Nagsimula ang lahat sa dalawang makapangyarihang dragon sa kapanahunan ng unang pagsibol ng mundo. Sina Rione na isang "life dragon spirit" at Jirul na "death dragon spirit". Kapangyarihan ng apoy, gabi at lupa ang angkin ni Rione. Habang hangin, tubig at kidlat ang nasa kamay ni Jirul. Matalik na magkaibigan ang dalawang summon dragon spirit na ito. Si Rione ang lumikha ng araw, bituin, buwan at lupain. Sa pagihip naman ni Jirul nagkaroon ng hangin ang buong paligid, sinimulan niya ang pagkakaroon ng tubig sanhi nang pag-usbong ng mga tanim na kay ganda at sa kidlat na tuwing lumalabas kapag masama ang panahon ay nagkakaroon ng liwanag ang kalangitan. Kinalaunan ay nagkaroon ng buhay ang kanilang bagong mundo. Nagsimula narin sila sa paglikha ng ibang bagay gaya ng tanim at hayop. Masaya ang dalawa at may kakayahan silang mag-anyong tao.
Habang nakahiga sila sa damuhan at nakatitig sa magagandang bituin sa kalangitan ay napagtanto nila na masaya kung marami sila. "Bumuo tayo ng kaharian." Saad ni Rione.
Pangiting tugon ni Jirul sa kaniya. "At ako ang magiging Hari."
Umupo naman nang tuwid si Rione at nagsalita. "Dalawa tayo ang mamumuno."
"Hindi! Ako lang ang magiging Hari." Sabay tulak ni Jirul nang kay lakas sa kaniya.
Sa galit ni Rione ay napa-sigaw ito. "Ang sakim mo Jirul!"
Dahan-dahang tumayo si Jirul at bumuo ng bulang hangin na may kidlat sa mga kamay nito. "Sakim? Matagal na Rione!" At sumugod na sa kaibigan nito.
Nag-anyong dragon ang dalawa at nagkaroon nang sigalot sa mundong binuo nila. Sa paglipad ng apoy, lupa, kidlat at tubig sa kapaligiran ay hindi na pansin nina Rione at Jirul na iyon pala ang dahilan ng pagsilang ng mga taong hindi nila inakala. Ang umaapoy na lupa na inihipan ng hangin kasabay ang pagkakaroon ng tubig nito at natamaan ng kidlat ay naging mga tao.
"Sinusumpa kita Jirul!" Sigaw ni Rione habang lumalapit ito sa mga nagsisigawang tao na pinuprotektahan niya.
Hindi mabilang ang mga nagkukumpulang lupang naging tao na epekto ng kanilang sigalot.
"Simula sa araw na ito! Magkakalaban na ang ating kaharian! Lulupigin ng Ephrione kayo na walang kwenta!" At agad na nawala sina Jirul at ang mga taong nalikha niya.
"Hinding-hindi kami magpapatalo sa iyo Jirul! Ang kapangyarihan ng Sahathra ang maging dahilan nang pagkatalo niyo!" Huling sigaw ni Rione bago mawala ang matalik niyang kaibigan na ngayon ay kalaban niya. Sa pag-anyong tao ni Rione ay nagpakita siya sa mga Sahaths. "Dito natin isisilang ang kaharian ng Sahathra na siyang tatapos sa kasamaan ni Jirul!"
Pagkadating nina Jirul sa timog lupain ng mundo ay siya namang pagtatag ng kanilang kaharian. "Walang makakatalo sa mga Ephians! Lalaban tayo at sasakupin natin ang kaharian ng Sahathra! Mananalo tayo Ephrione!"
At sabay na sinambit nina Rione at Jirul sa kani-kanilang kaharian.
"ZulOmSatMej ZulAejLokHol JalSatBei DujHolAejMejSat! Sahathra!"
"ZulOmSatMej ZulAejLokHol JalSatBei DujHolAejMejSat! Ephrione!"
Na ang ibig sabihin ay: Long live and reign! Sahathra!
Long live and reign! Ephrione!
"Let the summon of life and death dragon spirits be with you as you enter the world of magic, spells, secrets and love."
ZopJalNaiHol GacJalDulHol
Take Care