ikaw 23

3761 Words
Part14 "ikaw" Alas dyes ng umaga nagising sila mayet dahil sa ingay sa labas may nagtatawanan at mga malalakas na boses na nag uusap kaya nagsibangon nalang sila nauna syang naligo at pagkatapos lumabas ng kwarto. Maraming tao sa labas ng kubo at parang mga taga ibang bayan. Dumating na din sila menchu at mga kaibigan . Kaya pumunta sya sa kusina para tingnan kung nakaluto na ang mama nya . Menchu: ate, goodmorning! Mayet: goodmorning beng! anong oras kayo dumating? Menchu: kaninang 6am na ate kasi gumala pa kami Mayet: ah ok, kumain na ba kayo? Menchu: opo te tapos na. Mayet: kaibigan mo ba yan lahat sa labas? Menchu: hindi ate , kaibigan daw ni kuya marc yan Mayet: ha? kaibigan nya? Menchu: opo ngayon lang din dumating. Mayet: ah ok, sige pupunta muna akong kusina. Menchu: ate sa inyo ba ang plastic na nasa kwarto ko?? nilagay ko sa kwarto nila mama kasi masikip na doon. Mayet: anong plastic? Menchu: may laman na stuff toys. Mayet: nandoon pala sa kwarto mo isang araw pa yon hinahanap, sige doon lang muna kukunin ko nalang mamaya. Menchu: ok sige ate. Lumabas si mayet para tingnan ang mga bisita na kaibigan ni marc . Mayet: Marc, pakainin mo muna sila. Marc: ate tapos na. Mayet: ah ok , akala ko di pa kayo kumain. Marc: brod! si ate mayet pinsan ko kapatid ni insan greg. Ate, mga kaibigan kong gala haha? Mga brod: hi ate mayet? Mayet: hello, mga gala talaga? haha feel at home lang ha? Marc: si jake, edward, ivan, terrence, tyron,ken at john mga 7 giant haha Mayet: loko ka talaga marc ? Si ivan na kaibigan nya sumagot. Ivan: naka move on ka na siguro brod noh lakas ng trip mo ah. haha Marc: haha matagal na yon brod Mayet: sige dito muna kayo ha. Marc: sige ate. Habang nagkukulitan ang magkakaibigan sila lily cora janice lumabas na din ng kwarto at pumasok sa kinakainan nila . Kaya dinala ni marc mga kaibigan nya sa loob at pinakilala sa kanila. Halos kasing edad lang ni marc ang mga kaibigan . Lily: kakain nanaman tayo? Mayet: kumain na kayo gurl at mamaya may rampa kayo? Cora: oo nga pala mamaya na. Janice: si michelle sasama ba? Lily: haha tanong mo kay marc?? Tamang tama din pagpasok nila marc at kaibigan narinig nya ang pangalan nya. Marc: ano yon ha?? lily: ohhmy! ? akala ko may mga higanteng pumasok? Marc: haha, brod pasok kayo. Cora: ang tatangkad naman ninyo?? Edward: brod , kaya pala nakalimutan mo na kami ang dami pala dito magaganda.? Marc: haha brod! Janice: ayan si lily single yan?? Lily: gurlll ?? binenta mo agad ako haha. tumawa ang mga kaibigan ni marc. Marc: ?? ano ka for sale? Lily: hala di ah? Jake: bilhin sana kita ? akala ko for sale joke lang? Lily: hmmm... ako ba pinag tripan nyo ha? Marc: yan brod ? bumanat ka nanaman. Mayet: ikaw nga ganun ka din naman haha Janice: hahaha lagot Cora: kumain na ba kayo? Marc: tapos na ate. Jake: ipakilala naman kami brod kanina ka pa nagsasalita dyan haha Terrence: atat na sya ? Marc: oo nga pala. ito pala si lily, ate janice at ate cora. kayo na brod magpakilala nakakapagod na haha? Mayet: loko ka talaga marc? nagpakilala din sa kanila ang mga kaibigan nya Jake: masaya din pala ang fiesta dito . Marc: masaya talaga. Ivan: di ka tatagal dito kung di masaya brod Cora: syempre may nagpapasaya?? Janice: yon nga lang secret lang haha Marc: uuyyy!! kayo talaga haha Jake: kaya pala haha edward: saan ba maganda puntahan dito brod.? Marc: marami brod .. Mayet: igala mo sila mamaya marc. Marc: sama kayo sa amin te. Mayet: kayo lang muna marc Cora : dalhin mo sila marc sa sayawan mamaya Marc: oo nga pala hahaha. Jake: haha sasayaw daw tayo brod Ivan: paborito mo naman sumayaw haha Marc: haha mamaya ate pupunta kmi. Lily: tamang tama kasi kami ang magbabantay mamaya Janice: makikita nyo sumayaw si lily haha Lily: gurlll?? wag ganyan Jake: hahaha Edward: masaya pala dito brod Tryron: baka pati tayo di rin makauwi agad nito? Marc: hahaha samahan nyo ako dito pero baka mapagalitan ka ni grace Tyron: haha Mayet: wala naman kayo siguro pa mga trabaho kaya dito muna kayo pampalipas oras. Marc: mga busy lang yan sila ate sa hatid sundo?? Terrence: ikaw talaga brod haha Habang masaya silang nag uusap pumasok si mich sa kinakainan nila at nagulat siya na maraming tao sa loob kaya napaatras siya akala nya wala sa loob sila mayet: Mich: hala!! ? Mayet: beh, halika dito nandito kami sa loob Parang nahiya syang pumasok Lily : beh, pasok ka nandito ang baby mo haha Marc: hahaha ? Cora: nahiya na tuloy Mich: ate talaga oh!?? Pumasok si mich at nakatingin lahat ng kaibigan ni marc sa kanya. Janice: halika dito be kumain ka na. Mich: may bisita pala kayo teh? Marc: mich saan ka galing? Mich: diko alam saan ako galing.hehe sa loob . Lily: ayeeeehhhh! Marc: haha di na nya alam...ah brod si michelle pala kasama nila ....Mich, mga kaibigan ko. Mich: hi!!☺ binati din sya ng mga kaibigan ni marc. Jake: lugar ba dito ng mga diwata brod?haha Ivan: hahahaa Marc: sobra ka naman brod? kumuha ng plato si mich para kumain dahil kanina pa sya nagugutom . Mich: kumain ka na ba marc? Lily: wow!? haha Mich: ate talaga? nagtatanong lang naman hehe Marc: di pa nga eh ! ? Ivan : naku naman! haha Mayet: kumain ka na beh hayaan mo na yan sila ikaw na naman pagtripan nila mamaya hehe Cora: si marc oh nag umpisa na naman haha Jake: kaya pala naka move on na siya haha Marc: haha brod Terrence: taga dito ka ba mich?☺ Mich: hindi, taga manila ako. Terrence: ah ok. Jake: ikaw brod taga saan ka ?? Lily: hahaha. Terrence: hahaha naka ng pating brod Cora: nakakaloka kayo. ? janice: hahaha Mich: gusto mong kumain marc? Marc: sana kung pasaluhin mo ako ?? Cora: hay naku haha? Nagtataka ang mga kaibigan ni marc sa kanilang dalawa ni mich. kinuhaan nya ng plato at nilagyan ng pagkain ang binata pero si marc lumipat sa tabi niya at kinuha ang plato ni mich na ginamit at pinalit ang plato na hawak nya at nagsalo nanaman silang dalawa kaya nagtawanan lang ang mga kaibigan nila sa ginawa ni marc. Mich: may laman pa yon oh. Marc: eh di kunin natin ilagay natin dito problema ba yan haha Edward: kaya pala di na umuwi haha Tyron: haha kayo naman . jake: ganun talaga ang buhay haha Ken: brod! pinagpalit na pala nya tayo Edward: hahaha. Marc: kayo talaga manahimik nga kayo haha Cora: hahaha Lily: di naman kumakain si marc eh. Mich: gusto pa yata subuan? tawa ng tawa ang mga kaibigan niya Marc: subuan mo nga ako!? jake: grabe ka brod? ken: naku! brod! ibang iba kana ha. edward: kaya nga oh ibang klase ka talaga . brod haha john: ibang marc na pala ang brod natin Akala ni marc di gawin ni mich ang sinabi nya kaya nagulat siya ng sinubuan nga siya nito sa harap ng mga kaibigan nya. Mich: wag kayo mag alala alagaan ko ang kaibigan nyo habang nandito sya ? oh sige na baby kumain ka na .. ( sabay subo sa kanya) Jake: wooooow! haha???? Janice: masaya naman ang araw niya sana lang di masira. haha Mayet: ayan na lumalaban na si michelle haha Marc: hahaha.. Sinubo din niya ang sinusubo ni mich sa kanya mArc: sarrraaapp! ?? Mich: ? arte kasi ayaw kumain gusto pa subuan. mayet: sinanay mo kasi beh? Cora: ayan tuloy haha mich: isa pa ba? haha Marc: aba nasanay kana ha!? kinurot sya ni mich . Marc: aray!?? Mich: di wag haha ..kainin mo to Marc: akin na hehe jake: naku! haha Edward: may taga subo ka pa brod haha Marc: brod haha ok lang ba kayo? Ilang minuto ang nakalipas Mich: busog na ako.. ubusin mo na to hehe Marc: akin na Inubos niya ang pagkain sa plato at kumuha si mich ng tubig binigay sa kanya pagkatapos ni marc siya din uminom . Silang dalawa ang pinagtitinginan ng mga kaibigan parang magjowa lang ang turingan nila. Lily: busog na busog hehe Pagkatapos nila kumain si mich pumasok ng kwarto at tinali ang buhok. Dahil hindi na masakit ang kanyang sugat at lumabas di sya agad lalong lumitaw ang kagandahan ng mukha niya kaya pati kaibigan ni marc napamangha sa kanya. . Jake: brod(marc) gf mo ba sya? nag aalangan syang sumagot. Marc: bakit brod?? jake: ganda naman nya hehe Marc: may bf na yan brod ( si marc daw ang bf) haha jake: ganun ba? haha hanep din eh ! Marc: hahaha pinuntahan nya si mich sa kusina at kinausap . Marc: mich, di tayo tuloy mamaya ha dumating kasi mga kaibigan ko . Mich: ok sige ,walang problema. Marc: anong ginagawa mo? mich: naglalaro? joke. Marc: ikaw talaga? Mich: pinipiga ko ang lemon ilagay ko sa tubig. Marc: para saan yan? Mich: pantanggal umay hehe. parang nasusuka ako . Marc: hala? baka buntis ka ?! magka baby na tayo ! ?? mich: baliwwwww!! Marc: hahaha. Mich: siraulo ka talaga marc Marc: joke lang hehe Pagkatapos nyang pigain binigay nya kay marc Mich: oh uminom ka ! Marc: bakit ako di ba syo yan? Mich: ayaw mo ba?? Marc: sige tikman ko lang ha Mich:ok sige damihan mo meron pa naman dito Ininom din ni marc agad at bigla syang..... Marc: angggg asim naman!!!? Mich: hahahaha ...alangan! may lemon ba na matamis? haha Tawa siya ng tawa dahil sinadya nyang ipainom kay marc ang katas ng lemon na walanh halong tubig uminom agad ng tubig si marc sa sobrang asim ng lemon. Marc: ang asim naman yan iinomin mo ba yan? Mich: hahaha syempre hindi ?? Marc: bakit mo pinainom sa akin? ? Mich: hahaha try lang kung maasim haha Marc: ikaw ha naisahan mo ako don ah haha? Mich: hahaha ? inomin ko yan pero lagyan ko konting asukal? ang kulet mo kasi kaya ayan haha ??? Marc: ikaw talaga ha ? ( inakbayan si mich) Mich: sorry!✌ haha? Marc: ayoko ng sorry!? Mich: ano gusto mo isa pang lemon? haha Marc: gusto ko ikaw hehe? Mich: ikaw ka dyan. Marc: oo nga ikaw ang gusto ko ? Mich: baka siya haha Marc: di ah ikaw talaga ang gusto? ? Mich: hay naku marc lumabas ka na nga asikasuhin mo doon mga kaibigan mo. Marc: yan tayo eh umiiwas agad haha Mich: haha sira! Marc: ok lang may tamang oras din dyan? Mich: weeh. kunwari lang ? Nilagyan ni mich ang lemon water ng konting asukal at pinasubukan ulit sa kanya. Mich: tikman mo ulit hehe. Marc: ikaw na mamaya maasim pa yan . Mich: sige na haha may asukal na yan Marc: baka maasim pa yan konti lang naman nilagay mo. Mich: marami yon sige na! Wala siyang magawa kaya tinikman niya Mich: ok na ba? Marc: ok na yan medyo matamis na parang love ko sayo matamis ? haha Mich: hay naku! gusto mo hati tayo? marc: inumin mo na lahat mamaya naglilihi ka pala haha Mich: ewan ko sayo marc !! grrrrrr!! Marc: hahaha... sige na nga hati tayo nadatnan silang dalawa ni greg na nagtatawanan Greg: bati na pala kayo insan?? Marc: haha oo insan namimilit eh kaya no choice Kinurot sya ni mich Mich: ikaw!!!may pa no choice ka pang nalalaman Marc: aray! haha Greg: haha . pwede na pala tayo gumala nyan insan? Marc: pwede na wala ng topak to eh haha Mich: pwede basta isama nyo ako ha ? haha ( feeling gf din ) tuwang tuwa si marc sa sinabi niya Marc: narinig mo yon insan? haha Greg: naku! haha Mich: marc , lumabas ka na muna puntahan mo mga kaibigan mo doon. greg: nandoon sila nanood ng sabong . Marc: may sabong ba? Greg: oo insan. Mich: sabong ng ano?? Marc: di mo alam? sabong ng mga manok haha Mich: hindi eh greg: manood ka doon mich nandyan lang sa baba malapit lang naman pwedeng lakarin. Mich: marc manood tayo . Marc: ayoko nga! Mich: arte pa eh? Marc: haha mwah.? greg: haha insan ano yon? Mich: baliw talaga oh! Marc: hehe Umalis sila marc at hindi sumama si michelle .......... Alas singko ng hapon nagbihis na sila mayet para pumunta ng sayawaanpara tumulong sa pagbantay sa gate. Tinanong nya si mich kung sasama ba sya. Mayet: beh, sasama ka ba.? Mich: opo teh. Mayet: ok sige magjeans ka ha . kunsabagay nag jejeans ka naman lagi. Mich: sige hehe Tumunog ang cp ni mayet Mayet: hello! Marc: ate, anong oras kayo pupunta doon? mayet: maya maya pa. Marc: sasama ba si mich? Mayet: oo daw. Marc: ha? pakausap nga! ayaw nyang papuntahin si mich sa sayawan mayet: ok sandali. beh, si marc kausapin ka daw. Mich: akin na teh.Hello! marc Marc: sasama ka pala doon? Mich: oo sasama ako. Marc: sabi mo ayaw mo! Mich: sasama na ako sa kanila Marc: wag kana sumama. Mich: ha! bakit? ako lang maiwan dito. Marc: ah basta! Mich: kasi naman eh bahala ka sasama pa rin ako Marc: hinatayin mo ako dyan punta ako dyan. Mich: wag na kasi sasama nga ako Marc: anong wag na? Mich: sasama nga ako. . Marc: ang kulit mo! sige doon nalang namin kayo hintayin wag kang pumasok sa loob ha pag nauna kayo dumating. Mich: sa labas lang ako ganun?? Marc: ganun nga! Mich: hay! Marc: anong hay! wag kang pumasok ha. Mich: papasok ako hehe Marc: subukan mo lang ! Mich: hahaha Marc: tawa ka dyan. Mich: nasaan ka ba? Marc: dito nanood kami ng motor cross Mich: ah ok sige.. Marc: sige na mamaya tatawag ako ulit. Mich: ok sige. Marc: bye. luv you? Mich: hayyss!!bye na Marc: haha . binaba nya agad ang phone at nagbihis na din siya. Pagdating nila doon wala pa sila ni marc at mga kaibigan. Mayet: beh, tara na . lily: beh, makita mo na kung ano ang discohan dito sa probinsya? Cora: gurll wag muna natin papasukin si mich. mayet: haha bakit? Lily: baka kasi magalit si alam mo na?? Janice : haha lagot kayo mamaya . Cora: hindi ah! baka kasi may magyaya sa kanya at tanggihan nya? Mayet: oo nga pala. beh dito ka lang sa labas tumayo ha malapit ka naman sa amin eh. wag ka dito pumasok. Mich: sige ate hehe Habang nasa loob sila mayet tumutulong sa pagbibigay ng ticket nanood lang si mich sa kanila na nasa labas nakatayo. Lily: ok lang dyan beh? Mich: ok lang ate hehe Ang dami na pumapasok sa loob,meron na din sumasayaw sa gitna . Naaliw si mich habang nanonood sa kanila. Kaya di nya napansin na dumating na sila marc. Marc: kanina pa kayo? Mich: ha? ?.. nakakagulat ka naman.? Marc: nagulat?? Mich: saan kayo galing? Marc: pumunta muna kami sa bahay nila lola Mich: ah ok Mayet: marc, papasok ba kayo? Marc: opo teh, saan si greg teh? Mayet: di ko alam . Marc: ah ok .tawagan ko nalang. nanonood si miche sa ginagawa ni lily. Mich: ano yan teh, Lily: ah mga ticket beh Mich: haha ate natatawa ako sa ginagawa mo. lily: hehe Marc: ano ba yan? Mich: ticket daw. Marc: tara doon mich doin ka umuopo Mich: saan? Marc: doon oh .. para makaupo ka. niyaya nya si mich sa tindahan ng tyahin nila mayet. Mich: dito lang ako manood ako dito Marc: dito ka tatayo? ? Mich: oo naman! Marc: doon tayo halika na. Hinawakan nya sa kamay si mich at dinala papunta sa tindahan. Mich: sabi ng doon lang ako eh! Marc: para kang bantay sa labas nakatayo doon . Mich: ayaw naman ako papasukin nila ate. Marc: buti naman. dito ka umupo oh Jake: brod! kuha ka na ticket sasayaw na tayo Marc: haha gusto nyo na bang pumasok? John: tara na habang maaga pa? Ken: habang may lakas pa tayo haha Marc: teka sandali kukuha ako tara mich Mich: ha? ikaw nalang. Marc: tara na kasi ? edward: brod! ewan mo na sya dito. Marc: sasama yan sya brod! ayaw niyang hiwalayan si mich Mich: hintayin nalang kita dito. Marc: tara na dami pang sinasabi eh. tumayo nalang si mich at sumama sa kanya. tumawa lang mga kaibigan nito Marc: ate , walong ticket nga te. Mayet: ok papasok na ba kayo? Marc: papasok na daw sila haha Lily: ikaw marc ayaw mo? Marc: mamaya na ako may tinitingnan si mich kaya lumayo siya kay marc at di napansin ng binata. Mayet: ito na marc walo yan. Marc: ito bayad ateh lily: akin na marc ibigay ko sa kahera. marc: ok sige lily: si mich mamaya papasokin namin ha Marc: wag na haha?... tara na mich.. Paglingon nya wala na si mich Marc: nasaan na yon?.? (hinahanap nya) nandoon nakatayo si mich nanood sa gumagawa ng dekorasyon. Marc: tara na! Mich: ha? tapos na ba? Marc: ano bang tinitingnan mo dyan? Mich: yan oh . maganda ang ginagawa nila. Marc: ah para sa stage nila yata yan tara na . Mich:ok sige binigay ni marc ang ticket sa mga kaibigan kaya nagsipasukan na din sila naiwan sya kasama si mich sa labas Mich: pumasok ka na doon marc Marc: mamaya na at ayaw kong pumasok Mich: sino pa ba ang hinihintay mo? hehe Marc: wala naman samahan muna kita. Mich: ok lang ako dito. Marc: gusto mo kumain ? Mich: ayoko. Marc: eh di ayaw Mich: haha. baliw Marc: umupo ka dito. Mich: mamaya na. tinitingnan ni marc ang mga kaibigan sa loob. Samantalang si mich nanonood lang sa mga sumasayaw. Marc: gusto mo bang pumasok? Mich: ayoko nahiya ako. Marc: weeh!!nahiya daw. Mich: ? Maya-maya dumating din sila greg at mga kaibigan. Greg: insan bakit di pa kayo pumasok? marc: nandoon na sila sa loob. Greg: ah ok bakit ikaw di pumasok? Marc: ayaw ako papasukin ni michelle haha Mich: baliw! Greg: hahaha. marc: Papasukin mo na sila insan kuha ko kayo ticket. Greg: ako na insan . Marc: ok sige. bihis na bihis sila trixie at mga kaibigan . Marc: kayo trix ayaw nyo pa bang pumasok? Trixie: sabay na kami papasok nila greg. Marc: ah ok. tumayo si mich dahil nakita nya si mayet na sumenyas na pinapalapit sya. Mich: bakit te? Mayet: ok ka lang ba doon beh? gusto mo pumasok ka dito.. dito ka umupo. Mich: doon lang ako te ok lang ako doon Mayet: sure ka? Mich: yes! sure na sure?? Mayet: haha ok sige Cora: may bodyguard naman siya gurl? Mich: haha bodyguard talaga. di napansin ni marc na pumunta si mich sa kanila mayet akala nya nakaupo parin ito Lily: pasok ka beh. Mich: ayoko ko te. ok na ako dito. Nagpalit ang operator ng lovesong kaya ang mga tao na sumasayaw sa gitna tumabi at naghanap ng makapartner nila . nilapitan si mich ng isang lalaki at niyayang sumayaw. Lalaki: miss pwede ba kitang maisayaw? Mich: ha? di ako sumasayaw. Lalaki: sige na isa lang. Mich: sensya na po ha. Lalaki : ok sorry. Lumabas si mayet at kinausap ang lalaki dahil kilala nya din naman ito Kaya nag ok na din ang lalaki at si lily nalang ang niyaya. Mayet: sabi na nga ba eh kahit sa labas ka yayain ka pa rin haha Mich: manonood lang ako dapat pala teh di ako nagjeans Mayet: haha . Bumalik si mich sa tindahan at nakita nya na kausap ni marc sila trixie at mga kaibigan . Mich: hay nakakaloka. buti pa di nalang ako pumunta dito kinausap sya ng tiyahin nila mayet. Tiyahin: bakit di ka pumasok? Mich: ayoko ate nahiya ako? Tiyahin: ha? bakit ka naman mahihiya? Mich: ok lang ate dito lang ako sa labas. Tiyahin: antokin ka dito. Mich: inaantok na nga ako. Tiyahin: sila mayet nasa loob ikaw nandito lang? Mich: ok lang ate hehe Pumasok sila greg at mga kaibigan samantalanh si trixie nagpa iwan dahil hinintay nya si marc na pumasok dahil may kausap pa ito. pumunta si mich kay mayet at nagtanong. Mich: ate may cr ba dito naiihi ako. Mayet: oo beh meron , tara pasok ka muna nandoon ang cr Pumasok si mich at sinamahan ni mayet sa cr. Nakita ni trixie na pumasok si mich kaya sinabi nya kay marc. Trixie: marc ,sabi mo di sya papasok bakit nandoon na sa loob. Marc: sino? Nakita ni marc na wala si mich sa upuan Trixie: si michelle. Marc: ha? teka sandali. iniwan nya ang kausap at si trixie at pumunta sa kanila cora Marc: ate cora saan si mich. Cora: ha? di ko alam. akala ko sa labas. Marc: pumasok daw eh. Cora: wala naman sya dito baka kasama ni mayet Kaya pumasok na din siya at hinanap kung nasaan si mich sa loob dahil maraming tao hindi nya nakita ito Marc: Nasaan na ba yon? Pagkatapos nila mag cr lumabas ulit si mich at bumalik ng tindahan pero wala na doon sila marc at trixie . Kaya umupo nalang siya ulit doon .. di nakalabas agad si marc dahil hinila sya ng mga kaibigan ni trixie na sumayaw sa gitna. Si mich inaantok na sa labas dahil wala syang kausap at Dahil di parin lumabas si marc . Nakita nya si james ang pamangkin ni mayet na nakasakay ng motor at walang angkas kaya tinanong nya ito kung uuwi ba sya. Mich: uuwi ka ba? James: opo ate. may kukunin ako. Mich : pwedeng sumama? James: ha? uuwi ka na? Mich: oo inaantok na ako. James: ok sige halika umangkas ka dito. Umangkas siya kay james at pinatakbo agad ni james ang motor. James: bakit kasi teh di ka pumasok sa loob? Marc: nahiya ako . James: haha bakit ka naman mahiya? Mich: basta hehe. Pagdating nila si mich naligo at nagdry ng buhok at humiga ng kama. Tinext nya si mayet na umuwi na sya pero sinabihan nya din si james na sabihin kay mayet na umuwi sya. Pagbalik ni james sakto din na hinahanap nila si mich. James: si ate mich ba hinahanap niyo? Marc: oo nakita mo ba? James: nasa bahay na umuwi umangkas sa akin kanina. Marc: ha? bakit siya umuwi? Mayet: nasa bahay na nga nagtext sya oh. di na alam ni marc ang gagawin. tiyahin: inaantok na kasi yon kanina dito wala kasing kausap sabi ko nga pumasok nalang siya ayaw nya naman . Marc: akala ko kasi nasa loob siya kaya pumasok ako hinahanap sya. Mayet: ah hayaan mo na nandoon na rin sya sa bahay matutulog na yon. tinatawagan ni marc ang number ni mayet na gamit ni mich pero di sinasagot. Kaya sumakay nalang sya ng motor at pumunta ng bahay.Pero nasa loob si mich ng kwarto at tulog na dahil mag 12am na din. Bumalik nalang siya sa sayawan dahil sa mga kaibigan nya ayaw nya naman iwanan doon . Ooooooooppppsssss ?! ITUTULOY ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD