ikaw 18

2153 Words
continuation Part11 "ikaw" Manghang mangha si michelle sa mga nakikita nya ang lawak ng mga lupain na taniman ng palay. Ang ibang parte ng lupa wala pang tanim na palay.Sinalubong sila ng isang lalake na naka motor din. Lalake: sir doon po tayo . Marc: ok sige susunod kami. Mich: ang ganda naman dito! Marc: mas maganda ka !? Mich: hay! kasi naman eh wag kang panira!? Marc: haha ? Mich: Anong gagawin natin dito? Marc: Pupunta sa gitna ng palayan haha Mich: ikaw! wala ka talaga sa ayos! Marc: oo nga. mamaya pupunta tayo dyan. Mich: bakit? wala naman palay? anong gagawin mo sa gitna?? Marc: maglaro ng putik?? Mich: haha baliw!. Ang lalake na sinusundan nila huminto at bumaba ng motor kaya huminto na din sila. Lalake: sir , dito nyo ilagay ang motor nyo . tatawid tayo dito. Marc: ok, wala na ba ibang madaanan? Lalake: meron sir kaya lang may ginagawa sila doon sa dulo di tayo makadaan. Marc: ganun ba?ok sige. Lalake: malapit lang naman sir. makikita nyo lang ang motor nyo dito. at isa pa wala naman gagalaw yan dito. Marc: haha baka di kami makauwi mamaya Lalake: mababait mga tao dito sir haha Marc: joke lang ha? Lalake: halina kayo! sir ang girlfriend mo s alalayan mo ha baka madulas. natatawa nanaman siya dahil napagkamalan na naman na gf nya si mich. Marc: tara na bhe!? Mich: nag umpisa na naman siya. Marc: sabi ni kuya oh!? Mich: kuya di ko syaaa..... Di na nakapagsalita si mich dahil tinakpan na naman ni marc ang bibig nya. Marc: huwag ka na kasi kumontra sige ka mamaya malaman nila na di kita gf liligawan ka nila dito. .maiiwan ka talaga dito haha Mich: weeh! di naman eh! Lalake: sir tara na. Marc: ok sige susunod kami. Mich: marc hintayin mo ako. Marc: sandali ako muna tas sunod ka sa akin. parang di makahakbang si michelle dahil madulas ang inaapakan nila. Lalake: sir alalayan mo sya baka madulas . Marc: ok po salamat ! Mich: nakakatakot naman humakbang!? Marc: humawak ka sa kamay ko. Mich: baka mahulog ako marc? Marc: hindi yan humakbang ka lang at sentro mo sa gitna ang paa mo baka madulas ka Mich: marc ,ano yan oh . uod ba yan?? Marc: saan ? Mich: ayan oh ! omg! ??? Marc: hahaha di yan uod hayaan mo lang. Natatakot si mich humakbang kaya bumaba nalang si marc sa putikan at inalalayan siya dahil mahirap mag alalay sa kanya na pareho silang nasa taas . Marc: sige humawak ka sa akin at humakbang ka. Dahan dahan lang ha. Lalake: dyan lang yan ang may putik kasi nadaanan ng makinarya. Humawak si marc sa bandang baywang ni mich at si mich nakahawak sa balikat niya inalalayan nya ito hanggang doon sa walang putik. Marc: ok kuya alalayan ko muna ang lola haha?? Ang lalake natawa sa sinabi ni marc. Mich: haha lola ka dyan! baliw ka talaga! . Marc: hindi ka kasi makalakad ng maayoshaha Mich: teka ang sugat mo sa paa? Marc: hayaan mo na kysa mahulog ka dito sa putikan malaking problema talaga yan mamaya? Mich: mamaya gamutin nalang ulit. Marc: umayos ka maglakad para ka naman manganganak haha? Mich: kasi madulas , tanggalin ko nalang kaya ang tsinelas ko. Marc: wag na . mamaya matinik ka pa. Mich: ayun malapit na pala. Marc: isang hakbang nalan marunong ka na maglakad haha Mich: siraulo haha? Lalake: sir dito wala ng putik . Marc: salamat kuya ha . wag mo na akong tawagin sir marc nalang. Lalake: ok hehe Mich: marc, bitawan mo na ako kaya ko na mag isa! Marc: sigurado ka! Mich: oo nga , malapit na rin naman oh. Malapit na sila makatawid sa kabila dahil nakikita na nila ang may ari ng lupain na nakatayo sa dulo Lalake: marc, alalayan mo sya baka mahulog . Marc : kaya na daw nya kuya ? Mich: kuya kaya ko na hehe. Hinayaan siya ni marc maglakad mag isa dahil di na maputik sa dinadaanan nila . parang di makapaniwala si mich na nasa gitna sya ng palayan kaya tuwang tuwa sya habang naglalakad. Marc: bilisan mo! Mich: mauna ka na haha Marc: haha pag nahulog ka dyan bahala ka. Mich: hindi kaya! marunong na ako oh ! Nagpapakitang gilas siya na marunong na sya kaya hinayaan nalang sya ni marc. Marc: ano kaya pa ba? Mich: kaya pa haha Marc: hawakan nalang kaya kita? Mich: hindi na marc ! ako na nga eh. Kaya ko na ! Marc: ok sige. Ikaw bahala makalipas ang ilang sandali bigla siyang nadulas deretso hulog sa putikan. Lalake: marc!!? naku! nahulog sya oh hahaha Marc: ha? ?? hahaha Mich: marccc!! aray ko! tulungan mo ako!? Marc: yan kasi hahaha??? Tawa ng tawa si marc sa mukha niya na puno ng putik pinuntahan nya si mich at tinulungan Marc: kasi sabi ko sayo hahawakan kita ayaw ayaw ka pa hahaha??? Mich: aray ko!. Marc: tumayo ka ??? Mich: ang sakit ng paa ko ! Marc: haha ang yabang kasi ! kaya ko na na marc ako na marc! hahaha?? Mich: haha nadulas ako eh. Lalake : haha nakakatawa naman kayong dalawa. tumatawa ang mga nakakita sa sitwasyon ni michelle na nahulog sa putikan. Marc: halika ka buhatin kita humawak ka sa akin haha Mich: sige! ang sakit ng paa ko. parang di na sya kayang buhatin buhatin dahil sa kakatawa . Marc: di na kita kaya mich haha ?? Mich: kasi naman tawa ka ng tawa haha? Marc: nakakatawa ka kasi haha??? Binuhat sya ni marc at dinala sa taas . Lalake: marc, dito mo sya paupoin? Lumapit ang isang babae sa kanila. Babae: anong nangyari sa kanya? Lalake: nahulog doon ? Babae : bakit kasi dyan mo sila pinadaan? Lalake: kasi di makadaan doon sa dulo may ginagawa sila sa kalsada. Babae: dito sa poso may tubig dito maghugas kayo dito. Marc: salamat ate, tara na mich maghugas ka doon haha? Mich: sandali lang. Marc: masakit pa ba ang paa mo? Mich: ito lang naman. Marc: kaya mo maglakad ? Mich: oo naman . Marc: sure ka haha? Mich: baliw?? Marc: tara na maghugas ka na doon . basa na ang damit mo. Mich: kaya nga eh. Marc: tara maghugas ka muna . Naghugas si marc at mich sa poso . Pagkatapos nila maghugas nagtanong si marc sa babae kung may nagtitinda na damit dito. Marc: ate may malapit ba na tindahan ng damit dito? Babae: wala, malayo dito na sa bayan Marc: ah ganun ba. Babae : basang basa ba siya? Marc: opo! lalake: di ba si grasya nagtitinda ng damit? Babae: oo nga pala tawagin mo baka may tinda pa sya. Marc: salamat ate. Habang hinihintay nila ang nagtitinda ng damit si mich umupo muna at tiningnan ang paa na masakit. Mich: maliit lang pala? Marc: may sugat ka? Mich: wala naman . maliit lang. Marc: patingin! Mich: tingnan mo maliit lang. Marc: ah ok maliit lang kayang kaya yan?? Mich: hehe? Marc: lahat ba na damit mo nabasa? Mich : dito lang banda ang basa may putik kasi kanina. Lalake: marc nandito na ang nagtitinda damit meron daw syang tinda. Marc: patingin ate. Tindera: sino ba ang susuot ? Marc: siya ( tinuro si mich) Tindera: ah akala ko ikaw wala na akong stock sa panlalaki. Marc: siya lang ate di naman ako nahulog sa putikan kaya lang naputikan lang ako dahil binuhat ko siya haha?? Mich: haha ? Tindera: ito tingnan mo ? Marc: akin na te ibigay ko sa kanya di kasi makalakad? Tindera: sige . Marc: pili ka na dyan para makapagpalit ka. habang pumipili si mich ng damit si marc pumunta sa may ari ng lupain at nakipag -usap . Mich: ate wala na bang iba? Tindera: wala na yan lang ang nandito sa akin. Mich: ang seksi naman kasi nito? Tindera: ok lang yan bagay naman sayo. Mich: halos lahat seksi ang damit. Tindera: ito bagay sayo . kasyang kasya sayo. Tiningnan ni mich maganda nga ang damit nagsusuot namn sya ng mga ganyan ka ikli na damit sa kanila kaya lang dito sa probinsya nahihiya sya. Mich: sige ate ito nalang. tindera:. ok sige bagay na bagay sayo yan. Mich: yellow tank tops with black short pants omg!? tindera: bagay yan sayo . Mich: sige ito nalang. Habang hinihintay nila si marc nakipagkwentuhan ang tindera sa kanya. Kinwento nya ang buhay nila dito sa probinsya at ang paghahanapbuhay nya para sa mga anak nya. Kaya parang maiiyak sya sa kwento ng babae . Naiisip niya na napakswerte pala nya dahil halos lahat nasa kanya na perop itong si ate na nasa harapan nya todo kayod para sa mga anak . Naiisip nya din na tama ang sinasabi ng mga magulang nya sa kanya. Lalong nadagdagan ang pagkasabik nya sa mga magulang at kapatid dahil sa tindera. natigil lang ang malalim nyanga pag-iisip ng bumalik na si marc. Marc: nakapili ka na ba? Tindera: ito daw po sir. Marc: mich hoy!! anong nangyari sayo? sekretong pinunasan ang luha. Mich: ha? wala hehe. Marc: ito na ba ang kukunin mo? Binigay ng tindera kay marc ang damit Tindera: ito sir 245 lahat. Mich: ate kunin ko na yan lahat. Tindera: ha? akala ko ito lang. Mich: marc, bayaran mo muna? Marc: kunin mo ba lahat? Mich: oo para may isuot ako. binili niya lahat para makatulong siya kahit konti sa tindera dahil alam niya kahit konti lang matutuwa na ang mga anak nito. Marc: ok sige , magkano yan lahat ate. Tindera: ah teka lang hehe. nakatitig si marc sa kanya at nagtataka kung bakit parang umiyak siya kaya nag alala ito baka anong ginawa ng tindera sa kanya. Marc : halika ka muna mich may dumi ka dito oh. Kunwari dinala si mich sa poso at hinugasan ang dumi ngunit gusto nyang alamin kung bakit parang umiyak sya. Marc: anong nangyari sayo bakit parang umiyak ka? Mich: wala, naaawa lang ako sa kanya ( sa tindera) Marc: bakit?? Mich: apat daw ang mga anak nya at siya lang mag -isa dahil ang asawa nya Wala na. naawa ako sa kanya. kaya gusto konalang bilhin ang tinda nya para makatulong sa kanya kahit konti. Marc: ganun ba ! akala ko kung ano na. sige bibilhin natin para tumigil ka na dyan. ? Mich: kainis hehe Marc: tara naghihintay na siya. Mich: ate akin na salamat. Tindera: 1,500 lahat sir ayan sinulat ko na ang presyo binigyan ni marc ng pera ang tindera maliban sa bayad nila sa damit kaya nagulat sya bakit ang laki ng binigay. Tindera: sir bakit ang laki naman nito?? Marc: ok lang yan tanggapin mo na ate dahil pag di mo tinanggap di yan titigil sa pag iyak ??( tinuro si mich) Tindera: haha palabiro ka pala sir. Mich: baliw yan ate. Marc: sige na ate tanggapin mo na to. isipin mo nalang na maagang pa masko sayo ? Tindera: nahihiya man akong tanggapin yan pero mas nakakahiya tanggihan ang grasya hehe. salamat. Mich: salamat din ate. Marc: teka saan ka magpalit ng damit? Mich: haha yon ang wala. tindera : sa bahay nalang kung gusto nyo. nandyan lang ang bahay namin. Marc: wala bang tao doon te? Tindera: meron mga anak ko. sige na para makilala nila kayo at mapasalamatan. Marc: tara halika mich doon ka magpalit Tindera: tara sumunod kayo sa akin. Sumunod silang dalawa sa bahay ng tindera at nagpalit si mich ng damit bago sya pumasok tiningnan muna ni marc ang bibihisan niya . Pagkatapos ni mich magbihis nagpaalam na sila sa tindera at sa may ari ng lupain. Marc: ok ka na ba? Mich: ok na. Lalake: marc doon na kayo dumaan sa kabila. baka madulas siya ulit. Marc: salamat kuya . Mich: kuya salamat ha. Lalake: walang anuman pagbalik nyo dito maayos na ang dadaanan nyo hehe. Marc: ok salamat ulit aalis na kami. lalake: sige. ingat. Nang nakatawid na sila sa kabila nagtanong si mich kay marc. Mich: babalik ka pa ba dito? Marc: siguro di ako sure. Mich: maganda dito. Marc: gusto mo dito tumira?? Mich: kung pwede lang haha Marc: huwag ka mag alala magpatayo tayo dito ng bahay pag mag asawa na tayo haha? Mich: hay naku marc , di talaga maiwasan ang kabaliwan mo. Marc: hahaha ? Mich: tara na nga baka ano nanaman maisipan mo mamaya. Marc:haha ? wag ka na magalit sige ka baka magkatotoo yan. Mich: hehehe nakakatuwa(inis) Ngayon lang napansin ni marc ang suot nyang damit . Ngayon lang din nya nakita na nagsuot ng ganyan ang dalaga. Marc: mich magsuot ka ng jacket baka lamigin ka sa suot mo. Mich: nakakaloka napansin nya( sa isip nya) Marc: ito oh suotin mo.(binigay ang jacket) Mich: akin na. Marc: tara na alis na tayo. Bumalik na sila pero di na sila dumaan sa bahay ng kaibigan ni greg dahil ayaw marc Kaya dumiretso na sila ng bahay. Pagdating nila wala sila mayet sa bahay . Mich: wala sila ate. Marc: tatawagan ko kung saan sila. Mich: sige maligo lang ako. Marc: ok sige kasi amoy putik ka? Mich: haha kaya nga eh. Marc: sige na , Habang naliligo si mich tinawagan niya si mayet at nandoon pala sila sa plaza. Kaya naligo na din sya .. Oooooooooppssss ?! ITUTULOY ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD