Gob's point of view continues Past to present Lumaki ang aking anak na sinusunod ko lahat ang kanyang gusto para makabawi man lang ako sa mga pagkukulang ko sa kanya. Nang hiniling niya na sa kwarto niya matutulog ang anak ni Solly ay pumayag ako na may kondisyon pero matalino at makulit ang aking anak kaya wala ding nangyari sa aking kondisyon. Minsa hating gabi ay sumilip ako sa kanyang kwarto, nasa sahig si Arnel natutulog. Sa ikalawang gabi ay nasa kama na siya ng anak ko at ang paa ng malikot kong anak ay nasa mukha ni Arnel. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila at inalis ko ang kayang paa sa mukha ni Arnel at lumabas na din ako agad. Kada hating gabi ay bumabangon ako para tignan sila. Para silang magkapatid na kung magturingan. Napangiti akong naisip si Solly. Noon ko pa siy

