Part3
"Ikaw"
Ang aga nagising ni michelle at maganda ang mood.
Mich: Good morning mga ate
GoodMorning din baby, sagot ng mga ate
Mich: hehehe, baby talaga?
Mayet: ang aga ng gising mo ah, nagising
ka na ba sa mahaba mong pagtulog
Lily: wow! parang fairytale lang haha
Mich: ang sarap ng tulog ko ate hehe
parang nakatulog ako ng isang taon
sobrang gaan sa pakiramdam.
Mayet: buti naman kung ganun. ok sige
ikaw na muna mauna maligo.
Lily: full charge si baby gurl ah
Mich: hahaha oo nga eh.
Mayet: kulang ka kasi sa pahinga
Janice: ganito talaga dito kaya
makapagpahinga ka dito
Cora: gamitin mo ang mga araw ng
parusa mo sa pagpapahinga hahaha
Mich: haha may ganun. teka maligo na
ako . teka bakit maingay sa labas?
Lily : talagang ngayon ka lang
nakaramdam ng ingay
Mich: wala eh,lowbat ang kaluluwa ko
Mayet: malapit na kasi fiesta dito beh,
kaya ganun .
Mich: Talaga? wow
janice: mamaya gagala tayo tingnan nyo
si cora haha abala sa kilay nya
Cora: gurl, kilay pa lang yan
Mich: ate cora, saan ang rampa haha .
maligo na nga muna ako.
Lily : sige beh, at ako susunod
Habang naliligo si mich si mayet lumabas para ipaghanda ang mga kaibigan ng pagkain
Mayet: gurls, dito nalang tayo ang daming
tao sa kabila .
Lily: ok gurl, parang fiesta na gurl haha
janice: wow! daming pagkain hmmm.
Cora: mukha mo gurl, akala mo naman
marami ang kakainin haha
Janice: napa wow lang ako haha
Lily: hanggang sa wow lang yan siya
takot yan tumaba.
Mayet: tingnan natin kung makapag diet
pa kayo dito.
Mich: ate, ano yan?
Mayet: adobong baboy beh
Mich: ayoko nyan teh, manok lang sa akin
Lily: ito beh manok.
Mich: salamat magandang ate
Lily: haha, bolera din pala ang baby natin
Mich: di naman ,nagsasabi lang ng totoo
Mayet: sige na kumain na kayo
Mich: ikaw ate ayaw mong kumain?
mayet: kakain din may kukunin lang
ako.
Habang kumakain sila pinakilala ni mayet si michelle sa mama nya. at nakipagkwentuhan na din sa kanila lalo na kay michelle.
Mama: ok lang ba kayo dito? kain lang ng
kain walang diet muna ha
Janice: di oobra ang diet tita haha
Lily: sus, ikaw lang naman ang nag diet
kunwari haha
Cora: pareho lang nman tayo haha
Mayet: Ma, si Michelle pala diko pa siya
naipakilala sa inyo. beh,(mich) ang
pinakamaganda at mabait kung
mama haha
Mich: Hello po tita!.mano po! sorry po
ngayon lang ako nakabangon hehe.
Mama: Kaawaan ka ng diyos anak, ok ka
na pala at nakasabay ka na sa
kanila.
Mich: opo, tita magkamukha kayo ni ate
mayet
Mayet: nagmana talaga sa akin yan
Mama: ang galing! ako pa ang nagmana
sayo .
Mayet: hahaha labyoh ma,
biglang namiss ni michelle ang ina kaya pinipigilan nya ang sarili na umiyak.
Nakipagkwentuhan ang mama ni mayet sa kanila at sila naman tawa lang tawa sa kinukwento ng mama nya hanggang sa napunta kay michelle ang topic at di nila namalayan na wala na pala silang kasama.
Mama: ikaw ba ok ka lang ba?
Mich: ok na po ako tita. siguro
naikwento ni ate mayet sayo ang
dahilan bakit ako nandito.
Mama: oo, lahat kasi di ko siya tinigilan
tanungin kasi nagtataka ako.
pasensya ka ha.
Mich: ok, lang tita wala naman masama
Mama: alam mo kasi anak,ganun talaga
kaming mga magulang sobrang
maalaga sa mga anak at sobrang
mag -alala kaya minsan di na
namin namamalayan na nasasakal
na pala kayo pero hindi ibig sabihin
di na namin kayo mahal. Tandaan
niyo walang magulang na hindi
mahal ang mga anak lalo na ang
isa ina kase parte kayo ng buhay
namin syempre galing kayo sa
sinapupunan namin kaya ganun
kami kung mag -alala sa inyo.
Mich: Mahal ko naman mga magulang
ko tita , pasaway lang talaga ako.
Mama:ok lang yan, atleast alam mo ang
kamalian mo, tanggapin mo na
lang kung ano man ang paraan ng
magulang mo sa pagdisiplina sayo
hindi naman mahirap di ba? ok lang
yan habang nandito ka ako muna
ang mama mo hehehe.
Mich: salamat tita ha,( sabay yakap)
Mama: wala yon ( sabay yakap at tapik
sa likod ni mich) kung gusto mong
kausap nandito lang ako.
Mich: salamat tita ,ang bait nyo naman
Mama: di naman masyado
Si mich di napigilan tumulo ang luha sa sinabi ng mama ni mayet kaya ng pumasok siya nagtataka siya bakit umiyak si michelle.
Mayet:Anong nangyari? Bakit may iyakan
nagaganap mmk lang?
Mama: wala, nagpraktis lang si michelle
isasali ko siya mamaya sa aktingan
doon sa plaza
Mich: tita talaga haha ( sabay punas ng
luha)
Mayet: lumabas lang ako nag mmk na
kayong dalawa
Mama: haha loka ka talaga nak,sige na
aasikasuhin ko muna mga bisita nyo
Mich: ok, tita salamat ulit
Mama: no problem nak,
Mich: ate
Mayet: bakit ? ok ka lang ba? bakit ka
umiyak?
Mich: naiyak lang ako sa sinabi ni tita.
Mayet:ah, kaya pala hahaha.
Mich:hehehe, tagos sa buto eh.
Mayet: ganun talaga si mama kung
makapagpayo yan daig pa ang pari
hahaha.
Mich: ok lang ate , tama naman mga
sinabi nya hehe.
Mayet: ok tara na at ipakilala kita sa mga
pinsan at pamangkin ko at sa
mga kapatid ko.
Mich:ok sige ate.
Habang ipinakilala siya ni mayet sa mga kamag-anak di nya maintindihan ang sarili bakit parang nahihiya siya sanay naman siya makisalamuha sa mga tao pero bakit dito parang hiyang hiya siya sa mga tao 0. Kaya kahit saan magpunta si mayet talaga sumasama siya na para bang ayaw niya maihawalay sa kanya. Kahit sa pagkain nila talagang magktabi sila ni mayet at hindi sya nakikipagkwentuhan at nakikinig lang siya sguro baka kasi di naiintindihan minsan ang sinasabi nila .
Mich: ganito pala ang buhay dito sa
probrinsya, parang mga walang
problema ang mga tao dito.(sa isip
niya) kaya ang dapat kung gawin
aliwin ang sarili para di makapag-isip
ng kung ano-ano. Kayang kaya ko ito!
isipin ko nalang na nandito ako para
sa isang bakasyon at hindi sa parusa
ni mama Nandito na ako eh kaya
masubukan nga ang buhay probinsya at
maging isang probinsyana ..
Simula nang nakapag- isip si michelle sinimulan na rin niyang makipaghalubilo sa mga kamag-anak nila mayet ganun din sa mga taong nandoon sa bahay .Sinimulan nya ang buhay probinsya ng masaya at maging positibo sa lahat ng bagay na palaging sinasabi ng mga magulang niya sa kanya.
Oooopppssss ?
ITUTULOY ...