ikaw 57

2581 Words
continuation part31 "ikaw" lalaki: hi! miss ako pala si kenneth.? Napatingin sila mayet at mich sa lalaki. Mayet: oh ken nandito ka pala? Ken: opo teh hehe. Mayet: ah kaibigan ko pala sila.. Nakipagkamay si ken kay mich pero di nya pinansin ito at patuloy lang sa pagkain nya Mayet: beh pinsan ko pala si kenneth. Mich: hi? Ken: akala ko di nagsasalita eh hehe, Ako pala si kenneth..ikaw ?? Nakangiti lang sila mayet at mga kasama lalong lalo na si greg sa ginagawa ng pinsan Mich: ah michelle? Nakipagkamay si ken sa kanya pero tinanggihan nya. Mich: sorry may dumi ang kamay ko? Ken: ok ? Lily: sa amin ayaw mo makipagkamay at makipagkilala???? Mayet: haha gurl. Kenneth: gusto naman hehe? Nakipagkilala din sya sa kaibigan nila mayet greg at menchu Greg: insan ganun talaga mga kaibigan ni ate mga palabiro ? Cora: ikaw talaga gurl di makapaghintay haha Mayet: kumain na nga lang kayo mamaya na yan ... kumain ka na din ken. Ken: ok ate dito nalang ako sa tabi nyo ? Mayet: ok sige dito ka .. umusog ng konti si mich para makaupo sa tabi ni mayet ang pinsan nila. Ken: salamat ate.. Greg: kailan ka pala dumating insan di ba sa maynila ka na nakatira. Ken: nakatira talaga? haha di naman insan. .. kahapon lang ako dumating pumunta ako dito kasi sabi ni tito nandito daw kayo. Greg: pupunta pa sana kami sa inyo ngayon. Ken: sige ba.. sasamahan ko kayo kung gusto nyo. Mayet: mamayang tanghali na.. Greg: ok sige.. Habang kumakain sila panay ang tingin ni ken kay michelle na para bang may gustong itanong. ken: ate ilan taon na ba yan siya( mich) Mayet: sino? Ken: ayan sa tabi mo ( bumulong) Mayet: ikaw talaga haha.. eh di tanungin mo sya.. parang walang pakialam si mich sa kanila dahil na rin sa antok at kumaikain pa sya nagulat nalang sya ng biglang nagtanong si ken sa kanya. Ken: chelle ilang taon kana? Napatingin lang ang mga kasamahan sa kanilang dalawa. Mayet: beh ilan taon ka na daw ?? Mich: ha? ako pala yon hehe. Cora: antok lang yan beh haha Ken: wala palang tulog ? pero di halata . Mayet: hahaha Napansin nila na parang interesado si ken kay michelle. Mich: 21 bakit mo naman naitanong. Ken: wala naman .. 25 pala ako. Mich: ah ok ..kuya pala dapat itawag ko sayo. tumawa ng malakas si greg at muntik pa syang nabulunan sa sinabi ni mich Greg: hahaha mich dami mo ng kuya ???? Ken: wow ! naman deretsahan talaga? Mayet: hahaha.. lily: beh, marami ka ng kuya at ate hahaha. cora: hahaha Mich: bakit ayaw nyong tawagin kayong kuya? ? Ken: di naman sa ganun , hehe. Mayet: bakit nga ba ayaw mong tawagin kayong kuya eh mas matanda naman kayo sa kanya.?? Sumagot din si menchu Menchu: baka gustong manligaw ni kuya ken ? Greg: bengggg hahaha yan ka nanaman . Mayet: haha Ken: hahaha ikaw talaga Ang Pinsan nila na babae nakisali din sa usapan nila Pinsan: ken alam mo kung manligaw ka sabihin mo na agad . Menchu: hahaha kuya ken manliligaw ka ba kay ate michelle? Ken: kayo talaga wala talaga kayo sa ayos nagtatanong lang naman ako? Greg: insan haha mga kontrabida mga yan insan. Ken: kaya nga insan? lily: hahaha Mayet: kumain na nga lang kayo . ? Janice: nasaan si marc? Greg: naligo di pa yata tapos. Cora: buti pa sila nakapaligo na haha ako di pa. Lily: haha kaya pala naamoy kita gurl Cora: loka ka gurl haha Patuloy pa rin sa pagtatanong si ken kay mich kahit pinagtatawanan na siya ng mga pinsan at kaibigan nila. Hanggang sa tinanong nya si mich kung may bf na ba daw ito.. Ken: may boyfriend ka na ba chelle?? Napatawa si greg sa kanya ganun din sila mayet Mich: interbyo ba ito?? Ken : di naman pero parang ganun na nga.? Mayet: beh, kahit saan tayo magpunta may nag iinterbyo sayo ? Ken: haha artistahin ka pala. Mich: haha grabe naman. Ken: di nga may bf ka ba o wala?? nag alinlangan sya sumagot kung meron ba o wala. pero dahil sa nakukulitan kay ken sinagot nya na..... Mich: oo meron!! Greg: hahaha insan paano na yan?? Ken: wow naman!? Cora: hahaha beh Lily: meron pala beh haha. Mich: hahaha. Ken : baka niloloko mo lang ako chelle? Mich: hindi ah. ?? Tawa ng tawa sila sa dalawa Ken: nasaan ang boyfriend mo? Tamang tama pagdating ni marc kaya tinuro sya ni michelle na walang kaalam alam sa mga pinag uusapan nila. Mich: ayan oh! ( si marc) Halos lumundag sa tuwa si greg sa sinabi ni michelle at ganun din sila mayet at mga kaibigan samantalang si marc natulala sa mga ginagawa nila . Ken: talaga lang ha! magkakilala ba kayo? Mich: hala sya!? .. oo naman syempre. Mayet: pinsan namin yan ken sa side ni mama ? Ken: ganun ba hehe.. musta tol? Marc: ok lang tol! ano ba pinag uusapan nyo? Nagtataka si marc sa kanila at may halong pagseselos Greg: insan haha di mo ba narinig?? Lily: hahaha. menchu: kuya tatay si ate nanay pinagtripan nila ?? tumawa sila sa sinabi ni menchu. Ken: haha may ganun . Marc: bakit anong nangyari?? Mich: wala ? Marc: wala daw? Si ken parang di naniwala sa sinabi ni michelle na bf nya si marc kaya tinanong nya ulit. ken: ang totoo chelle seryoso may bf ka na ba? Napatingin si marc kay ken sa tanong nya kay michelle .. Natawa nalang si mich sa paulit ulit na tanong . mich: oo nga meron ayan siya oh?? di alam ni marc ang sasabihin sa sinabi ni mich na bf sya nito marc: bakit anong meron?? Tawa ng tawa ang mga kasamahan nila sa naging reaksiyon ni marc .. Ken: totoo ba tol ikaw ba ang bf nya baka niloloko lang niya ako eh? Greg: insan hahaha . tumingin sya kay michelle na nakangiti . marc: oo tol gf ko sya bakit anong ginawa nya sayo?? Lily: hahaha juskolored ? Janice: naku hahaha. Cora: hahaha Mayet: ayan na nagkabukingan na haha. Mich: haha kayo talaga. Ken: wala naman tol akala ko kasi niloloko nya lang ako hehe.. ikaw pala bf nya haha sorry! Marc: pagpasensyhan mo nalang tol ganyan talaga yan ( sabay akbay kay mich) ? Mich: hahaha ?? pati sila mayet parang di makapaniwala sa drama nila at parang totohanan na kaya nagsitinginan nalang sila at tumawa. mayet: marc kumain ka na . Marc: sige te.? Greg: insan may pampagana na ?? Marc: insan haha ? Greg: ituloy mo na insan nandyan na eh haha Marc: hahaha . Mayet: yan na naman ang dalawa ? Marc: haha ate. tumabi si marc kay michelle at nakisalo sa plato nya kaya paniwalang paniwala si ken na magshota nga silang dalawa. Marc: kuhaan mo ako pagkain bhe.? Mich: anong gusto mo? Marc: kahit ano . Greg: ayan silang dalawa mmamaya may maiingit naman sa kanila ( sabay tingin kay lily) lily: haha naku greg . Mayet: hahaha Ken: sweet naman nila nakakainggit nga eh ? cora: hahaha naku naman. Pagkatapos nilang kumain pumunta sila sa plaza para manood ng mga palaro at mga contest halos 3 oras sila nandoon .. Nang biglang nagyaya si ken na pumunta sa kanila. Ken: ate mayet di ba sabi nyo pupunta kayo sa bahay tara na punta na tayo. Mayet: sige kasi uuwi na kami mamaya. Greg: sige insan tawagin ko lang sila. ken: uuwi na pala kayo akala ko bukas pa. Mayet: mamaya na kami uuwi tapos na din mga palabas .. sayawan nalang daw mamayamg gabi sabi ni tito kaya uuwi na kami. mga inaantok na din kasi walang tulog. Ken: ok sige pero punta muna tayo sa bahay. Mayet: ok sige.. Tinawag silang lahat ni greg at sabay pumunta sa bahay nila kennet dumaan muna sila sa bahay ng tiyuhin Tiyuhin: mamaya mayet dalhin nyo ang mga ito ha .. Mayet: ok tito. dadaanan namin to mamaya ulit pagbalik namin.. Tiyuhin: ok sige pumunta na kayo doon para maaga kayo makabalik. Mayet: ok po.. Pumunta sila ng bahay nila kenneth at doon sya umupo sa tabi ng driver . Samantalang si marc at mich magkatabi pa rin sa inuupuan nila. Marc: ikaw lagi mo nalang ako ginugulat( bulong nya kay mich) Mich: bakit? anong ginawa ko?? ( mahina ang boses dahil inaantok) Marc: ang sinabi mo kanina na bf mo ako?? Mich: hehehe.. sorry ? Marc: kunsabagay totoo naman eh . ? Mich: makulit kasi tanong ng tanong( halos binulong nalang nya kay marc dahil baka marinig sila) Marc: manligaw yata sayo yon?? Mich: wag maingay mamaya marinig ka nya. Marc: di nya alam na akin kana ??? Mich: baliw ka talaga iniba niya ang usapan nila dahil baka kung saan nanaman mapunta. Mich: inaantok ako marc. ? Marc:mamaya ka na matulog .. sasakit ang ulo mo mamaya . Mich: antok na talaga ako hay?... sumandal sya sa upuan pero kinuha ni marc ang ulo nya at pinasandal sa kanya. Marc: sige matulog ka na lang di na tayo bababa mamaya. Mich: sige wag nalang pala mamaya na pala ako matulog nakakahiya naman na di tayo baba haha. Marc: sabay ganun.. ..Manood ka nalang ng cartoons di ba mahilig ka naman manaood haha. ? Mich: haha loko!loko!. saan nman ako manood?. binigay nya ang cp nya sa kanya. Mich: meron ba dito? Marc: meron dyan tingnan mo .. para di ka antukin. Tiningnan nga nya at nandoon lahat ng cartoon na gustong gusto niya panoorin.. parang bata lang .. Mich: bakit marami ka nito? Marc:: para sayo yan syempre alam ko mahilig ka dyan eh. Hahaha .? mich: weeeeh di nga ?.. pati ba naman to haha. ( kinilig nman sya) marc: manood ka nalang dyan o di kaya sa youtube. Kaya pinanood nalang nya para di sya makatulog makalipas ang 15 mins dumating sila sa bahay nila kenneth. Ken: nandito na tayo .. Mayet: baba na kayo .. Bumaba silang lahat maliban kay michelle at marc. Marc: mamaya na yan baba na muna tayo. Mich: ok sige ? Marc: parang bata lang bakit ba ang hilig mo sa cartoons? Mich: haha bakit ba di ba pwede manood ang matanda? Marc: pwede naman pero di kagaya sayo na parang daig mo pa ang bata kung tumawa sa pinapanood mo? Mich: haha .. wag mo nalang akong pakialaman haha. Marc: eh ano pa nga ba tara na baba na tayo. Bumaba din sila sa sasakyan at pumunta sa mga kasamahan.. Habang nakatayo si michelle na nanood sa mga manok na nakatali sa tabi ng puno lumapit si trixie sa kanya Trixie: hi! mich ? Mich: oh trix .hello hehe. Trixie: sensya pala ha kung di ko kayo pinapansin nahihiya kasi ako sa nangyari dati nung nalasing ako. Mich: ah wala na yon.. nahiya din ako na pansinin ka kasi baka magalit ka eh hehe. Trixie: Nag usap na pala kami ni marc tungkol doon at sa mga pic at video na pinakita ko sayo pasensya ka na ha napraning lang ako siguro nung time na yon. Mich: di naman ako nagalit sayo at wala ka naman ginawang kasalanan sa akin .. Trixie: kahit na parang na guilty kasi ako sa ginawa ko hehe.. natauhan ako nung kinausap ako ni greg at sinabi nya na wag na daw ako umeksena sa inyo ni marc kahit makapal ang mukha ko pero nahiya din ako nung time na yon. Mich: grabe naman si greg ? Trixie: ganyan kami magbabarkada kaya nakinig ako sa kanya .. Mich: wag ka mag alala trix wala na yon sa akin..? Trixie: thanks,, ? sana maging friends tayo Mich: oo naman ? Lumapit si marc sa kanila Trixie: hi! marc? Marc: trix ? anong ginagawa nyo dito? Mich: tiningnan ang manok? Trixie: saan sila ni greg marc? Marc: nasa likod ng bahay hinanap ka nga nila . Trixie: ah ok sige punta muna ako doon dito muna kayo .. Umalis sya at naiwan sila michelle Marc: anong sinabi nya sayo? Mich: wala naman ,,nagsorry siya sa nangyari nung isang linggo. Marc: ah ganun ? Mich: bakit ka natawa?? Marc: wala lang.. cute mo kasi?? Mich: alam ko na yan dati pa haha. Marc:haha bakit ka pala nandito eh nandoon sila ate mayet. Mich: tiningnan ko nga ang manok tapos lumapit si trixie ayon nag usap kami . Marc: ah kaya pala! tara punta tayo doon sa kanila . kumain ka doon ng meryenda. Mich: ayoko wala akong gana kumain. Marc: ayaw mo kumain ng mangga? Mich: saan ang mangga? ? Marc: hahaha akala ko ba ayaw mo? Mich: hehe akala ko kasi kung anong pagkain. Marc: tara na doon . mich: tara na haha kakain ako mangga. Pumunta sila sa likod ng bahay at meron pala kubo malapit sa puno ng mangga . Naalala ni michelle ang pinuntahan nila ni marc na manggahan sa lugar nila. Makalipas ang dalawang oras nagpaalam na sila sa mama at papa ni ken ..May pinadalang pasalubong para sa mga magulang nila mayet ... Dumaan sila sa bahay ng tiyuhin at kinuha ang mga pinadala at nagpaalam na din sa kanila... Habang nasa sasakyan sila nakaramdam na ng antok ang iba sa kanila lalong lalo na sila michelle dahil wala silang tulog. Mayet: beh, suot mo itong jacket baka lamigin ka mamaya dyan. Marc: may suot na sya teh tulog na nga eh ? Mayet: ha? tulog na pala. Cora: bagsak ang kalaban haha Lily: antok na antok na yan kanina pa. Janice: ikaw gurl matulog kana din Mayet: oo nga gurl inaantok na din ako. Greg: matulog na kayo mahaba pa ang biyahe natin hehe saktong sakto medyo madilim na. Mayet: kaninong jacket suot nya marc? nandito naman jacket nya. Greg: syempre kanino pa ate haha Cora: jacket ni marc siguro?? Lily: haha kayo talaga matulog na nga kayo Marc: haha kayo talaga syempre naman? Mayet: sige matulog na nga ako wag kayo maingay mga tulog na pala sila oh. lahat tahimik habang nasa byahe .. samantalang si marc maraming pumapasok sa isipan nya habang nakasandal sa balikat nya ang dalaga na natutulog. "Sana di ka magbago pag nakauwi ka na sa inyo .. sana palagi parin tayo mag uusap kahit sa phone lang ... sana di magbago ang nararamdaman mo sa akin dahil baka ikababaliw ko yon pag nagkataon. Natatakot ako na baka pag uwi mo di na mo na ako maalala dahil nandoon ka na sa inyo at nandoon na ang mga kaibigan mo na makakasama mo. Mahal na mahal kita mich. Di ako papayag na mawala ka sa akin ng basta basta nalang.. Gagawin ko ang lahat para makasama kita . Ayoko ng balikan ang buhay ko dati na parang walang patutunguhan. Gusto ko mamuhay na kasama ka dahil ikaw lang ang nagbigay sa akin ng ganitong kasaya na pakiramdam na parang wala na akong mahihiling pa .. iloveyou so much mich ? .. " Nang biglang gumalaw si michelle . Mich: arayyyy!! ang sakit ng leeg ko?.. ( hawak ang leeg nya) Marc: sasakit talaga ang leeg mo nyan kasi nakaupo ka at nakasandal lang ulo mo teka sandali ha.. Mich: inaantok pa ako?.. Marc: sandali lang Umusog si marc para lumuwag ang pwesto nya at tinawag si greg. Marc: insan ( mahina ang boses) Greg: bakit insan? Marc: pakikuha nga ang jacket ni michelle kay ate mayet. Greg: ok sige.. oh ito . Marc: salamat! sobra pa ako nito sa may anak ?? Nagpipigil ng tawa si greg . Greg: hahaha??? tinupi nya ang jacket at nilagay sa kandungan nya at pinahiga si mich. Mich: ano yan? Marc: dito ka matulog para di sumakit leeg mo.. Dahil sa sobrang antok humiga nalang siya sa kandungan ni marc na nakaunan sa jacket habang ang paa nasa baba ng upuan dahil medyo masikip sa upuan.. Ngumiti nalang siya habang tinititigan si michelle na nasa kandungan nya natutulog. At siya sumandal na din sa upuan habang hinahawakan si mich at di na rin nya napigilan ang antok ... Ooooooopppppsssss ?! ITUTULOY ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD