Chapter 26 Truth "Ano bang sasabihin mo?" Mukhang nauubusan na ng pasensiya si Arah. Hinaplos ni Matteo ang kamay nito para pakalmahin ito. Iniwas ko agad ang tingin ko doon. "Gu-gusto ko lang sabihin na pwede naman kayong tumira sa penthouse. Aalis na rin kasi ako don, mag-isa si Auntie." Tiningnan ako ni Matteo. "Angel." May diin na wika ni Kenneth. "A-at hindi ko naman pagbabawalan si Ai-Matteo sa bata." Nakangiting wika ko habang napupuno na ng luha ang mata ko. "Magkakaroon din kami ng sariling anak soon." Masungit na wika ni Arah. "At tiyaka kung makapagsalita ka naman akala mo may attachment na nangyari sa inyo ni Aiden, pinagkasundo nga lang naman kayo diba?" Dagdag pa nito. Dahan-dahan akong tumango. "Iyon lang ang gusto kong sabihin." Tatayo na sana ako pero may sinabi

