Arnel's point of view Mas lalong nagiging pilya si Senyorita minsan tinatanong ng mga ka team ko kung hindi ba nag seselos sa akin si Kenny dahil kami ni Senyorita ang magkahawak kamay at si Kenny ang naka akbay naman sa kanya. Hindi lang nila alam na mas malala pa ang ginagawa ni Senyorita kung matutulog na kami. Habang pumipila ako ay naramdaman ko na sobrang dikit si Mara sa akin. Mabuti nalang at lalaki ang aking nasa harapan kaya mas dumikit ako sa kanya. Napahinga ako ng malalim dahil nagtutulakan sila sa aking likuran. Napalingon ako sa kanila at nagbubungisngisan. Dumating si Senyorita at sumingit siya sa aking harapan. Umatras naman ako para makasingit siya. Yumakap siya agad sa akin, gutom na talaga siguro ito dahil sinundan pa niya ako. Nasanay na ako na yumayakap siya at a

