Part13
"ikaw"
Habang naghihintay si marc sa sala kay michelle na lumabas ng kwarto lumapit si trixie sa kanya at umupo sa tabi nya.
Trixie: anong problema marc?
Marc: ha? wala.
Trixie: wala? nakasimangot ka?
Marc: ok lang ako.
Akala ni mich wala na si marc sa labas kaya lumabas na siya para uminom ng gamot sa sugat. Dumeretso sya ng kusina para kumuha ng tubig.
Trixie: anong nangyari sa kanya?
Marc: sino??
Trixie: siya?
Di nya nakita na lumabas si michelle kaya napatayo siya bigla sa sinabi ni trixie.
Marc: micch!
Sinundan nya ito sa kusina at naiwan si trixie na nakasimangot.
Nakita ni mich na magkatabi silang dalawa sa sofa
Marc: micch! ano ba ? di mo ba ako narinig??
Di pa rin sumagot si mich sa kanya at patuloy lang siya sa pagkuha ng tubig sa ref. naiinis na si marc dahil di sya pinapansin.
Marc: anong nangyari sa ulo mo?
Hinawakan niya sa ulo si mich pero umiwas ito
Marc: mich ! ano ba?
Mich: bitawan mo nga ako!?
Marc: galit ka rin sa akin!?
Mich: hindi!
Marc: bakit di ka sumasagot ?
Mich: wala lang!
Marc: ah ganun!
lalabas na sana sya pagkatapos uminom ng gamot pero hinaharangan sya ni marc.
Marc: ayaw mo akong kausapin?
Mich: kausapin mo sarili mo kung gusto
mo!
Marc: ikaw pa ang galit!?
Mich: di ako galit noh ! padaanin mo nga ako!
Marc: ano nga nangyari sa ulo mo?
Mich: wala!
Alam niya na nagtatampo ito kaya huminahon muna sya.
Marc: mich ano ba? Wag ka na magalit
sa akin.
Mich: padaanin mo nga ako sabi eh!
Marc: ok sige padaanin kita pero wag ka na magalit.
iniwan sya ni michelle sa kusina at pumasok ulit ng kwarto
Marc: shhhhhiiiiiit!!
pinuntahan siya ni maye sa kusina.
Mayet: hayaan mo muna sya marc.
Marc: malaki ba ang sugat nya te?
Mayet: di naman masyaado
Di na mapakali si marc dahil galit sa kanya ang dalaga
Mayet: Tara muna doon sa labas marc.
Marc: nabwebwesit ako ate! Haist!
Mayet: bakit kasi binabaan mo sya kanina?
Doon sila sa duyan nag -usap ng silang dalawa.
Marc: naiinis kasi ako kanina ate kaya nga
umalis muna ako kasi baka ano pa ang magawa ko.
Mayet: eh bakit ka naiinis?
Marc: kanina nakita ko binigyan sya ni lester ng bulaklak at tinanggap din nya.
Mayet: hay naku! marc nagagalit ka agad
di mo man lang sya tinanong.
Marc: bakit ko pa sya tanungin eh nakita
ko naman?
Mayet: nakita mo lang pero di mo alam ang dahilan kung bakit nya tinanggap ang bulaklak.
Marc: di ko na alam ate naiinis na ako eh nung nakita ko sila.
Mayet: di naman kasi para sa kanya yon. kinuha ni lester ang bulaklak na yon dahil nakasayad sa lupa at binigay kay michelle para ipalaga sa altar.
Marc: talaga ate??
Mayet: oo nga . ikaw talaga! kaya nga
nung nalaman niya na yon ang dahilan kung bakit ka umalis tinawagan ka nya tapos binabaan mo lang..
Marc: sorry naman kasi di ko alam.
Mayet: yan tayo eh inuna mo kasi ang selos kaya nagkaganyan ka... Sa kanya ka mag sorry marc.
Marc: pagkinausap na nya ako ate magsosorry ako sa kanya.. di ko lang talaga kasi mapigilan ang sarili ko magalit ewan ko ba! alam ko naman na wala akong karapatan magalit. hay!
Mayet: hanapin mo nalang ang plastic na
may stuff toys baka sakaling kausapin ka nya. kasi wala ng ginawa un kanina kundi ang maghanap.
Marc: sige mamaya hanapin ko . kasalanan ko naman kasi..
Mayet: masakit na nga ang balakang nya
nadagdagan pa ng sugat sa ulo.
Marc: Masakit ba balakang nya?
Mayet: Oo kahapon pa.
Marc: bakit di nya sinabi? . tinatanong ko
sya kahapon sabi napagod lang daw.
Mayet: ewan ko sa kanya
Marc: nadulas kasi siya doon te sa pinuntahan namin.
Mayet: ha? nadulas sya? Edi baka may pilay yon.
Marc: kaya nga eh.
Mayet: teka puntahan ko nga muna.
Marc: sige teh.
Di na sya mapakali dahil baka di na sya kausapin ni michelle.
Pinuntahan ni mayet si michelle para kausapin din pero di nya nakausap dahil nakatalukbong ng kumot kaya hinayaan nalang nya muna.
Tumatawag ang mama ni michelle kaya ginising nya ito
Mayet: beh gumising ka muna ang mama mo tumatawag.
Mich: ha! Sige akin na teh thanks.
Mayet: umiyak ka ba?
Di na nakasagot si mich dahil sinagot nya ang tawag ng mama nya. Pumasok si mayet sa cr dahil kanina pa sya naiihi kaya di sinasadya naririnig nya ang sinasabi ni mich sa mama nya.
Naawa sya kay mich dahil alam nya na miss na miss na nya ang mga magulang nya. Narinig din nya na may sinasabi si mich na PAL .
Mayet: baka pauuwiin na sya naku ( sa isip nya)
Lumabas siya ng cr at dumertso na sya labas ng kwarto iniwan si mich kausap ang mama nya.
Umupo si marc sa sala dahil pinuntahan siya ni trixie sa duyan kaya umiwas muna siya.
Hinayaan muna nyang humupa ang galit ni mich. Tanghalian at Hapunan hindi nya ito nakitang lumabas
............
Kinabukasan lumabas si mich at di pa rin pinapansin si marc . Kinausap sila ng mama ni mayet habang kumakain
Mama: mayet nak. mag uumpisa na ang sayawan bukas sa basketball court pwede ba kayo magvolunteer muna tumulong sa gate.?
Mayet: bakit ma, wala ba ang mga officer?
Mama: meron pero mga busy sila di na
makayanan .
Mayet: ah ok sige.
Lily: game ako pero ano ang gagawin
namin tita?
Mama: tutulong lang kayo sa gate
magbigay ng ticket sa mga lalaki
na papasok.
Cora: ok tita game kami hehe.
Janice: ako din .
Mayet: game agad?haha
Lily: hahaha gurl.
Mama: hay salamat akala ko ayaw nyo.
Janice: naku tita yan ang gustong gusto nila?
Mama: ganun ba? Buti naman
Mayet: sige ma kami ng bahala .
Mama: ok nak salamat hehe.
Mayet: mama talaga haha.
Mama: sige maiwan ko muna kayo ha.
teka bakit tahimik itong dalawa?( si marc at mich)
Mayet: kumakain kasi ma ?
Mama: ah ok. sige alis na ako ha kayo na ang bahala dito umalis din ang papa nyo.
Mayet: ok ma, sige ingat.
ngumiti lang si mich sa mama ni mayet samantalang si marc nakatingin lang sa kanya. Gusto sana nyang lapitan ito kaya lang baka magalit .
Pagkatapos nilang kumain pumunta sila mayet ng palengke at hindi sumama si mich dahil akala nya sasama din si marc.
Kaya si marc may pagkakataon kausapin siya. Umupo siya ng sofa sa sala kaya nilapitan sya ni marc at kinausap.
Marc: galit ka pa ba sa akin?
Di sumagot si michelle.
Marc: mich kausapin mo naman ako plss.
Tatayo sana si mich pero pinigilan nya.
Marc: mich naman wag ka muna umalis.
Mich: bakit ba?
Marc: mag usap muna tayo.?
Mich: wala naman tayo dapat pag usapan.
Marc: sorry na! pls..
Mich: bakit ka nagsosorry??
Marc: eh may kasalanan ako sayo . ?
Mich: ok lang yon. hayaan mo na.
Marc: mich naman sorry na plssss. ?
parang wala syang ganang kausapin si marc. Pero si marc todo ang paghingi ng sorry sa kanya.
Mich: bitawan mo muna ako iinom lang ako ng gamot.
Binitawan sya ni marc pero sinundan pa rin siya papuntang kusina .
Marc: sorry na plsss! sorryy na ! sorry na!?
Mich:tumigil ka na nga.?
Marc: sorry na pllllsss...?
naiirita sya na parang natatawa kay marc
Marc: sige na sorry na maawa ka naman sa akin?????
Mich: hala siya!? baliw talaga oh!
napangiti si marc ng marinig nya,na tinatawag syang baliw dahil alam nya yon ang laging tinatawag ni mich sa kanya
Marc: sorry na! bati na tayo!?
Mich:bati ka dyan pinatayan mo nga ako
ng cp tas sabihin mong bati? itatanong ko lang nman sana kung saab mo nilagay ang plastic..
Marc: eh kasi galit pa ako hehe.?
Mich: sa akin ka galit? ano ba ang
kasalanan ko??
Marc: eh kasi akala ko binigyan ka ng bulaklak ni lester at tinanggap mo naman. ?
Mich: eh ano naman?? ( akala mo naman kung magalit bf ko sya)
Marc: di ako papayag??
Mich: hay naku!
Marc: bati na tayo ha?
Mich: ewan ko sayo!
Marc: teka lang mag sorry ka rin sa akin
may kasalanan ka pala.?
Mich: ano naman kasalanan ko sayo??
Marc: bakit di mo sinabi sa akin na masakit balakang mo? baka napilayan ka nung nadulas ka doon sa pinuntahan natin.
Mich: bakit ko naman sasabihin sayo??
Marc: syempre bf mo ako at nag aalala ako sayo ? hehe
Napangiti si mich sa sinabi niya kaya nawala ang pag alala nya na baka di na sya kausapin ng dalaga
Mich: bf ka dyan! di ako nang aangkin ng di akin noh!
Marc: haha ganun? ?
Habang nag-uusap sila pumasok si trixie ng kusina at tinawag si marc.
Trixie: Marc, halika ka muna!
Marc: bakit?
Mich: puntahan mo muna baka magtampo.( sabay lumabas ng kusina)
Marc: Mich, sandali lang.
pumasok siya ng kwarto at nilock ang pintuan
Trixie: halika muna marc?
naiinis siya kay trixie dahil tinatawag sya.
Marc: bakit ano bang problema?
Trixie: samahan mo muna ako .
Marc: saan ?
Trixie: sa bayan sandali lang.
Marc: teka sandali lang ha.
Pinuntahan niya si Greg at kinausap na samahan si trixie sa bayan .
Marc: sige na insan samahan mo muna sya
Greg: baka ayaw nya insan.
Marc: di ako pwede insan alam mo naman na galit pa si michelle sa akin.
Greg: haha di pa kayo bati?
Marc: hindi pa! kaya sige na insan ?
Greg: ok sige .pumasok ka nalang muna sa kwarto para di ka nya makita.
Marc: salamat insan?
Di nya sinamahan si trixie dahil alam nya na isa rin sa dahilan bakit nagtatampo si mich sa kanya
Akala niya ok na sila ni michelle pero dahil tinawag siya ni trixie parang umiwas nanaman ulit sa knya ito kaya kinatok niya si mich sa kwarto.
hindi sya binuksan ng pinto kaya alam nya na nagtatampo pa talaga ito sa kanya
sa katagalan nya na pagkatok binuksan din sya ni mich dahil naiingayan na siya.
Mich: bakit ba??
Marc: halika muna dito!
nagulat si mich ng bigla syang binuhat ni marc at dinala sa sala
Mich: ano ba!! bitawan mo nga ako!!!
Marc: dito tayo mag usap( umupo siya)
Nahiya si michelle dahil naka kandong siya kay marc at parang nakayakap na siya sa binata habang hinahawakan ang kamay nya para di sya makaalis.
Marc: galit ka pa rin sa akin??
Mich: bitawan mo nga ako!.ano ba! ( nagpupumiglas)
Marc: di kita pakawalan pag galit ka parin!☺
Mich: bitawan mo kasi ako di naman ako galit eh.!!
Marc: ayoko! galit ka eh☺
Mich: isa bitawan mo ako!
Marc: ayoko parin ☺
Di makaalis si mich sa higpit na pagkahawak sa kanya ni marc.
Mich: di nga ako galit sabi eh!
Marc: galit ka eh!☺
Mich: hindi nga di ba?!
Marc: kung di ka galit kausapin mo na ako☺
Mich: bitawan mo muna kasi ako ! di ba nag usap na tayo kanina!?
Marc: ayoko!☺ galit ka eh.
Parang bata si mich habang nasa kandungan ni marc na nagpupumiglas makawala sa mga braso nito.
Mich: marcc,ano ba! Nakakainis naman to!?
Marc: alam ko galit ka! eh di sige magalit ka na dyan sige na ibuhos mo na ang galit mo sa akin.☺
Mich: kasi naman eh! sabi na nga na hindi akoooo galittttt!.
Marc: haha, galit ka nga sumisigaw ka pa nga oh!
napagod na din sya sa kakapiglas kaya di na sya gumalaw at nakaupo nalang sya sa kandungan ni marc habang tinitigan siya nito
Marc: ano? galit ka parin??
Mich: pakawalan mo na ako sge na.
Marc: kakausapin mo na ba ako?☺
Mich: oo sige na pakawalan mo na ako!
Marc: sure??
Mich: sure na baliw ka! Haist!
Marc: sige dito ka umupo sa tabi ko.
Mich: bitawan mo ang kamay ko!
Marc: ayoko baka aalis ka eh!
Mich: hindi nga!
Marc:ok sige.☺
Binitawan sya ni marc at pinaupo sa tabi nya.
Marc: sorry ulit mich ha☺
Mich: nakakainis ka kasi!
Marc: nakakainis ka din eh.
Mich: anong kasalanan ko bakit ka naiinis!?
Marc: kasalanan ? malaki! dahil mahal kita ( sa isip nya)
Nakatitig lang si marc sa kanya habang iniisip na mahal niya ang dalaga kaya sya nagalit .
Marc: bati na tayo?☺
Mich: sige na nga hay naku!
Marc: talaga!
Mich: paulit ulit?
Marc: syempre hanggat di ka tumawa hehe
Mich: tumawa talaga? ?
Marc: oo naman! namiss ko kaya yon ?
Mich: miss daw? mamaya magagalit sayo yon.
Marc: sino naman magalit?
Mich: weeh! kunwari di alam.
Marc: ikaw ha ?☺
Mich: anong ikaw?
Marc: ikaw ?ang pag -ibig? na binigay sa akin? ng maykapal? hahaha ?, narinig ko lang yan?
napatingin sya kay marc at patagong ngumiti dahil isa yan sa paborito nyang kanta.
Mich: hay naku marc!
Marc: bakit? eh kumakanta ako diba kanta yan??
Mich: ewan ko sayo. kanta nga yan eh ano naman ngayon?
Marc: wala lang kumanta lang ako hehe bati na tayo ha!? ( binulong kay mich)
Mich: oo nga sabi eh. pero nasaan na ang stuff toy?
Marc: dyan ko lang nilagay sa gilid baka niligpit nila
Mich: nasaan na kaya yon?
Marc: di ko na din alam eh ...patingin nga ng sugat mo?
Mich: magaling na yan natuyo na eh.
Marc: hindi pa eh . ..
mich: di na kaya masakit .
Marc: di ka tuloy makasama sa akin?
Mich: weeh. saan ka ba pupunta?.
Marc: bibili na ng mangga.
Mich: ang daya di ba sabi ko sasama ako sayo??
Marc: may sugat ka pa eh.
Mich: magaling na nga to!.
Marc: di pa nga eh haha
Mich: eh di sa susunod ka na lang bumili
Marc: haha gusto mo talaga sumama?
Mich: oo naman! nasaan na kaya ang stuff toy.?
Marc: bilhan nalang kita ng bago hayaan
mo na yon.
Mich: ayoko! hahanapin ko yon ulit.
Marc: haha nakakatawa ka talaga mich.
Mich: hay nakakainis!
Marc: hahanapin ko na nga lang mamaya kasi parang stuff toy lang eh.
Mich: syempre remembrance ko yon noh!
Marc: ganun pala yon ok sige na nga hahanapin ko na nga remembrance pala yon haha?
Mich: buti naman! sasama pala ako bukas sa kanila ate.
Marc: saan kayo pupunta?
Mich: doon sa basketball court.
Marc: anong sasama? di ka sasama doon!
Mich: at bakit hindi??
Marc: ayoko eh ?
Mich: ikaw pala ang ayaw eh
Marc: kung sasama ka doon kailangan pag niyaya ka na sumayaw sasama ka kasi nasa loob ka ng sayawan gusto mo yon? bawal tumanggi baka magalit sayo haha
Mich: ganun! eh di hindi nalang pala.
Marc: ganun na nga?
Mich: baka niloloko mo lang ako?.
Marc: oo nga kahit itanong mo pa kay ate.
Mabilis nawala ang tampo ni mich dahil di rin nya matiis ang binata
Nasa labas si marc pagdating nila mayet habang tinitingnan ang kanyang motor.
Samantalang si mich pumasok ng kwarto at inayos ang bandage sa ulo nya.
Mayet: marc, paki buhat nga ito malaki
naman katawan mo?
Marc: haha ate ok sige walang problema.
Lily: kung buhatin nga nya si mich parang
wala lang sa kanya haha
Cora: di ba gurl may pic ka non na binuhat nya si mich palabas dito sa tricycle.?
Lily: oo naman haha.
Marc: kayo talaga pero pwede nyo
bang ipasa sa akin hehe??
Mayet: haha naku! suyuin mo muna si
mich para naman ok na?
Di nila alam na bati na ang dalawa.
Marc: hayaan mo siya teh,?
Cora: weeehhh. hayaan daw
Janice: bilhan mo ng mangga marc baka
di na magagalit yon
Mayet: kayo talaga haha
Marc: hayaan nyo sya ?
Habang nilalagay nila ang pinamili sa ref pumasok si mich sa kusina para kumuha ng baso na lagyan ng mainit na tubig habang may kausap sya sa isang phone ni mayet.
Lily: marc, ( ngumuso kay mich)?
Marc: haha?
Mayet: wag kayo maingay kausap yata ang mama nya.
narinig ni cora ang sinasabi ni mich sa kausap dahil tumabi ito sa kanya .
Cora: hala gurl baka uuwi na siya? ( binulong sa kanila)
Mayet: ha?
napatigil si marc sa ginagawa nya sa sinabi ni cora.
at ng Lumabas si mich tumawa si lily
lily: hahaha naku! goodbye na ba.
Marc: haha ?
Mayet: lagot na haha
Marc: hay naku!
Nagtataka sila kung bakit parang wala lang sa kanya. Pagkatapos ni mich kausapin ang mama nya.Pumunta sya sa knila At yumakap kay mayet.
Mayet: bakit beh? ano sabi ng mama mo?
Hinihintay lang ni marc na sabihin nya na uuwi na sya at kinabahan si marc.
Mich: atehh……
Lily: hahaha beh
Cora: uwian na ba beh??
Janice: hahaha bye na ba.
Mayet: ano sabi ng mama mo?
Marc: wag nyo akong iwan ??
Lily: hahaha.
Lumapit siya kay michelle.
Marc: uuwi ka na ba ? sasama ako ha?
nagtawanan sila lily cora at janice.
Mayet: beh, haha sama daw sya oh
Mich: sasama ka? baka iiyak siya dito pag iwanan mo?
Marc: haha ganun!
Cora: naku bati na pala ang dalawang ibon?
Lily: kaya pala kampante na ang loko haha
Marc: hahaha sabi ko sa inyo eh hehe??
Mich: kung di ba naman kasi siraulo yan
Mayet: kaya ang lakas ng loob magsabi na sasama siya haha
Marc: kayo talaga hehe
Mayet: pero beh anong sabi ng mama mo kasi narinig ni cora na uuwi ka na.
Mich: oo nga uuwi ako sa susunod pa na buwan??
Mayet: ha? Haha ?
natuwa si marc sa narinig nya
Mayet: matagal tagal pa pala.
Mich: opo teh hehe
Mayet: haha galit pa ba syo?.
Mich: di na daw kasi mabait daw ako dito haha
Marc: mabait eh nang aaway ka dito?
Mich: ikaw naman nauuna.
Mayet: mahaba pala ang bakasyon ko haha
Mich: atehh.?
Cora: masaya na si marc oh
Marc: kanina pa haha
Lily: hahaha.
Masaya na ulit sila at di pa rin maiwasan ang tuksohan at asaran nilang dalawa ...
Ooooooopppssss ?!
ITUTULOY ...