Part18
"ikaw"
Habang nakasakay sila ng motor kumanta na naman si marc..
Marc: ??you? look ?so beautiful in white?????
Mich: nabaliw na talaga sya oh?
Marc: haha .
mich: tawa ka dyan!.
Marc: sabihin mo nga sa akin kanina ang sinabi mo haha?
Mich: ewan ko sayo!
tahimik lang siya dahil di na nya kaya ang hiya na bumalot sa katawan nya sa drama nila knina.
Marc: ang sarap pakinggan ng bhe kanina??
Mich: haha marrcccc!!.tumigil ka na .
Marc: tapos mahal na mahal daw nya ako hehehe ????
Mich: marrrccc...!?
Marc: tapos may iloveyou too pa with kiss ????aaayiieeeehhhh!
Mich: ikaw na nga tinulungan ikaw pa ang mang asar!!!!!!!!
Marc: sinagot mo na ako kanina haha??
Mich: hala sya haha?
Marc: ang galing sumagot saan nga tayo nagmeet? Haha??
Mich: di ko na alam ano ba yong sinabi ko??
Marc: haha mahal na mahal talaga???
Mich: marc tama na nakakainis ka.?
Marc: haha ano yan bhe hehe'???
Mich: haha bhe talaga? ok lang ordinaryo nalang yan sa pandinig ko kasi yan naman kadalasan ang tawag sa akin
Marc: weehhh. Di nga?..?
Mich: oo nga ,di ba yan ang tawag nila ate sa akin hehe
Marc: sige yan itawag ko sayo ha bahala ka wala akong pakialam kung ordinaryo nalang yan sa pandinig mo. haha
Mich: siraulo ka talaga! sumbong kita kay ate mayet
Marc: haha magsumbong ang bata.
Mich: bata ka dyan!
Marc: oo nga pala di ka na pala bata??
Mich: yon pala si venuz ? Hehe
Marc: yon nga, nagseselos ka nanaman ba????
Mich: hay naku nakakainis ka!?
Marc: oh bakit!? ikaw ang nagtanong tapos nainis ka ano kaya yan?.?
Mich: kasi ang sinasabi mo may halong pang aasar.?
Marc: di naman eh?
Mich: di daw nakakainis ka talaga
Marc: haha basta mahal na mahal mo ako at aalagaan mo ako??????
Mich: haha paulit ulit.?
Marc: sarap kasi pakinggan hehe
Mich: ikaw kasi bakit mo ako pinakilala na gf mo!
Marc: pwede mo naman itanggi yon pero di mo ginawa haha.
Mich: baka kasi magalit ka! kainis ka.
Marc: pero diko inasahan na sumang ayon ka din with subo pa haha
mich: haha kasi naman eh.
Marc: kaya nga umalis na ako baka mahalikan pa kita sa alam mo na ?????
Mich: subukan mo lang !
Marc: kaya nga di ko sinubukan haha baka makatikim ako ng sampal
Mich: buti alam mo!
Napansin ni marc na lumuwag ang paghawak niya sa kanya kaya bigla nyang binilisan ang motor. kaya nagulat at napakapit ito sa kanyang baywang
Mich: ito bigla nalang magpabilis ng takbo!?
Marc: humawak ka kasi ng maayos?!
Mich: maayos naman yan ah anong gusto yong di ka na makahinga??
Marc: pwede rin hehe
Mich: sira ka talaga!
Marc: haha ,i love you
Mich: ewan ko sayo!
may naisip si marc na puntahan bago sila umuwi ng bahay
Marc: may daanan muna tayo sandali lang.
Mich: hala sya! saan nanaman yan akala ko ba uuwi na tayo.??
Marc: sandali lang tayo.
Mich: hay sige na nga.
Marc: sigurado ako na magustuhan mo doon
Mich: weeh !paano mo alam?
Marc: basta !
Habang patuloy ang pagpatakbo ni marc ng motor nakatingin si mich sa dinadaanan nila na halos puno ng mga kahoy
Mich: Ang ganda ng pagkatanim ng mga puno nakalinya talaga?
Marc: alam mo ba ang mga puno na yan?
Medyo malayo konti ang mga puno sa kalsada kaya di masyadong makita ang mga bunga kaya di nya alam kung anong puno
Mich: hindi eh!
Marc: Puno ng mga Mangga yan
Mich: talaga! ?wow!
gusto sana nyang pumunta sa mga
puno kaya lang hindi naman pwede dahil may puntahan si marc at isa pa baka magalit ang may ari
Marc: wag mong sabihin gusto mo pumunta dyan??
Mich: sana hehe, pero wag nalang.
Ang manggahan na yan ay pag mamay ari ng pamilya nila marc dahil isa yan sa kabuhayan nila. Pagdaan nila sa bandang gate may taong nagbabantay at kumaway sa kanila
Marc: kuya pwedeng pumasok dyan?
Ang lalakeng nagbabantay nagtataka kung bakit nagtanong pa sya kung pwedeng pumasok eh kahit anong oras pwede naman syang pumasok.
Lalake: pwede sir pasok na kayo ..
Lumingon siya kay mich at tinanong kung papasok ba sila.
Marc: gusto mo o wag nalang?
Mich: eh may puntahan ka sabi mo di ba?
Marc: ok lang.
Mich: sure ka?
Marc: oo nga ani papasok tayo?
mich: sige ,pero baka pagalitan tayo ng may ari?
Marc: nagpaalam naman tayo sa nagbabantay.
Mich: ok sige.
Marc: ayaw mo yata eh, sige alis nalang tayo.?
Mich: ahh marc?? sige na pasok tayo gusto ko makakita ng mangga na nasa puno pa hehe
Marc: ayoko nga!??
Mich: arte ? sige na ah
Marc: kiss muna???haha
Mich: hay naku uwi na nga tayo!
Marc: hahaha joke lang ??
Mich: kasi eh! Sige na hehe
Marc: smile ka muna ?? sige na .
Ngumiti si mich na naiinis dahil sa mukha ni marc at nakita ni marc sa salamin ng motor.
Marc: ang cute talaga nya??
Mich: haha marc naman kasi tigilan mo na kasi ako.
Marc: ok sige na nga??
Mich: tara na .
Marc:?
Pumasok sila at may maliit na bahay sa loob .
Mich: maganda pala dito.
Marc: tara doon tayo.
Dinala sya ni marc sa gitna ng manggahan para makita ang mga mangga na maraming bunga.
Mich: wooooow!? hala ang dami naman yan.
Marc: gusto mo picturan kita ?
Mich: oo nga pala sige sige hehe
Tumayo sya sa gitna at pinicturan sya ni marc Halos mapuno na ang cp ni marc sa kanyang picture. Natutuwa din si marc dahil kahit sa simpleng bagay lang nakikita nya na masaya ang dalaga.
Marc: pwede ka pala maging model ng mangga haha
Mich: haha grabe ka
Marc: doon pa oh ?.
May lumapit sa kanila na isang lalake na nagtatrabaho doon sa manggahan
Lalake : magandang hapon sir ,mam.
Mich: magandang hapon din kuya.
Marc: magandang hapon din kuya.
Lalake : gusto nyo po sir ng mangga?
Marc: may harvest ba kayo ngayon?
Lalake: Kanina sir pero nailagay na namin sa mga lalagyan para e deliver bukas, pero kung gusto nyo kuhaan ko kayo.
Marc: ah ok lang kuya
Mich: kuya saan ka ba kukuha? Hehee
Lalake: doon mam sa kabila
Mich: tara marc sama tayo hehe.
napakamot nalang siya ng ulo at sumunid
Marc: tssk ...ok sige tara.
Dinala sila ng lalake sa kabila para kuhaan ng mangga
Mich: omg!? wow! mas marami pa pala dito.
Marc: kuya bakit yan di ninyo hinarvest?
Lalake: kasi sabi ng papa mo huwag daw muna yan.
Buti nalang si mich namangha sa dami ng bunga ng mangga kaya di nya narinig ang sinabi ng lalake.
Marc: ah ganun ba?
lalake: sir ang kasama mo oh tuwang tuwa .?
Marc: kaya nga eh ngayon lang nakakita ng ganyan hehe
pumunta si mich sa ilalim ng puno at gustong abutin ang bunga kaya lang di nya maabot ito Kaya natawa si marc sa kanya. Nilapitan niya ito at binuhat habang nakatalikod sya
Mich: ayyyy!! kalabaw!! uyy ano ba!?
Marc: di mo kasi maabot kaya ayan abutin mo na.. bilisan mo ang bigat mo haha??
Abot kamay na ni mich ang mangga at tuwang tuwa siyang pinitas ang mga ito.
Mich: yeheeey!!!??
Marc: haha parang ngayon lang nakahawak ng mangga.
Mich: sige na ibaba mo na ako
Marc: ayoko hehe??
Mich: sige pag nabitawan ko ito mamaya matamaan ka talaga ?
Kaya binaba siya ni marc dahil masakit pa naman mahulogan ng mangga.
Marc: ang bigat mo na haha?
Mich: di bale kaya mo naman ako haha joke.
Marc: aba! aba! nagustuhan nya
Mich: uyy! di noh haha
Marc: talaga lang ha haha
Mich: marc, pwede bang umakyat sa puno?
Marc: pwede,bakit gusto mo bang umakyat?
Mich: sana try lang hehe
Marc: sana ka dyan di pwede mamaya mahulog ka pa dyan.
Mich: try lang naman kung kaya ko hehe
Marc: wag na !at wag ka ng makulit!
Mich: edi wag hehe
Marc: picture ka nalang
Mich: sige ,teka hanap ako ng patungan para maabot ko ang mangga tapos picturan mo ako.
Marc:huwag na mamaya mahulog ka pa.
Kumuha siya ng mapatungan
Marc: wag yan maliit yan baka matumba yan.
Mich: ok lang yan di yan matumba
kinuha niya ito at nilagay sa tapat ng bunga para maabot nya . Habang hinahawakan siya para pumatong sa maliit na patungan nang biglang tumagilid ito at buti nalang nasalo sya agad ni marc
Mich: ouuuchh!!!?
Marc: ayan kasi di nakikinig haha
Mich: aray ko! Ang paa ko!
Marc: aray ka dyan ang kulit mo kasi sabi ng wag na.
Mich: mabigat na nga talaga ako pati patungann di na ako nakayanan haha
Marc: hahaha..
di mapailiwanag ni marc ang saya na nararamdaman ng mga oras na yon habang nakayakap sa kanya si mich na muntikan na mahulog.
Marc: oh ano ok kalang ba??
nagulat si mich sa tanong ni marc dahil nakayakap pala siya sa kanya.
Mich: ok na ibaba mo na ako!
Marc: gusto mo lang yumakap sa akin eh???.
Mich: uyy!! hindi noh. ( nahiya)
nahiya sya sa sitwasyon nya na nakayakap sa binata
Marc: joke lang ?
Mich: nakakainis ka.?
Marc: umakyat ka na ulit !
Mich: ayoko na!
Marc: haha akala ko aakyat ka pa ulit eh
Tinawag sila ng lalake na kanina pa nanonod sa kanilang dalawa
Lalake: sir doon may mababa na puno doon baka maabot nya.
Mich: hala si kuya hehe kuya salamat saan yon kuya? Hehe
Sumunod si mich sa lalaki at nakita nya parang maabot nga nya ang mga bunga kahit pa nga di na nya abutin ay maabot na nya ang mga bunga nito kaya kinuhaan sya ng picture ni marc habang hawak ang mangga na nasa puno pa.
Marc: tama na yan! Dami na oh
Mich: haha ..isa pa doon pa oh hehe
Tinawag ni mich ang lalaki at binigay sa kanya ang cp
Mich: kuya kuhaan mo kami ng picture pls hehe
Lalake :ok pero di ako marunong nito.
Mich: ganyan lang kuya nakaready na yan tap mo lang dito.
Lalake: ok ok sige
Hinila nya si marc para magpicture silang dalawang halos di na makagalaw si marc sa ginawa nya
Mich: halika ka doon hehe
Marc: pati ako idamay mo sa pagmomodel mo dyan haha
Mich: syempre! Sige na hehe
Nagpose sila habang kinukuhaan sila ng picture ng lalake. Natutuwa si marc dahil di masyadong naiilang sa kanya ang dalaga
marc: tama na yan kuya .
Mich: dito pa oh hehe
Marc: tama na yan bhe pagod na ako ?
napatigil sya sa sinabi ni marc kaya di na sya nagpumilit pa
Mich: hay ewan hehe
Marc: haha? tama na ang dami na yon
Mich: kuya salamat ha.
Lalake: walang anuman , sige maiwan ko muna kayo ha
Marc: sige kuya salamat ulit.
Umalis na ang lalake habang si mich parang ayaw umalis sa manggahan kaya lang naisip nya na may puntahan pa si marc.
Mich: tara na marc alis na tayo
Marc: aalis na ba tayo?
Mich: di ba may puntahan ka pa?
Marc: oo nga dito yon
Mich: dito??
Marc: opo kasi sabi mo dati na gusto mong sumama sa akin pagbibili ako ng mangga kaya ito may manggahan dito kaya dinala nalang kita dito.?
Mich: talaga! ayy ang sweet naman ???? haha
Marc: haha ikaw talaga.
Mich: pero salamat ha sa totoo lang first time ko talaga makakita ng mangga na nasa puno pa at tsaka ito oh ang daming bunga.. hay ewan ko ba kung bakit ngayon lang ako nakakita ng ganito super ang daming bunga hehe
Marc: pwede ka naman bumalik dito kung gusto mo??
Mich: kailan pa kaya yon?
Marc: kung kailan mo ako sagutin??
Mich: uwi na tayo marc hehe
Marc: hahaha sabay ganun. umiwas agad..
Mich: haha
Marc: ibabalik kita dito kahit anong mangyari mich (sa isip nya)
Mich: tara na baka gabihin tayo.
Marc: ok sige ,tara na.
Nagpaalam na sila sa nagbabantay at umalis pauwi ng bahay nila marc. Habang nasa motor sila masayang masaya si mich sa pagdalaa ni marc sa kanya sa mga lugar na gusto nyang makita.
Di na nya maitanggi sa sarili na napamahal na din ang binata sa kanya kaya lang kailangan nya muna ilihim ito dahil gusto nya siguraduhin na mahal nga ba nya ang binata o baka dahil madalas lang silang magkasama kaya nya ito nararamdaman. Nagulat siya ng biglang nagsalita si marc.
Marc: malapit na tayo bhe??
Mich: bhe ka dyan . di ko na alam anong gagawin ko sayo grrrrrr....
Marc: ang gagawin mo sagutin mo na ako hehe
Mich: tapos??
Marc: tapos tayo na ??
Mich: tapos??
Marc: di na kita ibalik sa kanila ate mayet?
Mich: haha di ako papayag
Marc: ano kaya kung di na kita ibalik doon??
Mich: uuwi akong mag isa doon .
Marc: di mo naman alam??
Mich: anong hindi? alam ko kaya.
Marc: baka maligaw ka? Haha
Mich: hindi noh!?
Marc:weeh hindi daw...
Nang dumating sila sa bahay si mich nagyaya ng umuwi .
Mich: marc uwi na tayo.
Marc: uuwi na nga tayo.
Mich: magpaalam muna ako sa mama at papa mo.
Marc: mama at papa mo na rin yon??
Mich: haha baliw !
Marc: uyy! gusto nya haha.?
mich: weeh. Tigilan mo nga ako!
Narinig ng mama at papa niya ang pagdating nila kaya lumabas sila ng kwarto.
Mama: nak, bukas na kayo bumalik ni michelle
Mich: hala! ( Sa isip nya)
Marc: ma, di pwede kasi sabi ko kay ate mayet babalik kami agad.
Mama: ah ganun ba? Ok sige.
Marc: bakit ma? may ipaggawa ka ba sa akin?
Mama: wala naman, gusto ko sana tumagal konti si michelle dito sa bahay.
nagulat si mich sa sinabi ng mama niya
Mich: baka pagalitan ako ni ate mayet tita. hehe.
Papa: ah ok sige basta bumalik ka dito iha ha .
nakangiti lang si marc sa kanila.
Mich: di lang ako sigurado kung makabalik ako dito hehe.
Marc: sigurado yan makabalik ka dito!
Papa: magpasundo ka nalang kay marc kung makauwi ka na ng manila kung gusto mong pumunta dito
Mama: kahit anong oras iha pwede ka dito bumalik ?
Mich: ok sige po hehe..
Marc: ayan ha sunduin kita doon?
Mich: haha talaga lang ha
napansin nya na ang mga magulang nya tuwang tuwa kay mich kaya mas lalong napamahal sa kanya dalaga .
Papa: marc nak halika muna may sasabihin lang ako sandali.
Marc: ok pa,, mich iligpit mo na mga gamit mo ha para mamaya aalis na tayo baka may makalimutan ka.
Mich: ok sige wala naman akong ibang dala kundi ang bag haha
Marc: kaya nga hehe halika pa ano ba ang sasabihin mo.
Umalis sila marc at ng kanyang ama naiwan si mich at ang mama nya kaya may pagkakataon pa na makausap nya si mich ng matagal.
Mama: masaya akong makita si marc na ganyan?
Nagtataka si mich sa sinabi ng mama ni marc.
Mich: bakit po ano po ba sya dati?
Mama: dati di yan namin nakikita dito sa bahay ng isa dalawa o tatlong araw meron pa nga isang linggo di umuuwi dito..
Mich: saan ba sya pumupunta tita?
Mama: sa mga kaibigan nya magkasama sila palagi.
Mich: ah ganun po ba.
Mama: alam mo first time nya magdala ng kagaya mo dito sa bahay nakailan gf na yan sya pero di namin kilala at di rin nya pinakilala sa amin .
intersado si mich sa kwento ng mama ni marc kaya ang dami nyang tanong.
Mich: pasaway ba talaga siya sa inyo tita hehe?
Mama: hindi naman sa pasaway yon bang parang wala ng bukas kung makipagbarkada pero sa akin ok lang magbarkada sya kasi mababait naman mga kaibigan nya yon nga lang di maiwasan ang kapilyohan nila . Babae at alak ang palagi nilang kasama
Mich: opo kasi nameet ko na ang iba nyang kaibigan .
Mama: ang pagpunta nya doon sa kanila mayet napilitan lang yon siya dahil nagalit ang papa nya sa kanya kaya siya ang pinapaasikaso sa lahat ng mga transaksyon ng papa nya doon .
Mich: ah kaya pala hehe.
Mich: parang ako din napilitan lang pumunta sa bahay nila ate mayet dati. ( sa isip nya)
Mama: akala ko nga kung pumayat sya dahil ayaw nga nya doon nagulat ako kanina ng makita sya parang di naman apektado at parang wala lang nangyari at hindi sya galit sa papa nya.
Gusto pa sana nyamg magtanong kaya lang baka hindi na tama ..kaya iniba nalang nya.
Mich: fiesta kasi doon tita kaya tumaba sya hehe..
Mama: ah oo nga pala.
Mich:di ba kayo pumupunta doon?
Mama: minsan pumupunta kami kaya lang malayo kasi hehe
Mich: kaya nga po ang layo ng lugar nyo sa kanila ate mayet
Mama: hay!kailan kaya mag asawa ang bata na yan?
Nagulat si mich sa sinabi nya
Mich: bakit po gustong gusto nyo na po ba sya mag asawa hehe?
Mama: oo naman iha para naman mag kaapo na kami ng papa nila.hehe
Mich: haha ganun ba?
Mama: nililigawan ka ba niya??
nahiya si mich sa tanong nya kaya nagkunwari nalang sya na di nya alam.
Mich: ha? di ko po alam hehe
Mama: sana nga ligawan ka nya dahil mabait ka at nakikita ko kanina kung gaano sya kasaya habang magkausap kayo? .
Mich: hehe ganun lang talaga sya tita.
Mama: sana kung manligaw sya sayo sana sagutin mo agad hehe joke lang iha ha..
Mich: my gosh!! pati mama nya naki joke na din ( sa isip nya)
Mich: di ko pa alam tita haha.
Mama: basta iha bumalik ka dito kahit di kayo ni marc ok lang. ?
Mich: sige po pag may time pupunta ako dito.
Naputol ang usapan nila ng bumalik na si marc at ang papa nya.
Marc: ano alis na ba tayo?
Mich: ha? sandali di ko pa nailigpit ang gamit ko haha
Marc: hay naku! sinabi ng iligpit muna bago magdaldal. ?
Mich: eh nakalimutan ko eh?
Marc: sige na iligpit mo na doon.
Nakangiti ang mama at papa nya sa kanilang dalawa .
Habang si mich nagliligpit ng gamit nya sa guestroom nagtanong ang mama ni marc sa kanya. ..
Marc: nak, niligawan mo ba sya??
Natawa si marc at ang papa nya sa tanong ng mama nya.
Marc: ma, haha?
Mama: bakit ka tumawa ??
Papa: ma, dalhin ba nya dito yan kung hindi.
Mama: ganun ba??
Marc: bakit ma ? gusto mo ba sya para sa akin?hehe
Mama: gustong gusto nak. di ko alam kung bakit ang gaan ng loob ko sa kanya.
Papa: baka gusto mo lang magkaapo kaya ka ganyan
Marc: hahaha
Mama: bakit ikaw pa hindi ba??
Marc: ma, pa wag na kayo mag talo wag kayong mag alala bibigyan ko kayo ng apo haha
Mama: hay! binata na talaga ang anak ko.
Marc: mama talaga?
Papa: ayan na nag umpisa na nanaman ang mama mo?
Mama: basta nak ha kung sagutin ka na nya , yayain mo agad magpakasal hehe joke lang nak .. mga bata pa naman kayo kaya enjoy lang muna wag kayo magmadali na pasukin ang buhay may asawa..
Di nila alam na yon naman ang gusto nyang gawin na kaya lang anong magagawa nya di pa sya sinasagot at isa pa di pa handa si mich sa ganun bagay.
Marc: yon nga lang ma di pa ako sinagot haha?
Napatigil sila sa pag uusap nila ng lumabas na si mich.
Marc: ok na ba?
Mich: ok na hehe
Marc: naligo ka ba?
Mich: hindi ah paano ako makapaligo wala akong dalang damit
Marc: haha oo nga pala
Mama: gusto mo bang maligo iha baka kasya ang damit ni sofia sayo.
Mich: ah wag na po tita . salamat hehe
Marc: wag ka na maligo ako lang naman ang makakaamoy ng amoy mo ?
Mich: nakakaloka talaga to?
Mama: sana bukas na kayo umuwi.
Mich: kung pwde lang sana tita.
Marc: sa sunod ma tatagalan nya dito ang bakasyon promise ???
Mich: hala nangangako na sya. ?
Papa: sige na kung aalis kayo umalis na kayo habang maaga pa mamaya gabihin kayo 3hrs pa naman ang byahe ninyo.
Mama: ingat kayo nak ha.
marc: ok ma salamat
Humalik si marc sa papa at mama nya at ganun din si mich.
Marc: sumakay kana ng sasakyan ilagay ko lang muna to sa loob.
mich: ok sige
Mama: mag ingat kayo ha
Papa: marc ingat sa pagmamaneho ha.
Marc: ok pa ma aalis na kami.
Mich: bye po.. ?
Habang paalis ang sasakyan nila marc napangiti nalang ang mga magulang nya
Mama: nakikita ko na pa ang pagbabago ng anak natin.
Papa: sana nga ma tuloy tuloy na
Mama: kahit ayaw ko pa sya sana paalisin dahil namimiss ko sya kaya lang sa nakikita ko kanina sobrang saya nya kaya hayaan ko nalang muna baka tuluyan na talaga syang magbago.
Papa: kaya ikaw wag mo na masyadong isipin ang anak mo nakita mo naman kanina malaki na ang pinagbago nya kaya kampante na ako na sya ang paasikasuhin ko doon sa nabili nyang lupa.
Mama: salamat pa sa di mo pagsuko sa kanya ha.
Papa: syempre ma anak natin yon at siya ang dahilan kung bakit nagpursige ako sa buhay natin dati ganun din si sophia .. pero malaki talaga ang utang na loob ko sa kaibigan ko dati kung di dahil sa mga payo nya at tulong di ko siguro kayo nabigyan ng ganitong buhay ..
Mama: oo nga pala matagal na kayong di nagkita di ba?
Papa: matagal tagal na din .. ang mga anak nya halos di ko na nakita simula nung lumipat sila sa manila maliliit pa yong mga anak nya non.. kasi naman Sobrang busy din kasi na tao yon kaya minsan sa pagtitipon namin di sya nakakapunta. Tsaka lumipat din kasi tayo dito.
Mama: malalaki na rin sguro mga anak nya .
Papa : oo naman ma nauna pa yon nagkaanak kaysa atin di ba ?.
Mama: oo nga pala.
Naputol ang kwentuhan nila ng may tumawag sa phone
Samantalang sila marc Habang nasa sasakyan sila nakangiti si mich sa kanya
Marc: bakit??
Mich: wala hehe?
Nag umpisa nanaman ang kakulitan niya dahil uuwi na sila kaya biniro sya ni marc na di sila babalik sa kanila mayet ..
Marc: di pa tayo uuwi may pupuntahan pa tayo.
Mich: ha??..saan naman marc ?uuwi na tayo !
Marc: basta may puntahan tayo.
nakangiti lang si marc sa kanya habang nagmamaneho
Mich: marc naman eh kasi di mo sinabi na dito tayo pupunta.?
Marc: nandito na tayo eh. kaya wala ka ng magagawa.
Mich: hay ewan ko sayo!. ?
Marc: oh bakit nasira yang mukha mo??
Mich: ewan ko sayo!
sa labas sya nakatingin dahil naiinis sya na di pa sila uuwi.
Marc: umayos ka ng upo dyan di ko makita ang side mirror.
Mich: kasi naman eh.
Marc: galit ka ba?
Mich: hindi! natutuwa nga ako sayo!
Marc: ???? ang cute talaga
Mich: ewan ko sayo!
nakinig nalang si marc ng music sa sasakyan habang nagmamaneho hinayaan nyang nakasimangot ang dalaga
Marc: matulog ka muna kaya.
Mich: ewan ko sayo!
Marc: hahaha.
At nang narinig niya na patugtugin ng dj ang kanta na gustong gusto nya.
???Sa pagpatak ng? bawat oras ay ikaw ang iniisip isip ko hindi ko? mahinto pintig ng puso ikaw ?ang ?pinangarapngarap ?ko simula ng matanto? na balang araw iibig ang puso ?????
????ikaw ang pag-ibig ?na hinintay puso ay nalumbay? ng kay tagal ngunit ngayoy nandito na ikaw???
Parang tumayo ang balahibo niya habang nakikinig sa kanta na para bang may ipinahihiwatig sa kanya.
???ikaw ang pag-ibig na binigay sa akin ng maykapal biyaya ka sa buhay ko ligaya't pag ibig ko'y ikaw ??
Mich: my gosh! bakit ako kinikilabutan ( sa isip nya)
Hanggang sa matapos ang kanta parang di nya maipaliwanag ang nararamdaman sa mga oras na yon.
Tiningnan niya si marc at seryosong nagmamaneho.
Marc: oh bakit? ?
Mich: wala!
Marc:ang ganda ng kanta di ba? Alam mo parang ikaw ang binigay sa akin ng maykapal mich?
Mich: oa mo !
Marc: hay! Ikaw na nga talaga!?
Gusto nyang ibahin ang topic nila dahil kahit sya tinablan din sa kanta..
Mich: marc uwi na tayo sige na !
Marc: bakit ba gustong gusto mo ng umuwi??
Mich: eh gusto ko na kasi maligo di ko na kaya ang amoy ko?
Marc: mabango ka parin naman ah.haha
Mich: sige na kasi marc uwi na tayo plss..... ?
natatawa siya sa mukha ni mich na parang batabg nagmamakaawa na sundin ang gusto.
Marc: ok sige uuwi na tayo pero... .
Mich: hala sya may pero nanaman. ?
Marc: ah sige saka nalang pala .
Mich: uuwi na ba tayo?
Marc: kanina pa . haha
Mich:ha? loko ka talaga di naman natin nadaan to kanina ah. ?
Marc: sa kabila ako dumaan kasi may inaayos na daan kanina baka di tayo makadaan doon agad.
mich: so, niloloko mo pala ako?
Marc: di ah! mahal kaya kita bakit naman kita lolokohin hehe??
Mich: alam mo ikaw nakakainis ka..!
Marc: mamaya kana maglambing sa akin nagmamaneho pa ako hehe !??
Mich: hahaha marcccccccccccc!!!!!!!
Marc: haha?
Hininto niya ang sasakyan at may kinuha sya sa likod.
Mich : anong gagawin mo??
Marc: oh ito jacket isuot mo para di ka lamigin at matulog ka nga muna para makapagmaneho ako ng maayos. ang ingay mo haha.
Mich: baliw ka talaga??.
sinunod nya ang sinabi ni marc at dahil sa pagod na din sya nakatulog agad siya ,,,nakangiti naman ang binata habang nakatingin sa kanya na natutulog.
Oooooooppppssssss ?!
ITUTULOY ...