ikaw 52

2080 Words
Part29 "ikaw" Maagang nagising si mayet at ginising na din nya ang mga kaibigan.. Habang nakahiga si michelle na naghihintay na maliligo tumawag si marc sa cp ni mayet na ginagamit niya. Mich: hello! ? Marc: hello! good morning! akala ko tulog pa eh. Mich: kanina pa kaya kami gising hinihintay ko lang sila matapos maligo. Marc: ah ganun ba.. Pagkatapos mo lumabas ka ha. Mich: alangan naman dito lang ako sa loob? Marc: ang aga pa namilosopo ka na ha. Mich: hehe ikaw kasi. Marc: sige na maligo kana at magbihis dyan mamaya anong oras ka nanaman makatapos.. Mich: hala sya .. ok sige na tapos na si ate lily. Marc: sige na bye. i love you? Mich: bye na .. ( sabay baba) Naligo at nagbihis siya pagkatapos lumabas ng kwarto at dinala ang gamit sa sasakyan.Nakita sya ni marc na palabas kaya kinuha ang dala nyang bag nila mayet. Marc: akala ko isang oras pa bago lumabas. Mich: grabe sya ! Marc: akin na yan ilagay ko doon , punta ka na doon at kumain ka na maya maya aalis na tayo. Mich: ayoko kumain. Marc: anong ayaw?? punta ka na doon .. Mich: sige na nga.. Pumunta sya sa kinakainan nila at uminom lang ng tea na ginawa ni mayet dahil wala pa syang ganang kumain.. . Mayet: ayaw mong kumain beh? Mich: ayoko te. Mayet: ok sige pareho kayo ni cora at lily di kumain. Janice: nag dadiet sila gurl? Lily: haha parang busog pa ako kagabi sa alimango haha Cora: aga pa kasi wala pang gana. Mayet: ok sige kung ayaw nyong kumain sumakay na kayo doon maya maya aalis na tayo. Mich: mamaya na ako sasakay teh. Mayet: ok sige beh. kunin ko lang ang bag sa loob. Mich: nandoon na te nilagay na ni marc sa sasakyan pero check mo lang baka may hindi ako nadala. Mayet: ok sige baka may naiwan mahirap na balikan haha. Mich: kaya nga teh? Sumakay na ang iba sa kanila sa sasakyan Marc: ate tapos na ba kayo? Mayet: tapos na sasakay na kami. Greg: sumakay na kayo teh aalis na tayo mag 6 na . Marc: nasaan na sila michelle teh? Mayet: nasa loob pa sila menchu at lily tawagin mo muna . Marc: ok sige. Tatawagin na sana sila ni marc pero palabas na sila ng bahay. Marc: bilisan nyo na yan kayo nalang ang hinihintay. Menchu: kuya may kinuha lang ako. Lily: haha akala ko kasi kumakain pa sila Mich: mauna ka na hehe Marc: ah ganun?( kinabig sya ni marc sa baywang) Mich: ano ba! ? Marc: kanina ka pa eh? Mayet: sumakay na kayong dalawa mamaya na yan? Marc: ito kasi teh oh, sumakay ka na nga .? Sumakay na siya at sumunod din si marc sa kanya.. Mayet: beh doon kayo ni marc sa likod. Mich: sige po walang choice eh.hehe Marc: haha may choice ka pang nalalaman. Greg: nahuli kasi kayong dalawa kaya sa likod kayo.? Di nila napansin na nandoon din pala sila trixie na nakaupo na rin Marc: doon ka sa may binatana banda. pumasok si mich at doon umupo sa may bandang bintana at sumunod si marc kaya magkatabi sila . Mich: maganda dito makikita ko mamaya ang madaanan . Marc: kaya nga dyan kita pinaupo kasi baka mamaya sumiksik ka dyan sa akin pag dyan ako umupo? Mich: weeh.. Nagsitawanan lang ang mga kasamahan nila sa kanilang dalawa.Lumabas ang mama at papa nila mayet Mama: mag ingat kayo ha. Papa: mag ingat kayo. Mayet: opo ma pa ,,aalis na kami.. aalis na kami tito tita...... sabay kaway.. Tahimik ang lahat habang nasa sasakyan. Makalipas ang ilang minuto ng nakarating na sila ng bayan biglang nagsalita si michelle. Mich: wow! ?ang pizza haha.. Greg: hahaha mich. Mayet: close pa beh haha. Marc: talaga naman! Mich: haha ate nag wow lang naman ako. Marc: buksan mo ang bintana. Mich: wag na . Marc: buksan mo lang wala naman aircon sa loob nasa labas haha Mich: sige na nga! Pero di ko mabuksan marc. Marc: ako na nga lang.. Mich: ok sige .. Habang binubuksan ni marc ang bintana halos di makagalaw si michelle sa inuupuan dahil parang mayayakap na sya ni marc kaya napansin ni marc ang di paggalaw niya .. Marc: di kita yayakapin ah ?? Mich: siraulo? Marc: umaasa ka naman ?? Mich: bilisan mo na yan mang asar pa eh. Marc: sandali hirap naman pala ito itaas haha.. Greg: insan press mo lang sa gilid tapos itaas mo.. Marc: ok na insan. haha pwede pala ako mag konductor haha Lily: hahaha marc Greg: malulugi insan si kuya tonet kung ikaw ang konductor haha Marc: hahaha bakit naman insan Cora: maraming sasakay nyan pag si marc konductor? Greg: yon na nga eh baka lahat libre na hahaha Marc: insan hahaha Mich: haha Pagkatapos nyang buksan ang bintana kunwaring hahalikan nyasi mich at agad naman umiwas si mich at tinakpan ang kanyang mukha Mich: ikaaaawwwww!!! tumigil ka!!! Marc: aray bhe,?? Mich: puro ka kasi kalokohan! Nagtawanan lang ang mga kasamahan nila habang sila trixie na katapat sa upuan nila nakatingin lang sa kanilang dalawa. Mich: dapat hanggan dito lang ,inangat mo naman ng sobra. Marc: para mahangin? Mich: mahanginan ang ulo mo ?? Marc: ganun? ( pinisil ang ilong niya) Mich: aray ko! ? Marc: Tumangos na ang ilong mo ?? Mich: matangos naman yan noh? Marc: patingin nga ?( sabay hawak sa pisngi ni mich at tiningnan) Mich: Marcccc!! Marc: oo nga! matangos nga ?? Mich: tumigil ka na nga! Marc: ikaw din ?? Di na nagsalita si mich para tumahimik na siya .. at nakinig nalang ng music sa cp. Makalipas ang isang oras nakaramdam si michelle ng antok at di na napigilan nakatulog sya. Samantalang si marc nakapikit din habang nakikinig ng music at napadilat sya ng may sumandal sa kanya. Marc: tulog na pala ? Napangiti nalang siya dahil nakasandal sa kanya si michelle habang natutulog ito kaya umusog nalang sya sa kanya para makasandal ng maayos. Marc: nakatulog din ang makulit☺. Makalipas ang kalahating oras nagsalita si mayet. Mayet: Nagugutom na ako . Driver: gusto nyo bang kumain muna ? Mayet: sige kuya kapag may madaanan tayo Nagising din ang iba dahil sa boses nila mayet at ng driver. Si greg nagising at tumayo tiningnan ang mga kasamahan na nasa likuran at napangiti sya sa nakita . Mayet: ano yan greg ? sino ba ang pinipicturan mo? Greg: wag kang maingay ate? Mayet: bakit sino ba? tumayo siya at tiningnan Greg: wag ka maingay te ?? natulog ang aso at pusa ? Mayet: ikaw talaga hayaan mo sila natutulog naman yan eh.? Greg: haha Mayet: kuya pag may madaanan tayo na pwedeng mabilhan ng pagkain huminto ka ha. Driver: ok sige. Maya maya huminto ang sasakyan sa harap ng mcdo at mang inasal kaya napadilat si marc. Marc: nandito na ba tayo? Mayet: wala pa marc, bibili lang akong pagkain. Greg: insan huwag kang maingay natutulog pa ang baby mo haha. Marc: ginawa nga akong unan oh ?? Naramdaman ni michelle na huminto ang sasakyan kaya napadilat dinsya at napansin nya na nakasandal pala siya sa binata Mich: nakarating na ba tayo?( sabay alis ng ulo na nakasandal kay marc) Marc: hindi pa tayo nakarating kaya matulog ka ulit. Tumagilid siya ng upo at doon humarap sa bintana. Napangiti nalang sa kanya si marc Mayet: Anong gusto nyo doon tayo kakain or take out nalang.? Greg: Doon nalang ate para si kuya makakain din. Ang iba gusto ng take out at sa sasakyan nalang kakain dahil tamad ng bumaba. at ang iba naman bumaba at doon kumain sa loob. Marc: ano gusto mong kainin? ( binulungan si mich) Dahil sa sobrang antok hindi sumagot sa kanya si michelle. Marc: bhe,,?? di ka ba kakain? Si lily na nasa unahan nila natawa kay marc. Lily: marc, alagaan mo yang bhe mo at inaantok haha? Marc: ginigising ko nga ayaw gumising. Mich: di ako kakain ? Marc: anong hindi? tawag ka ni mcdonald oh ? Napadilat agad sya ng marinig ang sinabi nito Mich: saan? ( hinanap kung saan ang macdo) Marc: ang bilis ah! laway mo oh hahaha. Mich: siraulo ! wala naman.. baliw ka talaga Marc: haha.. Lily: beh, gising ka muna . Marc: anong kakainin mo nandoon na sila ate sa loob. Mich: kahit ano nalang . ate lily bakit ikaw di bumaba Lily: take out lang ako beh natamad ako bumaba. Marc: ok sige, take out nalang kayo. Mich: ikaw bakit di ka kumain doon. Marc: ang tagal mo kasi sumagot. Mich: ako pa ang sinisi sige na bumaba kana at kumain ka na doon. Marc: ano bang gusto mo kainin? Mayet: alam na ni ate mayet yon. Marc: ok sige punta muna ako doon. Pumasok sa loob si marc at kinuha ang mga pagkain na para sa kanila. Marc: mga anak ito na ang pagkain ninyo ? Menchu: haha kuya anak talaga? Nagtawanan silang lahat Menchu: sino ang nanay namin kuya? Marc: ayun oh ang nanay nyo natutulog ?? Lily: haha marc Menchu: ate mich ikaw daw ang nanay namin ?? Mich: naku beh, nasiraan na yan ng ulo ang kuya mo intindihin mo nalang. Menchu: hahaha ate. Tumayo si michelle at kinuha ang suklay sa bag . Sinuklay ang buhok at bumaba ng sasakyan. Marc: saan ka pupunta? Mich: sa loob Marc: sabi mo dito ka kakain. Mich: mag cr lang ako. Marc: ah ok, gusto mo samahan kita??? Mich: alam ko pumunta ng cr . Marc: hahaha taray. Sinundan lang ng tingin ni marc si michelle habang pumapasok sa mcdo kaya tinukso sya ng mga kasama. Marc: kayo talaga mga anak ?wag kayong ganyan ha. Menchu: kuya bagay na bagay talaga kayo ni ate mich haha. Marc: tologo beng??? Menchu: ang ganda kaya ni ate michelle hehe. Kaibigan ni menchu: mabait pa! di sya sosyalera hehe akala ko nga nung una ko syang nakita sa bahay nyo suplada kasi di namamasinn yon pala napikon pala yon kay kuya marc ?? Marc: haha mahirap pa naman mapikon yon nambabato. Menchu: kung sosyalera yan at di mabait sure ako di maging close ni ate mayet yan haha. Lily: alam na alam ni menchu ah hehe Menchu: opo te! si ate mayet kasi maselan din pagdating sa mga kaibigan. Lily: tama ka hahaa Marc: Kayo talaga mga anak pinag -uusapan nyo ang nanay nyo ha haha Mabait naman kasi talaga si michelle at walang pinipiling tao na pa kikisamahan basta nasa tama lang at ang mas pinaka sa kanya ay yong pagiging makulit..... (sa isip ni marc na nakangiti pa) Menchu: kuya bakit napatulala ka at nakangiti ka pa dyan? Marc: wala kumain na nga lang kayo haha Pagkatapos ng iba kumain sumakay ulit sila ng sasakyan at umalis . Mayet: beh, kumain kana dyan ha. Mich: opo teh, thank you hehe ang ganda talaga ni ate haha. Mayet: talaga lang beh? Marc: bolera din pala ? Mich: totoo naman , ikaw lang naman ang bolero. Marc: umupo ka na nga! Lily: beh, kumain ka na mamaya di ka na makakain pag dating natin kasi busog ka pa hehe. Mich: haha ate. mayet: malayo pa tayo. Mich: hmmmm.... ang bango hehe. Marc: parang bata lang haha Binuksan ang box ng pagkain Mich: hati tayo marc . Marc: ubusin mo na yan alam mo naman na di ako kumakaim pag nasa byahe ako. Mich: kakain ka ngayon hehe. Marc: ayoko kumain ikaw nalang. Mich: ayaw mong kumain gusto mo subuan kita?? Natatawa si greg sa kanilang dalawa Greg: subuan mo nga mich ayaw ba kumain?? Mich: ayaw daw eh ? Marc: nag umpisa nanaman ang kakulitan mo. Mich: haha sige na kasi. Menchu: ang sweet ng nanay at tatay namin ah ???? Nagtawanan silang lahat. Greg: haha insan ano nanaman yan ?? Marc: haha insan . Mich: hala beh haha. Mayet: ikaw talaga beng? Mich: sige na kainin mo na to.. para maubos na. Marc: sabi mo subuan mo ako Mich:haha loko. Marc: ayaw namam pala. Kaya sinubuan siya agad ni michelle. Greg: nagkasubuan na sila hahaha. Lily: painggit talaga ang dalawa. Greg; ayan namis nya si badong hahaha lily: waaaahhhh greg??? Marc: kayo talaga haha. Mayet: gurl nakita ko si badong sa palengke? Lily: eh ano naman gurl?? Mayet: hahaha Greg: insan ok ka lang ba dyan?? Marc: ok lang insan haha Mich: namis nya kasi si ano kaya ako nalang muna magsubo sa kanya?? Nagtawanan sila sa sinabi ni michelle samantalang si marc parang naiinis sa sinabi nya. Mayet: may mapikon na naman yan mamaya? Marc: sino naman yan? ikaw ang galing mo talaga gumawa ng kwento. Greg: hahaha lagot Mich: hahaha ? Nabadtrip sya sa sinabi ni michelle kaya tumahimik sya habang si michelle di pa tapos kumain.. Oooopppppppssss ?! ITUTULOY ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD