Part15
"ikaw"
Bumalik si mich dala ang baso na may tubig para kay marc.
Mich: Boss, ito na ang tubig mo. Bakit ka nakangiti mag-isa nababaliw ka na ba talaga??hehe
Tumingin lang si marc sa kanya at ngumiti ulit
Marc: wala! masama bang ngumiti?
Mich: hindi! ang masama ngumiti ka dyan mag-isa ano yon trip lang?ganun? haha
Marc: akin na ang tubig ang tagal kanina
pa ako nauuhaw!
Mich: hala sya! ?
Pagkatapos niyang uminom pinaupo nya ulit si mich sa tabi nya.
Marc: umupo ka nga dito!
Mich: ayoko! hatid ko muna ang baso.
Marc: mamaya na umupo ka muna dito!
Mich: ngayon na! ihatid ko muna.
Marc: sabi ng umupo eh!
Mich: ayoko! ? ( sabay alis)
Marc: uyy!! bumalik ka dito! haha
Sinundan nya ang dalaga na pumunta kay mayet
Mayet: kayong dalawa kumain na kayo di pa ba kayo nagugutom?
Marc: kumain ka na ba te?
Mayet: oo! kanina pa kasi ako nagugutom
Habang naghuhugas ng baso si michelle inutusan na nanaman sya ni marc.
Marc: Mich!
Mich: yes boss ?hehe
Marc: kunin mo nga ang towel ko doon sa sinasampayan ng damit .
napatingin si mayet kay marc na nakangiti.
Mich: ikaw na kumuha may ginagawa ako dito.
Marc: sige na sandali lang.
Mich: ikaw na kumuha wala ka naman ginagawa dyan eh.
Marc: tinutulungan ko si ate oh.
naghihiwa ng mga gulay si mayet para mamaya sa lulutuin ng mama nya.
Mich: kunin mo muna bago ka tumulong.
Marc: sige na kunin mo na kasi pinapawisan na ako eh!
Mich: ayoko nga!ikaw na kumuha.
Marc: isa! ayaw mo talaga!
Lumingon si mich sa kanya .
Mich: ikaw na nga eh! may ginagawa ako dito oh!?
Marc: bilis na kunin mo muna doon!
Mich: hay naku ! bahala ka dyan!
Marc: sige naaa! hintayin pang magalit ako eh! ( pinipigilan tumawa)
Mich: hay! opo boss ! sandali lang po boss!
naghugas sya ng kamay at kinuha ang towel ni marc sa sinasampayan.
Mayet: hahaha ikaw talaga marc!
Marc: hahaha
Mayet: isang utusan mo lang si mich nakakaloka ka haha?
Marc: nakakatawa ang mukha nya teh tingnan mo haha
Mayet: loko! loko! ka talaga. ?
Marc: nandyan na sya teh ?!
Sumeryoso sya agad ng makitang papalapit ang dalaga sa kanila
Mich: oh ito na ang towel mo boss!
Marc: galit ka?
Mich: hindi po boss! haist kainis!!
Marc: paki punasan mo nga muna ang pawis ko.
di na nakapagpigil si mayet sa pagtawa .
Mayet: hahahaha grabe sya.
Mich: ako ulit??
Marc: kasi madumi ang kamay ko sige na bilisan mo na!
nahihiya si mich na di alam kung susundin ba nya ang inuutos ni marc dahil nakikita nya na seryoso ang mukha nito
Mich: akin na nga haist!!. grrrrr!!!!!
pinunasan nya ang pawis ni marc sa mukha at sa leeg.
Marc: yan ganyan mabait ka pala eh salamat hehe
Mich: oh! ayan tapos na! may iutos ka pa?
Marc: wala na! halika umupo ka dito sa tabi ko tulungan mo kami.
Mich: kayo nalang ni ate di ako marunong magbalat ng kalabasa.
Marc: sinabi ko bang magbalat ka?
Mich: eh anong gagawin ko dyan umupo lang sa tabi mo? ganun?
Marc: ganun nga!
Mayet: kumain ka na beh hayaan mo yan si marc haha
Mich: kulang yata sa tulog yan teh nakakainis!
Marc: sige na halika dito!
Mich: kakain na nga lang ako. ikaw gusto mo bang kumain ?
Marc: sana!
Mich: sana pa talaga?!
Marc: sana kung kuhaan mo ako ng pagkain.
Mayet: hahaha naku naman.
Mich: ang arte nito! haist
kumuha sya ng plato at nilagyan ng kanin.
Mayet: ang ulam beh nandyan lang .
Mich: thank you te.
Marc: yan lang ang kanin?ang konti naman!?
Mich: sa akin yan ,kuhaan pa nga kita.
Marc: di na! dyan nalang sayo.
Mayet: haha sasalo na naman sya beh sayo.
Marc: para di marami ang huhugasan mo!
Mich: baliw ka talaga hay naku! ..
Kaya binalik ni mich ang isang plato na dapat lagyan nya ng pagkain ni marc.
Marc: yan ganyan sumunod ka para walang gulo ! very good! ?
Mich: hay ewan ko sayo!
Marc: hahaha .
Naunang kumain si mich at si marc tumutulong pa rin kay mayet.
Mayet: kumain ka na muna marc.
Mich: kumain ka na nandyan kutsara mo oh
Marc: subuan mo ako???
Mich: ito? gusto mo?
Marc: hahaha ayoko nyan.
Mich: ayaw mo bahala ka
Marc: akin na ang kutsara kakain na ako.
Kinuha nya ang hawak na kutsara ni mich
Mich: haist! nakakaloka talaga! nandyan na ang kutsara sa tabi nya kutsara ko pa ang gagamitin.
Marc: para nga konti lang ang huhugasan mo!
Mich: ang sabihin mo baliw ka lang talaga.
marc: kumain na nga tayo wag ka na maingay magagalit ang pagkain oh ingay ingay mo kasi..
Mayet: kayong dalawa daig nyo pa ang magdyowa haha
Natigilan silang dalawa sa sinabi ni mayet
Mich: hala ate?
Marc: ayaw kasi akong sagutin ni mich te??
Mayet: bakit nanligaw ka ba?
Marc: hahaha oo nga pala noh (nagdeny)
Mich: di sya nanliligaw teh kundi nang aasar lang yan siya .
Marc: hindi ah! ?
Mayet: naku marc ha nang aasar ka lang pala.
mich: may ibang nililigawan yan ate . ano ka ba!
Mayet: ganun ba? totoo ba marc? ?
Marc: nililigawan ka dyan?
Mich: hahaha.
Mayet: sinong nililigawan mo marc?
Marc: ewan ko sa kanya sya tanungin mo siya nagsabi eh.
Mich: weeeeehhh!
Mayet: ikaw ha nagsesecreto ka na sa akin.
Marc: hahaha ate.
Mich: haha ayan na!
Marc: wala akong niligawan teh baka magseselos si michelle eh.
Napalakas ang tawa ni mayet sa sinabi niya.
Mayet: hahaha ganun ba? totoo ba beh?
Mich: baliw! bakit ako magseselos??
Marc: di ko alam sayo bakit ka nagseselos? hehe
Mich: hay naku!
Marc: oh see? haha nagseselos nga siya.
Mayet: tapusin nyo na nga muna ang kinakain nyong dalawa haha
nakangiti si marc dahil nakita nya na namula si mich sa sinabi nya .
Marc: ubusin mo na yan bakit konti lang kinain mo?.
Mich: ikaw na mag ubos.
Marc: yon lang kinain mo?? sinabihan lng kita kanina na mabigat ka na tapos ngayon konti nalang kinain mo?
Mich: anong konti ? marami kaya yon.
Marc: huwag kang mag alala kahit tumaba ka di kita ipagpapalit ????
Mayet: hahaha marc .
Mich: nasiraan ka na yata talaga ng ulo marc!
Marc: hahaha..
tawa ng tawa si mayet dahil alam nya na totoo ang mga sinasabi ni marc kaya lang dinadaan nya lang ito sa biro.
tumayo si mich at kumuha ng tubig .Nakatingin si marc sa kanya dahil gusto nya itong makita ang reaksyon ng mukha ng dalaga sa sinabi nya.
parang di makatingin si mich sa kanya ng deretso .
Mich: oh tubig mo! mamaya utusan mo nanaman ako!
Marc: salamat my mich!??
Mich: hay ewan ko sayo. ?
Mayet: hahaha my mich talaga??
March: haha! ang ganda talaga ng mich ko oh.hehe ?
di na nakayanan ni mich ang pang aasar ni marc sa kanya kaya binato nya ito ng isang hiwa ng kalabasa at umalis.
Marc: arayy!! haha saan ka pupunta mich ko? uyyy!! bumalik ka dito. haha
Mayet: haha ayun na !napikon na siya.
Marc: hahaha.
Mayet: loko! loko! ka talaga marc haha
Nakasalubong siya nila greg at mga kaibigan nito
Greg: anong nangyari doon? haha
Marc: natalo! haha
Mayet: ayan oh inasar nya!? kumain na kayo greg.
Greg: kakain na nga teh hehe syanga pala teh tumawag ba sayo si kuya ben?
Mayet: hindi bakit?
Greg: nakita ka pala niya nung isang araw kaya sabi nya punta ka daw doon
kung gusto mong kumain ng buko.
Marc: saan yon insan?
Greg: malapit lang insan kaya lang sa
kabilang ilog.
Marc:tara teh punta tayo.
Mayet: sige tawagan mo sya mamaya punta tayo.
Greg: ok sige tawagan ko na ngayon para
makapakuha na siya ng buko sabihin ko isang batalyon tayo haha
Mayet: hahaha loko!
Marc: anong oras tayo aalis ?
Greg: alas tres ok lang ba sa inyo?
Mayet: ok . kaya lang baka mainit pa.
Marc: takot ka sa init te??
Mayet: loko! di ah haha.
Greg: ok na yan di na mainit yan kasi baka gabihin tayo doon
Mayet: ok sige mamaya.
Marc: namis ko na ang sariwang buko haha
Greg: hahaha insan wag ka mag alala marami doon
Mayet: marami sigurong bunga ang niyogan nila.
Greg: siguro nang-imbita eh
Dumating din ang mga kaibigan ni mayet kaya pinakain na din nya
Mayet: gising na pala kayo kumain na kayo.
Lily: oo nga nagugutom na ako hehe
Cora: kanina pa ako gisung nagutom na nga ako hehe
Janice: kumain na ba kayo gurl?
Marc: yess!! tapos na haha
Greg: kain na din kayo sabay na tayo.
Cora: ok sige.
Lily: si marc ang saya ah.
Mayet: syempre napikon nya si mich eh
Cora: ah kaya pala. ?
Lily: kaya pala niyaya ko siya pumunta dito ayaw nya kasi napagtripan na pala haha
Marc: haha saan na ba siya?
Janice : nandoon sa sala nanood tv.
Marc: teka mapuntahan nga muna ?
Greg: insan kakabati nyo palang inasar mo nanaman agad haha
Marc: haha punatahan ko muna
Mayet: si marc talaga oh. hayaan mo na si mich doon binato ka na ng kalabasa di ka pa rin titigil haha.
Cora: hahaha nagbatuhan na pala sila?.
Mayet: inasar kasi nya ng inasar ayun binato sya ng kalabasa haha
Lily: loko talaga si marc haha
Pinuntahan nya si mich sa sala at umupo siya malayo sa dalaga na kunwari nanood din ng tv pero panay ang tingin nya nito sa kanya.
Napa wow si mich sa commercial na pizzahut kaya natawa sya
Marc: haha makawow naman to?? mich sasama kaba?
Di sumagot si mich sa kanya
Marc: sasama ka ba o hindi?
Mich: hindi!
Marc: ayaw mo? sure ka?
Mich: Hindi nga sabi eh! doon ka na nga!
Marc: ok sige! ikaw lang maiwan mag isa dito mamaya ayaw mo pala sumama.
Napatingin si mich sa kanya.
Mich: saan ba kayo pupunta?
Marc: di mo na kailangan malaman di ka naman sasama sabi mo di ba?
Mich: haha .?.
Marc: uyy! tumawa siya?
Mich: marc nakakainis ka.
Marc: bakit? tinatanong kita di ba kung sasama ka sabi mo hindi!
Mich: saan nga?
Marc: kakain daw ng buko. di ka naman sasama bakit ka pa nagtatanong?
Mich: totoo? saan??
Marc: di ka sasama di ba??
Mich: haha sasama ako.
Marc: sabi mo ayaw mo haha
Mich: sasama na ako sige na hehe
Marc: haha akala ko hindi eh.
Marc: mich, alam ko na kung saan ang stuff toys
Mich: ha? talaga nasaan na??
Marc: teka kunin ko muna.
Tumayo si marc at kinuha sa kwarto dahil binigay sa kanya ng mama ni mayet
Marc: oh kunin mo dito .
Mich: yeheey!???
Marc: parang bata lang haha
Mich: haha eh ano naman ?
kinuha nya ang stuff toys sa loob ng plastic at hinalikan
Mich: ang cutee!!mwwah?.
Marc: buti pa sya may kiss ako wala ?
Mich: haha baliw! thank you pala ha hehe
Marc: youre welcome? ah mich, alis muna ako ha may kukunin lang ako sa bahay nila lola.
Mich: ok sige ingat
Marc: walang kiss? ???
Mich: tseeh! ?( sabay pasok sa kwarto)
Marc: haha?
Umalis si marc sakay ng kanyang motor na masaya na naman at pumunta sa bahay ng kanyang lola.
Ooooooooppppppppsssss ?!
ITUTULOY ...