continuation part9
"ikaw"
Habang may kausap si marc sa phone tumingin tingin si michelle sa view na nakikita nya mula sa tinatayuan .Naisip nya na ang ganda pala talaga sa probinsya fresh ang hangin at ang gaan sa pakiramdam habang nandito sa ilalim ng malaking puno. Nagulat sya ng biglang nagsalita si marc sa tabi nya.
Marc: anong iiniisip mo? parang ang lalim ah?
Mich: wala hehe
Marc: ang tagal naman nila.
Mich: sino ba kasi e meet mo dito?
Marc: ang may -ari ng lupa na yan oh.( sabay turo sa malawak na lupain)
Mich: bakit? magpatayo ka ng mall dyan hehe?
Marc: hahaha di naman.
Mich: Ang ganda ng puno oh . ano ba yan?
Marc: tingnan mo.
Pinuntahan niya ang puno at tiningnan habang pinagmasdan lang siya ni marc na tuwang tuwa sa nakikita.
Mich: omg! ?ito pala ang puno ng avocado?
Marc: haha ngayon ka lang ba nakakita nyan?
Mich: ang puno ngayon lang sa picture ko lng nakikita ito ?
Marc: Marami pa nyan sa loob. Halos lahat dito banda yata mga prutas ang tanim.
Mich: di naman tayo makapasok dyan haha.
Marc: mamaya pagdumating ang may -ari papasok tayo.
Mich: ano ba kailangan mo sa kanila?
Marc: ah basta.
Makalipas ang 15mins dumating ang may -ari ng lupa. Bumaba ng sasakyan ang isang matandang lalaki at isang babae parang anak ng matanda.
Marc: magandang araw po!☺
Mich: magandang araw po! ☺
may-ari: magandang araw din. kanina pa
ba kayo?
Marc: ah di naman masyado.
May-ari: tara sa loob .
Pumasok sila sa loob at umupo sa upuan sa ilalim ng puno . habang nag -uusap sila ni marc at ang may ari si mich tiningnan ang mga puno na nasa paligid . nagagandahan talaga siya sa mga nakikita
Mich: ang ganda naman dito sana dito na ako titira hehe ( sa isip nya)
makalipas ang halos isang oras natapos din ang pag -uusap nila marc at ang may -ari. Nakita ni mich na may papel na inabot ang may-ari kay marc at nakipagkamayan
Marc: sige po maraming salamat ☺
May-ari: ok maraming salamat din.
tatawagan ko nalang kayo kapag
ok na ang lahat. mga isang linggo
siguro.
Marc: ok po walang problema. maraming salamat ulit. aalis na po kami.
hinanap ni marc si mich.
May-ari: nasaan na ang kasama mo ?☺
Marc: oo nga nasaan na ba yon?
May-ari: ayon pala siya oh. gustong gusto
nya yata dito☺
Marc: haha oo nga eh kanina pa nga gustong pumasok.
pinuntahan niya si mich na nakatayo malapit sa bangin habang tinitingnan ang malawak n lupain .Tumayo siya sa likuran ni mich at humawak sa bewang nito kaya nagulat siya..
Marc: ang ganda di ba?☺
Mich: uyyy! ? ( inalis ang kamay ni marc) panira ka talaga!?
Marc: haha kanina pa kita hinahanap
nandito ka lang pala.
Mich: tapos na ba kayo mag usap?
Marc: oo kanina pa.
Mich: ganda naman dito.
Marc: gusto mo bang tumira dito?
Mich: haha gustuhin ko man pero impossible
Marc: malay mo?
Mich: tara na uwi
Marc: halika na.
Nakangiti ang may -ari sa kanilang dalawa.
Marc: aalis na po kami? ( sabay kaway)
Mich: bye po☺
May-ari: ok mag ingat kayo.
bago sila sumakay pinasuot ni marc ang jacket niya kay mich dahil sobrang init na .
Marc: suot mo ito.
Mich: wag na ( nahiya)
Marc: suotin mo to ang init na .
Mich: ok lang. wag na( umiiwas)
Marc:sige di tayo aalis pag di mo sinuot?
Mich: hay naku!.
Marc: isuot mo o ayaw mong umalis dito??
Mich: akin na nga!
Natatawa si marc sa mukha niya.
Marc: ako na tulungan kita haha?
Mich: wag na ako na!
Marc: ok sige ikaw na. bilisan mo.
Mich: teka paano ba to? saan ba ang bukas nito?
Marc: akin na nga! taas mo kamay mo.
Mich: parang bata lang ?
Marc: haha buti alam mo.
Mich: ako na! sa isa alam ko na.
Marc: ok sige na
Sumakay si marc sa motor at hinintay siyang sumakay na din
Marc: halika na.
Mich: ito na nga oh
sumakay sya sa motor at kinuha ni marc ang kamay nya para humawak sa kanya.
mich: haist!!uuwi na ba tayo?
Marc:reklamo pa eh!!? gusto mo mag ikot muna tayo?
Mich: ha? wag na uwi na tayo.
Marc: sure ka?
Mich: sure na sige na
Marc: ok sige.. humawak ka at aalis na tayo.
doble ang saya na naramdaman nya dahil kasama nya si michelle kaya masayang masaya siya ng mga oras yon
Marc: mich, gusto mo bang kumain muna bago tayo umuwi?
Mich: hwag na deretso na tayo.
Marc: baka gutom ka na?
Mich: di pa naman.
Marc: ok sige ikaw bahala. baka nahiya
ka lang haha
Mich: kanino ako mahiya? sayo??
Marc: kanino pa nga ba??
Mich: di ako nahihiya sayo noh! bakit
naman ako mahihiya?.
Marc: oo nga naman bakit ka nga naman
mahihiya eh sabi ni lolo nobya daw
kita haha
Mich: siraulo ka kasi!
nakatingin sya kay mich sa salamin ng motor na nakangiti..
Mich: pasalamat ka at nandito tayo nakasakay sa motor.!
Marc: alam ko kaya nga gusto kita asarin kasi di ka makapangurot haha.
Mich: sige mamaya ka lang.
naramadaman ni marc na parang lumuwag ang pagkahawak niya sa kanya kaya medyo binilisan nya ito at nagulat si mich kaya napahigpit ang paghawak nya.
Mich: ikaw umayos ka nga!
Marc: bakit? ano ba ginawa ko??
Mich: hay naku marc!
Marc: alam mo ang cute mo pag nakasimamgot ka ???
Mich: matagal ko ng alam yan haha
Marc: wow! pahumble naman konti haha
Mich: haha baliw
Marc: anong oras kayo natulog kagabi?
Mich: di ko alam.
Marc: lagi naman eh.?
Mich: nagtanong ka pa?
Marc: baka sakali alam mo?
Mich: malapit na pala tayo .naalala ko nadaan natin to kanina ang malaking bato.
Marc: malapit na nga.
wala ka bang bibilhin deretso muna tayo ng bayan sandali kung may bibilhin ka
Mich: wala .
Marc: sure ka? .
Huminto muna si marc sandali para siguraduhin na wala na siyang bibilhin.
Marc: ano? wala ba talaga?
Mich: wala promise!
May dumaan ng delivery pizza hut kaya napatingin si mich.
Mich: may nagdedeliver din pala nyan dito?
Marc: meron pero limited lang depende sa lugar mo.
Mich: ah ganun ba. miss ko na ang pizza ?joke.
Marc: oh ano tara na.
Mich: sige tara na.
dumeretso si marc sa bayan kaya nagtaka si mich bakit siya dumeretso wala na nga silang bibilhin.
Mich: akala ko ba uuwi na tayo?
Marc: di ba sabi mo gusto mo pizza?
Mich: sinabi ko ba??
Marc: narinig ko eh binulong mo kaya sa akin haha
Mich: uy!hindi ah!
Marc: haha narinig ko eh.
Mich: wala naman akong pera???
Marc: haha sabay ganun. wag ka mag alala dahil sinamahan mo ako libre kita haha?
Mich: weeh, sinamahan ba kita o hinila mo lang ako?
Marc: pareho lang din yon.?
Mich: nagutom tuloy ako??
Marc: malapit na tayo.
Mich: wala tayong helmet mamaya mahuli tayo dito.
Marc: wala naman nanghuhuli ngayon.
Mich: pasaway lang? .
Marc: nandito na tayo.
Mich: sandali baba muna ako.
Marc: mauna ka sa loob ang init dito.
Mich: sige.
Pumasok si mich sa loob at tinanggal ang jacket dahil sobrang init
Marc: pili ka na dyan kung saan ang gusto mo.
Mich: teka take out nalang natin para makakain sila ate.
Natuwa si marc dahil di niya nakakalimutan ang mga kaibigan
Marc: ok sige ikaw ang bahala. kasi akala ko kakain ka muna tas take out nalang natin sila.
Mich: di ka naman kakain eh kaya doon nalang.
Marc:kung kakain ako kakain ba tayo dito.
Nahiya si mich kaya sinabi nya nalang na doon na sa bahay.
Mich: sige doon nalang sa bahay hehe
Marc: sabi ko na nga ba eh!
Mich: sige na ito na oh.
Marc: saan ba dyan.?
mich :itong hawaian ikaw saan ba gusto mo?
Marc: kahit ano! makakain naman lahat
yan.
Mich: haha baliw?
Marc: sige na nga ako na bahala dito umupo ka muna doon at baka mapagkamalan ka na nobya ko haha
Inaasar na naman nya si mich kaya walang nagawa ang dalaga umupo nalang dahil maraming tao nahiya naman sya na patulan ang pang aasar ni marc.
Mich: hay!baliw talaga.
Marc: haha??
Si marc ang nag order at nagulat siya ng makita ang cashier na si dominic ang kaibigan ni sofia.
Dominic: kuya marc nandito ka pala?
Marc: oo . dito ka ba nagtatrabaho?
Dominic: opo kuya for experience hehe
Marc: ah ok yan ah.
Dominic: mag oorder ka kuya?
Marc: sana nakapila ako eh haha
Dominic: haha kuya. kakain ka ba dito?
Marc: take out lang.
Dominic: sige kuya order ka lang libre kita?
Marc: wow! salamat pero wag na sa susunod mo na ako e libre? , marami kasi ako oorderin .
Dominic: ok sigehehe.. marami pala dapat ipadeliver nalang kuya.
Marc: pwede ba? kunsabagay malapit lang din naman.
Dominic: ok sige paki sabi nalang ng order
mo kuya.
Marc: itong lahat na . family lahat
Dominic: lahat na ito?
Marc: oo diko alam kung ano gusto nila eh pero ito ang hawaian gawin mong tatlo .
Dominic : ok kuya.ang address pakisulat muna dito kuya hehe
Marc: ok sige
pagkatapos niyang mag order pumunta sya kay mich .
Marc: ano gutom ka na ba?
Mich: di pa naman makakaya pa naman hehe
Marc: uuwi na muna tayo ipinadeliver ko
nalang para makakain ka na muna
ayaw mo naman kasi kumain dito.
Mich: ok sige.. buti nga yon di na ako
mahirapan maghawak mamaya
Marc: kaya nga .sige na tara na.
Tumayo si mich at kumaway si marc kay dominic na aalis na sila at nakangiti lang siya.
Mich: kilala mo ba yon?
Marc: kaibigan ni sofia.
Mich: ah ok.
Marc: halika na my luvz!???
mich: marcc! kanina ka pa! ?
Marc: haha ok sige sige hindi na .. halika
ka na. ?
Mich: nakakainis ka!
Marc: haha sige na halika na wag ka na
magalit..
Tumawa ang guard sa kanilang dalawa.
Marc: halika na tinatawanan ka ng guard oh?
Sumakay si mich pero kinurot muna siya nito
Marc: arayy!??
Mich: tumigil ka na kasi!
Marc: sige na titigil na ako humawak
ka aalis na tayo.
Mich: kainis ka.
Marc: mag smile ka na ang cute mo pa naman haha.
Mich: baliw.
Marc: ayan ngumiti na sya??
Habang pauwi na sila si mich nakatingin sa plaza .
Mich: ang daming tao ah
Marc: malapit na kasi fiesta kaya maraming tao.
Mich: ah kaya pala
Marc: mamaya punta tayo doon gusto mo?
Mich: sige yayain natin sila ate.
Marc: tayo lang dalawa??
Mich: haha di na mauubos dugo ko
sayo!
Marc: haha. grabe ka.
ilang minuto lang nakarating na agad sila sa bahay nila mayet
Mich: hay salamat nandito na tayo.
Marc: bumaba ka na .
Bumaba si mich at dumretso pasok ng bahay at suot pa rin ang jacket ni marc. kaya tinukso nanaman siya nila cora na nasa kwarto.
lily: beh, saan kayo nagpunta?
Cora: suot pa ang jacket ni marc ayeeeh?
Mich: haha ate talaga. pumunta kami sa bahay ng lola nila tas may pinuntahan si
marc di ko alam kung ano pinag usapan nila.
Mayet: beh kumain na kayo ni marc.
Mich maligo muna ako teh.
Mayet: ok sige.
Lumabas si mayet at pinuntahan si marc. Kausap nya si trixie na nakasimangot kanina pa.
Mayet: marc , kumain na kayo ni mich.
Marc: saan na ba siya te?
Mayet: nandoon naliligo.
Marc: ah ok hintayin ko nalang siya.
Mayet: ok sige.
Umalis si mayet at nag usap ulit sila ni trixie
Trixie: ang daya mo naman sabi mo kanina sasama ka sa amin.
Marc: sorry ha may pinuntahan lang kasi
ako.
Trixie: ok lang mamaya ka nalang
sumama .
Marc: ok sige . mamaya.
Nakalimutan ni marc na pupunta pala sila ni mich mamaya sa plaza .
Trixie : sure ha .
Marc: ok sige sure.
Pagkatapos ni mich maligo pumunta sya sa kinakainan nila at kumain. kaya pumunta na din si marc at sumunod si trixie
Mich: marc kain na tayo!
Marc: kuhaan mo ako pagkain.
Mich: ikaw na may kamay ka naman?
Marc: haha ganun sge na nga.
si trixie kinuhaan si marc ng plato at inabot sa kanya .
Marc: thanks trix?
Trixie: youre welcome☺
napatingin nalang si mich sa kanilang dalawa.
Marc: trix pakiabot nga ng kutsara.
Trixie: ok.
Marc: salamat ulit.
Trixie: kuha kita kanin gusto mo?
Marc: haha ok yon ah. sige ba .
Mich: tamad kumuha?
Marc: di ah ?
Habang nag uusap si trixie at marc tahimik lang si mich na kumakain at nakikinig lang sa kanila.
Trixie: akala ko gf mo siya ( si mich)
Marc: haha ito! ( tinuro si mich) di ah
di ko yan gf noh. ??
Trixie: haha oo nga
di pa rin nagsalita si michelle pero nakangiti lang siya at di nya maintindihan bakit parang may tumusok sa puso niya nung sinabi ni marc na hindi siya gf nito At talagang hindi naman talaga sya gf ni marc. . pero bakit parang nasaktan siya.
mich: nakakaloka( sa isip nya)
Marc: paano ko maging gf yan di naman
ako nanliligaw sa kanya hehe( inaasar si mich)
Trixie: ganun hahaha
tuwang tuwa naman si trixie sa sinasabi ni marc.
Mich: hay naku marc
Marc: haha?
Trixie: wala ka palang gf marc?
Marc: wala
Trixie: ah kaya pala.
tumayo na si michelle dahil tapos na siya at konti lang kinain dahil nawalan sya ng gana.
Marc: tapos ka na ba?
Di sumagot si mich at nilagay lang ang plato sa lababo at umalis.
Trixie: baka busog na.
Marc: sguro nga.
Pumasok si michelle sa kwarto at humiga ng kama. Naiinis sya sa sarili nya . Bakit apektado sya sa sinabi ni marc. Hanggang sa nakatulog siya
makalipas ang isang oras nagising sya sa ingay sa labas.
Mayet: beh, gising ka na pala. lumabas
ka na dyan nandoon na ang pizza mo
Mich: mamaya na te inaantok pa ako.
Mayet: ok sige.
Lumabas si mayet at pumunta sa kanila lily nandoon silang lahat nagkukwentuhan na kumakain ng pizza maliban kay mich.
Lily: saan si mich gurl?
mayet: nasa loob pa inaantok pa daw.
Maya maya lumabas na din si mich at tinawag siya ni mayet.
mayet: beh halika dito nandito kami.
Lumapit si mich sa kanila na namumula pa ang mata dahil kagigising lang.
Lily: beh, para kang lasing ang pula ng
mata mo ?
Cora: haba ng tulog beh may pinagdaanan?
Mich: ate cora haha grabe ka!
Mayet: beh tumawag nanaman ang cedric.
Narinig ni marc at napalingon siya habang kausap sila trixie.
Mich: wag mo na lang sagutin te.
Marc: bf mo tumatawag daw!
Lily: hahaha . beh kinausap nga namin bf
mo daw siya.
Mich: hay naku bahala siya. wala akong
panahon sa mga trip nya.
Marc: grabe ka . denedeny mo ang bf mo?
mich: hay ewan ko sayo .
Mayet: beh kasi alam na alam nya tungkol
sayo.
Mich: hayaan mo nalang teh.
Marc: ang sama mo bf mo di mo
kinakausap??
Naasar si mich kaya umalis nalang sya wala syang gana makipag asaran.
Marc: haha umalis na?
Mayet: nagalit yata.?
Lily: hala! napikon yata si mich.?
Cora : bagong gising kasi inaasar nyo agad haha
Janice: haha lagot.
Pinuntahan ni mayet si mich sa loob ng kwarto na nakatalukbong ng kumot.
Mayet: beh, nagalit ka ba?hehe
Mich: hindi ate ah. inaantok pa talaga ako kaya wala akong gana makipag asaran hehe.
Mayet: haha akala ko nagalit ka.
Mich: hindi ah sorry! hehe
Mayet: tara sa labas mamaya ka na matulog ulit.
Mich: sige te susunod ako.
Lumabas si mayet at umupo ng sala naiwan ang cp sa kanila lily.
lumabas na din si mich at maganda na ang mood kaya nakipag asaran na sa kanila. Maya maya lumapit si mayet sa kanila.
Mayet: beh , ang dami nanaman nyang missed call
Marc: kausapin mo na kasi bf mo maawa
ka naman haha
Mich: ikaw kumausap kung gusto mo.
Marc: bakit ko naman kausapin ??
Mayet: beh ito oh tumatawag na haha
Mich: sige te kausapin mo na naka loudspeaker.
Mayet: sige pakinggan mo ha.
Pinakinggan nilang lahat ang lalaki na kausap ni mayet.
Mayet: hello
Lalaki: pwede ba makausap si mich?
Mayet: bakit anong kailangan mo sa kanya?
lalaki: na miss ko na kasi siya , sinabi mo ba na bf nya ako
Habang nakikinig sila . nakatingin sila kay mich samantalang si mich parang tatawa na di malaman ang gagawin dahil nabosesan nya ang lalaki na kausap ni mayet.
Marc: uyy! kausapin mo na ang bf mo
bumulong si mich kay lily
mich: si kuya mike yan( bulong niyo)
Lily: ha? hahaha.
Nagtataka sila marc kung bakit tumawa si lily.
Mich: ate akin na kausapin ko na nga ang bf ko haist!
Marc: kakausapin din pala eh aayaw ayaw pa!
naiinis na din si marc dahil akala nya bf ni mich ang kausap nila
tawa ng tawa si lily sa mukha ni marc
Mich: hello bf musta kana? hehe
Mayet: haha may ganun?.
Lalaki: musta ka na bhe na miss kita.
Marc: wow!? bhe haha.
nakikinig at sumisingit si marc sa usapan nila kaya lalong natatawa ang kausap na lalaki
Lalaki: sino yon bhe?
Mich: ah wala wag mong pansinin yon?
Lalaki: imiss you!
Mich: i miss you so much . i love you hehe
Sumimangot ang mukha ni marc sa narinig dahil paniwalang paniwala talaga sya sa lalaki na bf ito ni mich
Mayet: beh, mag usap nalang kayo off mo na ang speaker haha.
lalaki: i miss you too bhe.
Si lily binulungan si mayet na si kuya mike ni mich ang kausap nila
Mayet: ha?? totoo?haha
lily: nakilala ni mich boses nya haha.
gusto na ibuking ni mich ang kuya nya kaya pinaringgan nya ito.
Mich: ito pala ang resulta ng di pa naka
move on haha
Lalaki: anong sinasabi mo bhe?
Mich: alam mo lumabas ka at makipagbonding sa mga friend mo
Lalaki :hahaha
Mich: alam mo kuya kahit maging boses babae ka pa makikilala pa rin kita haha
Tumawa nalang bigla si marc at di makapaniwala na kuya nya pala ito .
Marc: kuya ba nya ang kausap niya ate?
Lily: oo , nabosesan nya haha
Mayet: loko loko talaga yan si mike?
Marc: akala ko totoo na haist!?
Lily: hahha.
kausap pa rin ni mich ang kuya nya.
Mich: kuya anong nakain mo at nagpanggap ka na bf ko?
Kuya: para naman maramdaman mo
magkaroon ng bf haha feel mo
naman? haha
Tumawa si marc sa sinabi ng kuya nya.
Mich: hay naku kuya di bale na walang bf
kaysa maging kagaya sayo di pa
naka move on haha masakit pa ba ?
huhu.
Kuya: baby girl uwi ka na dito namiss ka
na namin.
Mich: sabihin mo kay mama kuya!
Kuya: punta nalang kaya ako dyan?
Mich: sige kuya punta ka dito dalhin mo
cp ko .
inoff ni mich ang speaker at kinausap ang kuya nya pumasok siya ng kwarto para kausapin ito dahil miss na miss na nya ito
Hanggang sa di nya maintindihan ang sarili bigla nalang syang napaluha habang kausap ang kuya nya na parabamg gusto nyang magsumbong .
Matagal ang pag -uusap nila at marami syang naikwento sa kuya nya. Pagkatapos nila mag usap pumunta sya kay mayet at binigay ang cp nito...
Oooooooooopppppsssss ?!
ITUTULOY ...