Ayokong iwan Arnel pero nakikita ko palang si Salazar ay nanginginig na ang aking mga tuhod. "Sige na Love, mamaya susunod na din kami ni Daddy." Bulong niya at sinamahan niya na ako sa loob ng sasakyan. Pagkatapos kaming naghalikan ay bumaba na siya at kitang-kita ko pa ang malademonyong ngiti ni Salazar. "Mommy." Sambit ko na yumakap kay Mommy Rocky ng mahigpit. "I feel something bad gonna happen. May maliit ba kayong baril diyan?" Tanong ni Mommy kina Kuya kaya mas lalong natakot ako. "Mayroon po Ma'am." Sagot ni Kuya at agad na inabot ito. Inilagay ni Mommy sa kanyang paanan at hindi pa kami nakalalayo ay may humarang na sa amin na armadong kalalakihan. "Mommy, Daddy Inay!" Naiiyak na sambit ko. Nanginig na ako ng pinaputukan nila ang sasakyan at sinas

